Umaga ng magising ako sa sigaw ng kinakasama ng nanay ko, bakit ba tinanggap mo pa rito yan? Pabigat lang yan sa'yo diba? Mula ng dumating yan sa buhay mo nag kanda letche letche ka na tas ngayon na pinalayas siya ng tatay niya lalapit siya sayo? Aba'y grabeng pasakit ang pinaramdam sa'yo niyan ah? Naluha nalang ako dahil alam kong totoo ang mga bagay na iyon, at kahit anong gawin ko bunga lang ako ng tukso at ng pagkakamali. ewan ko ba, kung alam ko lang na ganitong buhay nag aantay sakin di na sana ko naging matapang noon at nakipag unahan sa ibang cells edi sana noon palang ay patay na ako at hindi nahihirapan ng ganito. Panganay ako sa tatlong mag kakapatid maswerte ang mga kapatid ko dahil ewan ko ba kung bakit sila lang ang mahal ng mga magulang ko, totoong anak din naman ako. Ah Basta nabubuhay ako na alam kong pasakit lang ako, kaya lang naman nagpakasal at nawalan ng kalayaan ang magulang ko dahil nabuo ako, natakot lang sila na atakihin sa puso ang lola ko kaya sila nag pakasal at dahil na rin sa iyon ang gusto ng lola ko. Bata pa lang ako pansin ko na ang ibang pag trato sakin ng mga magulang ko pero di ako nagsasalita kasi ano nga ba ang karapatan ko? Sampid lang naman ako sa pamilyang to, masakit? Pero matagal ko ng tinanggap pasalamat nalang ako at pinag aaral pa ako ng papa ko. Pero ngayong pinalayas na ako ng papa ko di ko na alam kung paano pa ako mag tatapos ng pag aaral ko, mahirap lang ang kinakasama ng nanay ko ngayon at kahit naman may trabaho ang nanay ko sinusustentuhan niya parin yung magulang at mga kapatid niya sa bicol. At iyon ang pinaka masakit para sakin, dahil nagagawa niyang pag aralin yung mga kapatid niya samantalang ako hindi pero hindi ako nag reklamo dahil sabi niya nga sakin noon, anak lang kita, pamilya ko sila at pag may masamang nangyare sa nanay ko dahil sa mga ka dramahan mo, hinding hindi kita mapapatawad at kakalimutan ko ng anak pa kita. Buti nalang at bakasyon na ngayon ang problema ko lang ngayon ay kung paano ako sa susunod na pasukan ayoko namang umasa kay mamang (lola ko sa papa) ayoko ng maging pabigat pa sakanya dahil mula pagka bata palang siya na ang nag alaga, nag aruga at nagparamdam sakin na ang isang disgrasya na katulad ko ay may tyansa pang mahalin ng ibang tao. Pinahid ko nalang ang luha ko at lumabas nalang ng kwarto para magpaalam sa mama ko, dahil alam ko namang kahit anong gawin ko pipiliin niya parin si tito. Palayasin mo na yan rito! Ayoko ng madagdagan pa yang mga paghihirap mo! Kung hindi magsama nalang kayo at ako ang aalis rito nakita ko naman ang mabilis na pagluluha ng mata ni mama at agad na lumapit kay tito ngunit bago siya magsalita ay inunahan ko na siya. Di mo na kailangan magmakawa sakanya mama, ako na po ang kusang aalis, salamat po sa pag papatulog sa akin kagabi. Sabi ko sabay yakap sakanya at sinusubukang pigilan ang pag hikbi pero hindi ko kinaya? Ma-mama mahal n-na mahal kita, magiingat ka lagi ha pag tapos nun ay agad na akong bumitiw at lumayo papalabas sa kalsada, kahit naman ganun mahal na mahal ko parin sila, dahil laging sinasabi ng lola ko sakin na huwag akong mag tatanim ng sama ng loob sakanila kaya ayun, kahit anong gawin nila patatawarin at patatawarin ko pa rin sila, dahil magulang ko sila. Pero ngayon isa nalang ang naiisip kong paraan ang "urbn glow flow" ito nalang aarte pa ba ko?
BINABASA MO ANG
ForEv(i)(l) Fri(end)s
Randommy life's a mess, i thought leaving that house will make my life peaceful but im wrong, im always wrong... Those friends i thoyght i can lean on... Why?????