Vein.
Ano kaya ang feeling na may nagmamahal sayo? Ano kayang feeling na inlove? Sabi daw nila masaya, masarap, parang roller coaster ride, nakakabaliw, NAKAKALOKA! pero parang imposible na saakin yung may magmahal saakin. NBSB forever na ako at tanggap ko na yun. Eh sino ba naman ang magkakagusto sa tulad kong lonely, weird at madaldal? Wala diba? Wala ngang gustong makipag-kaibigan saakin, boyfriend pa kaya?
NO BOYFRIEND SINCE BIRTH!
"Miss gising na po, nasa Bicol na ho kayo" nagising ako bigla ng yugyugin ako ni Manong Kundoktor ng malakas, napabangon ako sa kinauupuan ko at dumungaw-dumgaw sa labas ng bus---Nasa terminal na pala ako,
"Salamat ho sa pag gising" pagpapasalamat ko kay Manong Kundoktor at dali-daling bumaba sa bus,
Pagkababa ko biglang bumungad saakin ang makapal na usok na galing sa tambutso ng bus kaya bigla akong naubo ng wala sa oras, "Ano ba yan? May usok festival bang nagaganap?" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papalayo sa bus
Pumunta ako sa gilid kung saan maraming nakahilerang mga upuan at umupo muna saglit para tingnan kung nasaan na ba ako---Ayon sa cellphone ko, nasa Naga City Terminal na ako, napatingin-tingin ako sa paligid, maraming mga taong busy maglakad at maraming mga barker ang busy kasisigaw,
Napatingin ako sa wrist watch ko at 10:23 na pala ng umaga, tumayo na ako sa kinauupuan ko at naghanap-hanap ako ng matatanungan kong saan dito yung may malapit na mall para makapag-kain muna ako ng breakfast, gutom na kaya ako kanina pa,
Lumapit ako sa babaeng nakaupo sa isang tindahan ng mga souvenir para matanong kung saan ang malapit na mall, "Ahmm hi, pwede po bang magtanong?" tumingin naman si Ate girl saakin, infairness, maganda si Ate Girl
"Ano po yun?"
"Nasaan ba dito yung mall?" Tanong ko sakanya tsaka sabay hawak sa strap ng bagpack ko habang nakatingin sakanya ng diretso
"Mall? Ayun lang po oh" sabi ni Ate girl tsaka sabay turo sa kanan, tiningnan ko naman ito at nakita ko ang isang mall, ayun lang pala! Bat hindi ko 'to nakita kanina?
"Ahmm thank you" pagpapasalamat ko kay Ate tsaka sabay lakad patungo sa mall,
Maganda naman pala dito sa Bicol dahil walang traffic, walang gulo, walang masyadong nagkukumpulan dahil may nagsusuntukan o di kaya dahil may nagaganap na break up scenario, at mababait rin ang mga tao kumpara sa Manila, ang traffic, maraming gulo at pahirapan sumakay ng transportasyon kaya mas gugustuhin mo talagang pumunta na lang sa ibang lugar kesa sa Manila e
Malapit na sana ako sa pintuan ng mall ng biglang may bumanga saakin kaya natigilan ako sa paglalakad at tumingin dun sa taong yun pero hindi man lang ito tumigil sa paglalakad para mag-sorry at tuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad papunta sa loob ng mall,
"Aba! Bastos yun ah" dali-dali kong hinabol sya sa loob ng mall pero masyadong mahahaba ang hakbang nito na para bang may hinahabol ito kaya hindi ko masyadong nahahabol ito
"Hoy lalake!" Sigaw ko sakanya pero hindi ito lumingon man lang at nagpatuloy lang. Little did I know, tinitingnan na pala ako ng mga tao sa mall pero hindi ko parin tinantanan yung lalake kahit na tinitingnan na ako,
Tumakbo na ako para maabot sya pero masyadong mabilis si kapre---este! Yung lalake kaya hindi ko sya maabot-abot,
Habang sinusundan ko sya bigla syang natigil sa paglalakad kaya naabot ko na sya, "Hoy lalake! Hindi ka man lang magso-sorry man lang? Multo ba ako kuya? Multo? Hah?!" I'm attracting a lot of people's attention at ayaw ko yun pero dahil sa lalaking to, nasusubukan ako nito!
BINABASA MO ANG
The Almost 24-Hour Love Story (ON-GOING)
Teen FictionPaano kaya kapag nag sama ang lonely, weird, nerd at NBSB forever na si Vein Margarette Venelope Santiago at ang modelo, gwapo at broken na si Stein Deodezman sa isang adventure?