Prologue

124 0 0
                                    

"Handa na ba ang lahat? 'Yong mga gamit natin,  kumpleto na ba? Siguraduhin niyong mabuti,  baka maubusan tayo ng pagkain. Hindi natin alam kung ilang araw ang itatagal natin do'n," sabi ni Ryan, ang tumatayong pinuno ng mga magkakaibigan.

"Bro, wala pa si Misha. Siya na lang ang kulang,"  sagot naman  ni Tanner na ang tinutukoy ay ang babaeng mahal ni Ryan.

Ang grupo ng magkakaibigan ay pupunta ngayon sa isang liblib na isla. Balak lang nilang mag camp at iyon ang napili nilang  lugar. Kahit sa kabila nang  maraming nagsasabi na huwag daw  pumunta sa lugar na iyon  dahil marami nang 'di umano na hindi pa nakakalabas sa isla na iyon nang buhay ay  ang grupo ng magkakaibigan na ito ay sadyang ayaw magpapigil. Gusto nilang masaksihan ang ganda ng isla dahil hindi sila nakukuntento sa mga haka-haka lamang.

"Kumpleto na, bro. Tara na, yahoo..."
Sigaw ng pinaka-isip bata sa grupo nila na si Leo. Natawa na rin ang iba pa nilang kasamahan sa inasta ng kanilang kaibigan. Mahihimigan sa tinig ng binata ang panananik na makatungtong sa nasabing lugar. Maging ang buong barkada ay sabik na rin makita ang ganda ng isla at hindi na makapaghintay pa ng matagal.

"Sorry, baby. Sorry kung na-late ako. Ayaw kasi akong payagan ni Mama kaya ngayon lang ako nakatakas. Tara na, excited na ako," masayang sambit ng kasintahan ni Ryan na si Misha at kumapit pa sa braso ng binata. Akma na itong papasok sa sasakyan ngunit natigilan nang humarang ang braso ni Ryan. Nagtatakang napa-angat ng tingin si Misha sa kasintahan ngunit sumalubong sa kanya ang ngisi ni Ryan.

"Baka may nakakalimutan ka," sabi ni Ryan at nakataas pa ang sulok ng labi nito. Kapagkuwan ay kagat ng binata ang kanyang pang ibabang labi na napatingin sa mga mapupulang labi ng kasintahan.

"Baby, may mga kasama tayo," pabulong na sagot ni Misha sa kasintahan. Tumaas lang ang kilay ni Ryan sa naging tugon ng kasintahan bago niya mabilis na inangkin ang labi ni Misha.

"Maaga pa para mag harutan kayo," biglang sabi ni Jhuna, ang pinakabata at pinakamatatakutin sa barkada. Napa-irap ang dalaga nang tila ba walang narinig ang magkasintahan at patuloy pa rin sila sa paghahalikan. Hindi magawang pumasok ni Jhuna sa sasakyan dahil nakaharang ang dalawa sa pintuan. Tahimik na nagbilang si Jhuna sa kanyang isip at hinintay na matapos sa paghaharutan ang kanyang mga kaibigan, ngunit makalipas ang ilang sandali na nananatiling magkadikit pa rin ang dalawa ay mariin niyang kinagat ang lollipop na kanyang kinakain at saka tinulak ang dalawa.

"Kung ayaw niyong pumasok, padaanin niyo ako," naka-irap na sabi ni Jhuna at saka tuluyan nang pumasok sa sasakyan. Alanganin na ngumiti si Misha sa kaibigan na para bang humihingi ng kapatawaran sa kapilyuhan ng kanyang kasintahan ngunit mahina lang natawa si Ryan.

"Lagot ka sa akin mamaya," nagbabantang sabi ni Misha sa kasintahan kaya tumaas ang sulok ng labi nito. Malalim na napahugot nang hininga si Misha dahil alam na niya na puro kapilyuhan lang ang nasa isip ni Ryan.

"I'm waiting, baby," pabulong na sagot ni Ryan at lihim pang pinisil ang pang-upo ni Misha. Lumaki ang mga mata ni Misha at napatingin pa sa kanilang likuran. Mabuti na lang at sila na lang ang hindi pa nakakasakay kaya sigurado siya na walang nakakita sa ginawa ng kanyang kasintahan.

"Be ready, baby. Two weeks tayong magkasama at free sa lahat ng gagawin. Siguraduhin mo lang na may sapat kang lakas sa mga araw na iyon dahil papagurin kita," nakangising sambit ni Misha. Mas lumawak pa ang kanyang ngisi nang makitang napatiim bagang ang kanyang kasintahan dahil sa sinabi niya. Kinindatan niya ang tulalang si Ryan bago nakangiting pumasok sa sasakyan.

"Sa wakas, tapos na rin kayo. Siguro naman ay pwede na tayong umalis nito. Handa na ang lahat, alis na tayo,"  nang-aasar na salubong ni Jhuna sa kaibigan, ngunit tanging matamis lang na ngiti ang ibinigay ni Misha sa kanya na umupo sa unahan.

Dalawang van ang gamit nilang sasakyan. Labing-lima sila na magkakaibigan at hilig na talaga nila ang mag adventures.  Habang tinatahak nila ang daan papasok ng isla ay  kinikilabutan si Ryan na siyang nagmamaneho. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ngunit alam niyang may kakaiba. Pakiramdam ni Ryan ay para bang may nagmamatyag sa kanila habang tinatahak ang daan patungo sa isla.

"Natatakot ako," pabulong na sabi ni Jhuna at niyakap pa ang kanyang sarili. Pasimpleng nagkatinginan si Ryan at Misha na nasa unahan dahil maging sila ay may kakaiba rin na nararamdaman.

"Bakit ganito? Bakit kinikilabutan ako?" Sigaw ni Nicole na katabi lang ang boyfriend nitong si Alex. Niyakap siya ng kasintahan upang pakalmahin.

"Parang mali yata tayo ng lugar na pupuntahan," biglang sambit ni Zack, ang tahimik sa grupo. Minsan lang  magsalita ang isang iyon pero nakakatakot. Natatakot na napatingin sa kanya ang katabi nitong si Jhuna at napakayak na lang sa braso ng binata ang dalaga nang makitang seryoso nga ang kaibigan.

"Tumatayo na lahat ng balahibo ko, ano bang lugar ito? Nakakatakot naman..." Nakayakap sa sarili na sambit ni Yash habang katabi nito ang best buddy niyang si Kiro.

"Guys kalma lang. Walang mangyayaring masama sa atin dito," may pinalidad na sabi ni Ryan sa kanyang mga kaibigan. Halos lahat na nila ay nakayakap sa kanilang sarili at 'yong iba ay nakayakap sa katabi nila dahil sa takot.

Si Ryan ang nagmamaneho habang nasa unahan lang nila  ang isang van na minamaneho ni Tyrone, ang womanizer  sa barkada pero napatino ng isang tahimik na babae na si Mae.

Biglang napaghinto ang van na gamit nila Tyrone kaya napahinto rin si Ryan na nakasunod lamang sa kanila. Dumungaw  sa bintana  si Ryan at tinanong sila kung anong problema.

"Bro, anong nangyari? Bakit kayo huminto?"  aniya sa kaibigan.

"M-may dumaan sa unahan. Muntik ko nang mabangga," nauutal nitong sabi. Kahit na may kalayuan ang pagitan nila ng kaibigan ay hindi rin nakaligtas sa mga mata ni Ryan ang pamumutla ni Tyrone.

Mabilis na lumabas  ng van  si Ryan at linapitan ang mga kaibigan. Tumingin siya sa paligid para tignan ang sinasabi ni Tyrone  pero wala siyang nakita.

"Namamalikmata ka lang siguro, bro. Ingat sa pagmamaneho," napapa-iling na sabi ni Ryan kay Tyrone  at tinapik pa ang balikat ng kaibigan bago siya  bumalik sa isa pang van.

Mabagal lang ang takbo ng kanilang sasakyan dahil nga makipot ang daan.
Sa 'di kalayuan ay may nakaharang na mga sanga ng puno sa daan.  Hindi nila maitatanggi na nakakakilabot nga ang lugar ngunit naiibsan  naman iyon sa  ganda nito. Pakiramdam ni Ryan ay para bang nililinlang ng ganda ng kalikasan  ang mga mestiryosong nagaganap sa lugar na iyon.

"Aahh..." biglang sigaw ni Jhuna kaya lahat sila ay  naalerto. Ang lahat ay takot na napatingin sa kanilang kaibigan.

"Anong nangyari?" tanong ni Ryan dahil namumutla na ito. Siya ang umaaktong leader ng barkada kaya resposibilidad niya ang lahat habang nandoon pa sila.

"M-may  lalaking humawak sa kamay ko. D-duguan ang mukha niya," nauutal  na tugon ni Jhuna. Nanginginig na rin ang kamay nito dahil sa takot. Nag-aalalang niyakap siya ni Zack. Nagkatinginan sila Ryan at Zack, nagtatanong ang tingin na ibinigay ni Ryan sa kaibigan ngunit nagkibit balikat lang ang huli dahil hindi rin niya nakita ang sinasabi ni Jhuna na lalaking duguan ang mukha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Island (R18)Where stories live. Discover now