Naudlot

3 0 0
                                    

Mahinang pag iyak,
Mga luhang pumapatak,
Pusong may kulang,
Di sinasadyang naiwan.

Masarap na lutuin?
Wala na akong makain.
Wala ng nagpapatikim
At nagtatanong kung sobra ba sa asin.

Ang katagang "Will you marry me"?
'Di na maririnig sa'yong mga labi.
Wala ng hihiling.
Wala ng maglalambing.

Sorry,late na kitang sinamahan.
Para magpakilala sa pamilya mo't kaibigan.
Sana naging masaya ka kahit konti.
Sayang 'di na tayo makakatakas muli.

Naging maikli man ang buhay mo,
Masaya akong nagkakilala tayo
Salamat sa masasayang araw,
Sa kakulitan mong walang panglaw.

Sana magkasama pa din tayo balang araw...
At ang groom ko parin ay ikaw...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NaudlotWhere stories live. Discover now