How I Met Her

975 439 149
                                    


Nagising ako sa isang gubat. Malamig ang simoy ng hangin. Nakalitaw na ang araw at agad ko namang pinagmasdan ang aking paligid. Kumikirot pa ang aking ulo ngunit sinubukan kong tumayo sapagkat ako'y nabigo. Pagkalipas ng ilang minuto ay muli kong sinubukang tumayo at ako naman ay  nagtagumpay.

Tiningnan ko ng maigi ang aking suot na bestida. Puting-puti at marumi. Nasulyap ko ang mga bahay na magkakadikit at sinimulan na ang aking paglalakad patungo roon sa bayang aking nasisilayan.

Nang makarating ako sa bayang iyon ang mga kasuotan ng tao ay hindi ordinaryo. Hindi ito tulad ng mga kasuotang nakikita at nasusuot ko sa aking mundo.

Maya-maya ay natabig ako ng isang matangkad na lalaki, napaupo ako sa mainit at maalikabok na sahig sa sobrang lakas ng kaniyang pagkatulak sa akin.

Akala ko naman ay tutulungan niya ako ngunit nilayasan lamang ako nito at napatitig na lamang sa akin ang mga taong naglalakad na nagbu-bulungan sa kanilang mga kasama habang nakatitig sa akin.

Ngunit muli akong tumayo at pinagpag ang bestidang suot-suot ko at naisipan ko nang ituloy ang aking paglalakad.

Nakarating ako sa isa na namang gubat kung saan mas maganda ang paligid at madaming paro-paro ang nagsisiliparan, ang kanilang iba't-ibang kulay ay tunay na nakakamangha at napakaganda.

Dumapo ang ibang paro-paro sa aking balikat at totoong ako ay natuwa. Nang umupo ako sa isang tabi ay bigla na lamang lumipad ang mga paro-paro papalayo sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako at napaisip kung paano ako napunta rito.

"Ano ang ginagawa mo rito?" Tanong ng lalaking hindi ko kilala. Nakita ko itong lalaki na nakatayo sa harapan ko at pinagmamasdan ako.

"W-wala po..." Maikling sagot ko na mayroon pang hiya na nararamdaman.

Lalaking matangkad, maputi, maamo ang mukha at maitsura ang nakita ko at pinagmamasdan ko sa ngayon.

"Sumama ka sa akin. Mukhang hindi ka pa kumakain at kailangan mo rin magpalit na ng iyong kasuotan." Ang sabi nito sa akin.

Dahan-dahan naman ko namang iniabot ang aking kamay at doon ko nakita ang isang kabayo. Kabayong kaniyang sinasakyan.

Tinulungan niya akong makasay rito sa likod ng kabayo at siya naman ay sa harapan sumakay. Hindi gaano mabilis ang pagtakbo ng kabayo kaya sigurado akong hindi kami mahuhulog dito.

"S-saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. May kahiyaan pa ring nararamdaman.

"Sa isang kaharian... malaking palasyo." Nanlaki ang aking mga mata nang madinig ko ang kaniyang sagot sa tanong ko.

K-kaharian? P-palasyo? Ibig s-sabihin... ba ay... isa k-kang Prinsipe?" Tanong ko sa kaniya, nauutal-utal pa.

Ramdam ko naman ang kaniyang pagngiti sa aking pagkagulat at ang kaniyang tugon sa aking tanong ay pagtango.

Nang makarating naman kami sa palasyong kaniyang sinasabi, agad niya akong binaba mula sa aming sinasakyan na kabayo at agad ding nagbukas ang malaking pintuan, naroroon ang mga tauhan na binati kaming dalawa ng Prinsipe.

"Magandang umaga Prinsipe Ethan." Tumingin ako sa kanila at sa Prinsipe.

"Magandang umaga sa inyo. Pakisabi po sa aking Ama at Ina na mayroon akong kinupkop na isang babae para alagaan siya kahit sa saglit na panahon lamang." Agad naman silang nagsikilos upang sabihin ang gustong iparating ng Prinsipe.

Dinala ako ni Prinsipe Ethan sa isang malaki at malinis na kuwarto. Doon ay umikot ang aking paningin, pinagmasdan ang aking paligid.

"Dito ka muna pansamantalang matutulog. Itong kuwartong ito ay sa iyo lamang. Mayroon kaming kasuotan para sa babae. Maligo ka na muna at ibibigay nila ang iyong isusuot mamaya." Ang sabi niya sa akin at agad itong lumabas ng pinto.

How I Met Her (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon