Pumailanlang ang wedding march habang maririnig ang malakas na tunog ng kampana ng simbahan. Maaliwalas ang sikat ng araw na kita sa malaking bintana ng maliit na kwarto na kinatatayuan ni Aleiza.
Wala sa sarili na nirereplay niya sa utak niya ang mga nangyari sa nakalipas na linggo. Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi niya lubos maisip na kahapon lang ay magulo ang mundo niya dahil sa hindi inaasahang pagpili.
Patuloy pa din ang tugtog ng wedding march. Lumakad siya paikot sa maliit na kwartong iyon sa likod na bahagi ng simbahan kung saan siya ikakasal. Iniwasan niyang matapakan ang kanyang gown at mahabang belo na nakalatag sa sahig na kahoy.
Napabuntong-hininga siya. Tama sana ang naging desisyon niya. Tama sana ang gagawin niyang pagpapakasal.
Naputol ang pag-iisip at dahan-dahang pag-ikot niya sa loob ng kwartong iyon nang marinig niya ang tatlong magkakasunod na katok sa pinto. Lumingon siya nang bumukas ito at mula sa labas ay pumasok si Bibi, ang baklang wedding coordinator nila.
"Ate! Lalabas ka na! Bakit ganyan pa ang itsura mo? Kasal ba ito o libing?" mataray na sabi nito at lumapit sa kanya.
"Kinakabahan lang ako." Sagot niya. Lumapit siya sa isang upuan at kinuha ang nakapatong na bouquet of roses. "Tara?"
"Of course! Hindi ka maikakasal kung hindi ka lalabas!" Nauna itong lumabas ng pinto. Narinig nito ang pagtulak sa isang bridesmaid niya at ang mahinang tawa ng mga ito.
Kumakabog ang dibdib na lumabas siya ng pinto.
Mabilis na lumapit sa kanya ang mommy at daddy nya.
"You look divine anak!" bulalas ng kanyang Mommy.
"Oo nga anak! I'm so happy right now!" segunda naman ng kanyang Daddy.
"Tama na ang chika!" Putol sa kanila ni Bibi. "Naiinip na ang groom." Matapos silang ipwesto ay tumalikod ito sa kanila at sumenyas sa isangt bahagi ng simbahan.
Naputol ang wedding march at pumailanglang ang "The Portrait" mula sa pelikulang Titanic na paborito niyang movie. Nagsimula siyang humakbang. Ang Mommy niya sa kaliwa at ang Daddy niya sa kanan.
Nakita niya na sabay-sabay napatingin sa kanya ang lahat ng guests sa kasal nila. Kita sa mga mata ng mga ito ang paghanga sa kanya. Lalo na ang mga babae. Nakanganga pa talaga ang iba.
Panay ang kislap ng mga camera.
Ipinokus niya ang tingin sa unahan. Sa altar kung saan nakita niya ang kanyang groom na nakatayo sa kanang bahagi malapit sa altar. Nakaputi itong amerikana.Nakatalikod ito, nakaharap sa altar.
Itinuon niya dito ang tingin habang mabagal na humahakbang papalapit sa altar. Papalapit sa kanyang magiging asawa matapos ang seremonyang ito.
Nagflashback sa kanya ang tila whirlwind na mga pangyayari nitong nakalipas na linggo. Ang inakala niyang magiging tahimik na pag-iisip.
Ang pagdayo niya sa Hidden Paradise Resort.
Napahinga ulit siya ng malalim.
Matapos ang ilang sandali ay narating na nila ang altar kung saan naghihintay ang kanyang groom. Nanlalamig ang kamay niya na bumitaw sa kanyang Mommy at Daddy habang ang mga ito ay pumunta na sa upuan ng mga ito. Umalis na din ang mga bestman sa tabi ng groom upang maupo sa pwesto nila.
Pigil ang hininga ni Aleiza nang humarap sa kanya ang kanyang groom.
AUTHOR'S NOTE:
SINO KAYA ANG BRIDE'S GROOM?
PLEASE LEAVE A COMMENT:) i WILL APPRECIATE IT VERY MUCH!
SA MGA MAKAKATAPOS NG STORYNA ITO, I WILL DEDICATE A CHAPTER FOR YOU :) SALAMAT!!
PLEASE VOTE AND SHARE!!
BINABASA MO ANG
The Bride's Groom (COMPLETED)
Teen FictionKailangang pumili ni Aleiza, ang lalaking mahal siya o ang lalaking mahal niya.