Twelve

891 13 1
                                    




Don't forget to vote ang comment your thoughs heaven readers...........


Chapter Twelve

----------------------------------------------

"Maia amara"


"abg mahal naman neto ale pwede bang tawaran mo."nakangiti kong sabi sa dalagang babae sa harapan ko na akala mo laging galit dahil sa peke nitong kilay na ang pangit ng pag-kakadrawing pero hindi ko pwedeng sabihin yun dahil baka hindi pa ko pag-bigyan kaya naman mas tinamisan ko pa ang ngiti ko dito pero tinaasan lang ako ng kilay.


"hindi pwede mababa na nga yan eh! papagalitan ako ng auntie ko!."mataray na sabi nito na akala mo hindi kawalan ang customer dahil sa sungit nito kaya naman napakunot din ang noo ko ganyan ba dapat ang pakikitungo nito sa customer?.


"alam mo miss-!."naputol ang sasabihin ko dahil sa kumag na humatak sa akin at inilagay ako sa likod niya kaya naman naiinis na pinukulan ko nalang ng masama na tingin ang likod nito na parang mararamdaman niya.


"alam mo miss beautiful mas lalo kang gaganda kapag ngumiti ka." parang masusuka namn ako sa sinabi niya pero hindi nalang ako nag salita at ang babaita naniwala at ngumiti ng malawak na akala mo naman ikina-ganda niya yon. "yan ang ganda mo lalo pero miss beautiful pwede bang tawaran namin tong isdang kasing fresh mo huh?."at ngumiti pa ito na makalaglag panty kaya naman si ate hindi alam kung saan titingin sa sobrang pula ng muka gusto ko sanang sabihin na 'oyy hindi mo ba alam ang salitang bola' kaso wag nalang dahil tumalab ang charms ni mustafa dahil sa pag-tango ni ate bago ikinilo ang tilapia.


"ito na po." inabot nito yun kay mustafa at nang tumingin ito sa akin ay kasing taas na naman ng mt.mayon ang kilay nito na hindi ko  nalang pinansin at inabutan siya ng dalawang daan bago umalis sa harapan niya at narinig ko pang nag-pasalamat si mustaf bago sumunod sa akin.


"hindi pa ba tayo tapos andami mo nang pinamili at saka kanina pa tayo paikot-ikot dito ah."naiinip nasabi nito at halata sa mukha nito na gusto ng umalis  at tumutulo na rin ang pawis nito.


"umuwi kana ako ng bahala sa sarili ko."inayos ko ang dala kong plastic bag at inilipat sa kabila kong kamay dahil sa pangangalay ng bigla nalang nito kinuha sa akin ang dala ko at saka ako hinatak sa pulso palabas ng palengke.


"ano ba ba't kailangan mo pa akong hatakin may mga paa naman ako."sabi ko dito bago hinatak ang kamay ko sa pag-kakahawak niya at nakuha ko naman agad dahil hindi naman yun mahigpit.


"it's dangerous here so i won't let you roam aroud by yourself."pumara ito ng tricycle bago ako hinatak papasok at sumunod ito sa akin sa loob kaya naman medyo masikip.


"gusto ko sanang mag-libot sa lugar para malaman ko kung ano ba ang lagay ng mga tao dito."tumango lang ito kaya naman tumahimik nalang ako at tumingin sa paligid kung saan maraming bata ang naka hubad at palaboy laboy ng walang sapin ang mga paa.





TAPOS ko ng ayusin ang mga pinamili namin kanina at ngayon ay nasa labas kami para tignan ang mga nasa kapaligiran ayoko na nga sanang kasama si mustafa kaso ay ayaw nitong pumayag kaya wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag hindi naman siguro ito masiyadong delikadong lugar dahil ang iniimbistigahan ko ay kung sino ang mga nag-bibigay o ang mga pinagkukuhaan ng mga bata ng drugs masiyado silang matatalino dahil alam nilang hindi makukulong ang mga menor de edad kaya doon nila ibinibigay ang illegal na gamot kaya kailangan ng malaman at para narin ma-rescue ang mga bata at madala sa DSWD.


May mga batang tumatakbo mula sa maliit na eskinita at may nakita akong bata na may ina-abot sa isa pang bata kaya naman nagtataka akong mas inilapit ang mga paa ko doon ng may pumigil sa akin.


"hindi ka pwedeng pumunta doon nag-tatanstraksiyon sila di mo pa ba nakikita bakit ikaw ang ipinadala e sa simpeng gesture lang nila hindi mo pa makita!."pasigaw na bulong nito sa akin na sinasabi kung bakit ako ang ipinadala sa misiyong ito kaya naman naiinis na tinulak ko siya palayo sa akin.


Totoo naman kasi ang sinabi niya wala akong masiyadong alam sa ganoon kaya naman hindi ko alam na nag-tatanstraksiyon na sila at hindi ko din alam kay mr.gonzales kung bakit ako ang pinadala niya dahil lawyer ako at hindi naman imbistigador pero okay lang naman yun sa akin dahil meron na rin naman akong nahawakan na kaso na katulad nito ang kaso ay mas maliit lang iyon kumpara dito na kailangan ko pang lumipat ng tirahan para ma-imbistigahan yon.


"ano bang gusto mong makita dito?."inilagay nito ang kamay  sa bulsa ng khaki short nito bago tumigil sa pag-lalakad at humarap sa akin.


"gusto ko lang makita ang kalagayan ng mga bata dito."mahina kong sabi parang kanina pa kasi ito naiinip sa mga pinag gagawa ko.


"bakit hindi nalang tayo mag-unwind?"tanong nito sa akin na parang wala kaming trabaho na ipinunta dito at gustong mag lakwatsiya nalang.


"nag papatawa ka ba bakit naman tayo aalis dito e may trabaho tayong ginagawa at kaya tayo andito ay dahil sa trabaho." naiinis na sabi ko dito bago nag lakad na papalampas sa kanya at pumantay naman ito sa akin bago hinawakan ang kamay ko at inilagay yon sa braso niya nag tataka akong tumingin sa kanya.


"anong ginagawa mo?."sabi ko dito piltit na tinatanggal ang pag kaka-angkla ng kamay niya sa kamay ko.


"wag kang masiyadong mag-pa stress sa trabaho mo."sabi nito na mas lalong nag-pakunot ng noo ko stress? e wala pa nga akong nagagawa simula ng pumunta ako dito tapos unwind agad ang gagawin ko e hindi rin naman ako pumunta dito para mag-unwind at kung yun man ang ipinunta ko ay bakit sa ganito pang lugar.


"ano bang pinag-sasabi mo e nandito ako para sa trabaho hindi para mag-unwind."hinayaan ko nalang na nakaangkla ang mga braso ko sa braso niya dahil habang hinahatak  ko ay mas lalo lang humihigpit ang kapit niya.


"wag kanang masiyadong maraming tanong basta mag de-date tayo." sabi nito at mas binilisan ang lakad na nag pasunod sa akin dahil parang lutang ako sa mga sinasabi niya ano daw DATE!!??.......





-------------------------------

So how's my update heaven readers dont forget to comment your thoughs abouut this chapter ang if you like it hitt hte star button i appreciate it all lovelots by your loving author Mahabaginglangit

It's dangerous to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon