CHAPTER TWO

16 0 0
                                    







Missy's POV


Maaga akong nagising dahil sinundo ako ni Daisy sa bahay.First subject daw kasi namin Ms.Pinkue.May punishment kapag nalate.At si Mrs.Pinkue lang ang nakakaalam kung anong ipapagawa niya.

Bored na bored akong naka-upo dito sa upuan.Napatingin ako kay Daisy na nanunuod pa'rin ng K-drama.Habang nagmamasid ako sa labas ay may naalala ako.

Aha!Si Mr.Cold slash snobby.Anong room kaya siya?Saan ko kaya siya ulit makita?

Kinuha ko sa bag ko ang kwentas na naiwan niya kahapon.

Isang silver necklace na may letrang M.Girl necklace siya't sobrang ganda din.Sa tingin ko mahal to...

Ang unlucky naman siguro ng jowa niya.Ang hot tempered niya.

Napatingin ako sa wrist watch ko.May 15 minutes pa ako para lumabas.

Napatango tango ako ng naisipang lalabas at baka sakaling hahanapin si Mr.Cold slash snobby.

Agad akong lumabas sa classroom dala-dala ang kwentas.

Niisa-isa kong tiningnan ang classroom pero wala akong nakitang mukha niya.Asan ba siya nakapasok?

Sa sobrang laki ng school na toh saan ko siya mahanap?Hindi ko nga alam kung anong level niya eh!psh..

Bakit ko nga ba siya hinanap?Duh,di siya deserves sa oras ko...

Napabuntong hininga akong naglalakad pabalik sa Classroom.Kalmang naglalakad ako hanggang sa dumating ako sa classroom.

Papasok na sana ako ng mapansin ko si-WHAT?!

She glared at me..Habang napaatras naman ako.Napatingin ako kay Daisy na nakatingin sa'kin na takot ang reaksiyon.

"SINABI KO NAMANG PAG ORAS NG KLASE KO WALANG LALABAS!WALANG MALALATE!",sigaw niya kaya halos mapatalon ako.

Matapang akong tao,pero pagdating talaga nito kay Teacher Pinkue nanghihina ako.psh..

Mag-eexplain sana ako ng biglang tumingin si Teacher Pinkue sa likuran ko.Lumingon din ako at halos mapaatras ng makita si Mr.Cold slash Snobby.Sobrang lapit niya sa'kin kaya nanlaki ang mata ko.Pero limang sigundong napatitig ako sa kanya ganun din sa siya bago ako tumalikod at kinabahang tumingin kay Teacher Pinkue.

Napakunot ang noo niya atsaka nag cross-arm.Napa-iling siyang lumapit sa'min.

"Transferee ka ba iho?",tanong ni Teacher Pinkue.Hindi sumagot si Mr.Cold slash Snobby pero tumango ito.

"Hindi mo ba nabasa yung rule sa schedule list mo?",tanong ulit ni Teacher Pinkue kay Mr.Cold slash Snobby pero umiling din ito.

Mariing pumikit si Teacher Pinkue.Napansin ko pang nanginginig ang nakasara niyang kamao.

Napatingin ako sa mga kaklase kong nag-aalala din ang mukha habang palipat lipat ang tingin kay Teacher Pinkue at sa'min.

"GET OUT",huling sigaw niya bago ako nawalan ng hininga.

jk.


~~~~~~~~~~~


Pinalinis kami sa may room kung saan nagkalat ang mga basura at mga libro.Ayun yung tambayan ng mga estudyante..Hindi nga lang sila marunong maglinis.Bilang parusa kami ang papalinisin kasama nitong si Mr.Cold slash Snobby.

Napalingon ako sa kanya habang busy sa pagwawalis ng basura.Napangiting lumapit ako sa kanya at tinitigan siya.

Napansin niya naman ako at dahan-dahang tumingin sa'kin.Seryoso siyang nakatitig sa'kin habang nakangiting nakatitig din sa kanya.

Killer SmileWhere stories live. Discover now