Isa lang akong ordinaryong babae, magigising, maliligo, kakain, papasok, mag-aaral, uuwi. Ganyan lang ako palagi, wala akong ibang gawain, pero noon yun!
Simula nang makilala kita, nagbago lahat sa akin. Oo ganun pa rin ang gawain ko everyday, pero nadagdagan na. Ngayon, halos araw araw na kong sumusunod sayo! Tinitignan ko bawat galaw mo, di ko maalis tingin ko sayo. Anong meron ka at naakit mo ako ng ganito? Hays.
''Grabe matutunaw na yan si Basti sayo!'' sabi ni KJ, kaibigan ko. Eto na naman kame, nakasunod sa kanya. "Kung camera lang yang mga mata mo malamang sa malamang memory full na yan kakatitig mo sa kanya!" dagdag niya. Ang ingay talaga ng kaibigang kong to, ang supportive niya noh? Nyemas!
"Manahimik ka na lang diyan pwede? Ganto ka rin naman sa mga crush mo ha?!" sabi ko sa kanya,eh totoo naman eh, tss, sobra pa nga yan makatili eh! Ang gwapo ni Basti ngayon, ay este araw araw naman pala siyang gwapo. Bat ko nga ba siya sinusundan? Simple lang, gusto ko lang magtapat sa kanya. Ang tagal ko nang tinatago tong one sided love na toh noh! Sasabog na ata ako eh.
"Mae ayan na siya! Ano ready ka na?" tanong saken ni KJ, ready na ba ko? Wait, parang naiihi ako bigla, pero hindi pwede! It's do or die na, hinga Mae, hinga ng malalim. /sighs/
"KAHIT HINDI PA, READY NA KO! KAYA KO TO! AJA! WHOO" palakad na ko papunta sa aking man of my dreams, konti na lang...lakad lakad lakad... ay tanga! Kapag sinuswerte ka nga naman, natisod pa. Tsk.
"Uhmm okay ka lang?" may nagtanong saken, tanga rin to eh
"Aba muka ba kong oka-- ah oo oo, okay lang, hehe." Shemay, si Basti pala, mababara ko pa ng wala sa oras yung lalaking mahal ko ah. Tumayo agad ako tas ngumiti ng malapad sa kanya. Landi rin noh? Haha
"Ahh sige, ingat ka na lang" pero bago pa siya makaalis, hinawakan ko siya sa braso. Nagulat siya, liningon niya ko, "bakit?"
"Ahh...eh..ano..," bat ngayon pa ko nauutal? Tagal kong prinactice to samen ah! "Kase ano.."
"Miss ano ba yun?" naiinip na ata siya, eto na hinga na talaga /sighs/
"Gusto kase kita"
"Ano?" Bingi ba siya!? Hiyang hiya na nga ko eh
"GUSTO KAKO KITA!" nakayuko lang ako habang sinasabe yun
"Ahh" hinintay ko yung sunod niyang sasabihin kaso wala na eh\
"Yun lang masasabe mo?"
"Kagaya ka lang ng iba, madami nang umamin saken, pare pareho lang naman kayo" Ouch ha. Triple kill! Papaalis na siya pero bago pa siya makalayo sumigaw ako
"SIGURO NGA KAGAYA AKO NG IBA, KAGAYA NILA KO NA NAGKAKAGUSTO SAYO, NA PATAY NA PATAY SAYO! PERO MASISISI MO BA KAME?! PASALAMAT KA NGA MAY NAGKAKAGUSTO PA SAYO! HINDI KO NAMAN SINABE SA PUSO'T UTAK KO NA MAHALIN AT GUSTUHIN KA, KUSA SILANG TUMIBOK PARA SAYO! I'm sorry kung gusto kita. Sorry.." umiiyak na ko, nyemas, nasaktan talaga ko dun ah. Di niya ko pinansin, umalis siya. Bwisit! Ang sakit pala noh, ang sakit mareject ng taong mahal, yung taong gustong gusto mo. Lahat na ata ginawa ko, sinusuportahan ko siya kapag may dance competition sila, lagi ko siyang kinakamusta sa mga kaibigan niya, para na nga kong tanga para sa kanya, pero bakit ganun? Siguro nga, di niya talaga kayang suklian yung feelings ko sa kanya. Assuming din kase ako! Lahat ginawa ko para mapansin niya kahit magmuka akong tanga.
"Gustong gusto kita..." nasabi ko na lang yun habang palayo siya saken.
"From the looks of you, mukang di maganda ang kinalabasan" sabi agad ni KJ, ano ba naman kase tong itsura ko? Muka kong namatayan. "Ang panget mo! Umayos ka nga!" di ko na siya pinansin, diretso na ko sa kwarto ko. Magmumukmok na lang ako dun, perp grabe napagod na ata ako kakaiyak. Tulog ko na lang to.
----
"Uyyy may nanliligaw sa labas!"
"Dali tignan naten"
"Si Basti ata yun eh, sinasayawam yung babae!"
Nagpantig naman yung tenga ko sa narimig, sino daw yun? Si Basti may kasayaw...? Ugh di ko napigilan, lumabas na ko papunta sa lobby ng school.
Pag labas ko ang daming nagtitilian, kinakabahan ako, di ko alam kung bakit.
"MAE?! TARA KAIN TAYO!'' hinatak ako bigla ni KJ, parang tarantang taranta siya, bakit? "Tara na"
"Wait si Basti daw nagsasayaw eh, tignan ko lang, ano bang meron?"
"Ah wala, tara na." Tinignan ko siya ng masama, may tinatago to. Tsk, tinaboy lo siya, at boom, jusko po, parang mamatay ata ako sa nakita ko.
"Sabe sayo tara na eh.Tsk'' Sana nga nakinig na lang ako sayo KJ. Waaah!
"Si...si..Basti, nililigawan niya yun?"
"Oo'' di ko namalayan, bigla na lang tumulo mga luha ko, aalis na sana ako eh pero nagkatinginan kameng dalawa. Ang sakit, ang sakit sakit, yung pinapangarap mo pagma may ari na ng iba. Kill me now please? Tumakbo na ko, di ko na kaya.
Lintek naman oh. Minsan ka na nga lang magmahal palpak pa. Sana kahit konti napansin mo man lang ako, kahit konti lang... kase ako, pansin na pansin kita. Mahal na mahal kita...
