Chapter 2 (Team Up)

4 0 0
                                    

A very slow Update. Saka na yung sunod sunod. Pag natapos ko na yung buong story. Soooo. Take you timeeee. UwU

__
Wow wow wooooowwww.

One of the luckiest day in my life!—SA KABALIKTARAN!

BWISIT! BWISIT TALAGA!

"Is it me o nagiinit ka?"

Napatigil ako sa pag lalakad at napangisi sa narinig ko. Tumingin ako sa likod ko at nakita yung mummy na to.

"So sinasabi mong hot ako?" At nginitian ko siya ng mapang asar. It's payback time mummy!

"Hot? Hot tempered? Yeah. You are." Sabi niya at naguna na maglakad saakin.

Damn this mummy!

Ano bang problema nito?! Badtrip na nga ako sinasabayan pa niya?!

Naglakad nalang uli ako at tumahimik habang nakatingin sa kanya.

Wierdest day ko din pala to. With a wierd girl. Nakikita ko lang yung buhok niya na hanggang balikat ang haba. Straight at itim na itim. Balot na balot siya ng tela na parang mummy. Kahit yung mata niya nakabalot din e! Kahit sa dulo ng daliri nakabalot din. Nakakapagligo ba to ng maayos?

"Oy!"

Tumigil siya at humarap saakin kaya tumigil din ako.

"Why?" Tanong niya pero lumapit lang ako ng may curious na mukha hanggang sa magkaharap na kami.

"Nakakakita ka pa ba, weirdo?" Tanong ko at nilapit yung mukha ko sa kanya. Di naman ako mag aalala sa halik kasi may nakaharang naman at kung hahalikan ako nito edi may pang asar ako. Ha! Talino ko talaga! Tsk tsk.

"As I remember, my name's Violet and I am proudly to say that I... Can... " Sabi niya pero parang may idadagdag pa.

"I can...? " Tanong ko dahil mabilis lang ako mairita pag pinapatagal ang isang bagay.

"SEE!" Athuli na nung mapansin ko na nasa lapag na ako habang pino proseso ang nangyari.

SHE JUST FREAKING KICKED ME!

"ANO BANG PROBLEMA MO?!"  Tanong ko nung nakatayo na ako at hinila ang kwento ng polo niya. Wala akong pake kahit babae pa to. Pag ako nainis mo harap harapan ka kay kamatayan.

Hinihintay ko na magsalita siya pero ni isang salita dipa din ako nakakarinig mula sa kanya kaya mas lalo kong hinigpitan yung hila ko.

"Wag na wag mo akong kakalabanin Ezekiel Neo Guart. Baka magsisi ka."

Nabigla ako sa sinabi niya sa dalawang dahilan.

Una. Wag kalabanin? MAGSISISI AKO?

Pangalawa. Alam nya pangalan ko?! Gaano ba ka weirdo to?!

Tatanungin ko na sana kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya kaso nga lang biglang may humila sa kanya paatras at may humila din saakin paatras kaya nabitawan ko siya.

"I see, you are friends already Ms. Violet?" Tanong ng isang babae na naka uniform din at may blonde na buhok.

"I recall having no friends." Walang emosyon na sinabi niya.

Nakita ko ang pag lunok ng babae at pag tingin sa paligid na para bang kinakabahan.

"Stop right there Ms. Violet." Sabi naman ng nasa likod ko. Sa boses palang... Hayss. "You wouldn't know what will happen in the future~" Sabi niya sa isang masayahing tono.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon