Cane's
Mate...
"I"
Mate...
"Reject you, Canine Allwest..."
Mate...
"As my mate!"
MATE!!!
Hingal na hingal akong nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog.
Hay...
Napanaginipan ko na naman ang isang eksena kasama ang aking mate. Ang itinakdang maging kapareha ko. Ang kalahati ng aking kaluluwa. Sabi ng mga magulang ko, kapag nakita at nakapiling mo ang mate mo, makakaramdam ka ng matinding saya, at iba pang mga emosyon na hindi namin kontrolado.
Today is my 18th Birthday. At ang unang pasukan. Mabilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan.
Kasi tulad ng scenario na napanaginipan ko, paano kung hindi ako tanggapin ng mate ko? Paano kung i-reject niya ako?
"CANE! BUMABA KA NA DIYAN! KAKAIN NAAAA! NATUTUNAW NA YUNG ICE CREAM!"
I cursed. Umagang-umaga ang ingay ni Ina. Dali-dali na lang akong nagbihis at pinakatitigan saglit ang katawan sa salamin. Ang sexy ko nga talaga para sa isang lalaki. Maraming nagsasabi e. Ewan ko ba, wala naman akong pakialam sa katawan ko. Yung mate ko, yun ang mahalaga.
Isa akong werewolf. Actually, kaming buong pamilya. We belong in the Cerberus Pack at ang aming pamilya ang nagsisilbing tagapag-silbi ng mga Alpha.
Tagapagsilbi hindi yung alila, bawal ang ganoon sa pack namin. Kami lamang ang nagsisilbing tagapagluto ng mga Alpha tuwing may espesyal na okasyon, at salo-salo.
Ang lahi raw ng mga Allwest ang pinakamagaling sa larangan ng pagluluto mula noon, kung kaya't ayun, lahat ng kinakain namin, iniinom. Kami mismo ang gumawa.
Pagkababang-pagkababa ng hagdan ay bumungad sa akin ang sandamakmak na handa sa lamesa. Alam kong matindi ang metabolism at appetite naming mga werewolf pero sobrang dami naman ata nitong handa namin para sa tatlong katao.
"Ang spoiler mo talaga Mhie, 'di ba usapan natin surprise 'yang ice cream?"
"Eh sa natutunaw na! Kasabay ng pagtulo ng panis na laway ng anak mo 'yang pagtulo ng natutunaw na ice cream! Sayang!"
At nagtalo pa nga sila.
"Ina, Ama. Kain na po tayo, mahuhuli pa ako sa klase."
"Hala anak, andyan ka na pala."
Sabay nilang bungad sa akin. Nagkatinginan pa sila dahil sa pagkakasabay ng pagsasalita.At sabay na nag-iwas ng tingin na parang mga bata.
"Nakakatawa po kayo, alam niyo."
Naupo na kami nagpasalamat Moon Goddess para sa pagkaing nasa hapag.
Pinaghanda naman nila ako ng pagkain, at waring nagpapaligsahan pa talaga sila.
Napasapo na lang ako ng aking noo...
*************
Nakarating ako ng school ng 15 minutes late at bundat na bundat ang tiyan. Oh Moon Goddess, tulungan niyo po akong ma-digest lahat ng kinain ko kanina.
Hindi naman ako napagalitan ng aming bagong adviser dahil introduction pa lang naman.
Hindi ako nangunguna sa klase, pero 'di rin naman ako nahuhuli. Katunayan nasa Class B ako at karamihan ng mga kaklase ko ay mga Beta na siyang mga next-in-line ng mga Alpha.
BINABASA MO ANG
Countless Rejection (GayxStraight)
WerewolfJust like any other wolf, Canine Allwest of the Cerberus Pack eagers to find his mate. His other half. Naghintay siya hanggang sumapit ang ika-18 kaarawan niya. Ang tamang edad kung kailan malalaman na niya kung sino ang itinadhana para sa kaniya ng...