"Babe, naaalala mo ba kung pano tayo nagkakilala?"
♡ ♡ ♡
Summer na ngayon sa maliit na islang ito sa Pilipinas. Malakas ang ihip ng hangin habang naglalakad ako sa dalampasigan. Imbis na pagandahin ng ng scenario na to ang pakiramdam ko, somehow it makes me feel even more dramatic.
Sikat na tourist spot ang beach na to. Kaya maraming tao, turista, at residente ang mukhang enjoy na enjoy sa ilalim ng araw kahit na yung init nito ay kaya nang magpaapoy ng posporo at makasunog ng balat.
Sinubukan kong tanawin ang langit. Tinabingan ko ang mata ko na nasisilaw ng sinag ng araw gamit ang isa kong kamay. Walang kahit isang ulap sa itaas, sobrang payapa at asul ng langit. Hindi katulad ko na gulong gulo na sa buhay.
Umihip nanaman ang hangin, sa pagkakataong ito, mas malakas. Kasamang hinangin yung buhok ko papunta sa 'king mukha pero di ko nalang pinansin.
Dito na ko lumaki sa isla. Hindi pa ako kailanman tumatapak sa ibang lugar bukod dito. Yung morena kong balat at yung mga palamuti ko na gawa sa mga kabibe ang katibayan na laki ako sa isla.
Napabuntong hininga ako habang nagsisisi na hindi ako nagsuot ng tsinelas. Unti unting humahapdi yung talampakan ko dahil sa mainit na buhangin. Napagdesisyunan kong maglakad patungo sa parte ng dagat kung saan konti lang ang naliligo para lumusong.
Habang naglalakad ay nililibot ko ang aking paningin kaya natanaw ko ang beach ball na nahuhulog mula sa langit papunta sa direksyon ko.
Walang palya ko itong pinalo gamit ang pulso ko bago pa ito tumama sa pagmumukha ko. Sinundan ko ng tingin ang bola habang papalipat ito pabalik sa court.
"Nice receive, Sheki!" Sigaw ni Jake na nasa court. Ngumiti lang ako. Hindi naman na kasi bago sakin ang paglalaro ng beach volleyball.
"Tara sali ka samin!" Tumakbo sya palapit sakin at sinubukang hilahin ako papunta sa court.
"Eh. Sorry Jake. Hindi pwede." Sagot ko. Tinanong nya kung bakit habang kitang kita ang pagkadismaya sa kanyang itsura. "Alam mo naman yung sitwasyon 'di ba? Kailangan ko tong ayusin kung hindi baka hindi na tayo magkita pa." Binigyan nya ko ng titig na puno ng simpatya at tsaka nya ako niyakap ng mahigpit. Mabilis dumikit sakit ang pawisan n'yang sando.
"Hoy! Bitaw ang baho mo amoy kang araw!" Pagpupumiglas ko kahit hindi naman talaga sya mabaho. Itinulak ko sya at nginitian niya ako nang nakakaloko. "Tingin mo mabango ka? Amoy kang gamit na medyas na di nalabhan." Piniga nya ang ilong nya para kunwari ay nababahuan.
"Hoy Jake! Ano iiwan mo sa ere yung laro?" Parehas kaming napalingon kay Aki na naiinip na dahil umalis si Jake sa laro. Parehas din kaming umirap sa kanya. "Sige Shek. Sabihin mo lang sakin pag kailangan mo ng tulong. Pasensya rin, hindi kita masamahan ngayon." Tumango lang ako. Bumalik sya sa laro habang ako ay dumiretso sa tubig.
Kung tuluyan kong iiwan yung lugar na to, kasama si Jake sa mga mamimiss ko ng sobra. Matalik na kaming magkaibigan simula pa nung mga panahong sinusubukan palang namin maglakad at magsalita. Nakatira sya sa bahay katabi ng sa amin. Magkaibigan ang papa ko at tatay nya. Samantalang yung mga nanay namin, yung sakin ay namatay nang ipinanganak ako, yung sa kanya ay bumuo ng ibang pamilya at kinalimutan sya.
Nung mga bata pa kami ay mahilig kaming magtagu-taguan sa tumpok ng mga buhangin. Sabay din kaming natutong lumangoy. Sabay kaming lumaki at palagi kaming magkasama. Kaya kung aalis man ako, madudurog ang puso naming dalawa.
BINABASA MO ANG
I knew you (Filipino Version)
Teen FictionI thought heart cannot remember and love will be a stranger... Until one thing became certain, I knew you