"Pare tama na yan, huwag mong idadaan ang problema mo sa pagiinom, pagusapan niyo" inagaw ni Robert ang alak sa kamay ko.
"Ngayon lang naman ito bert, lagi nalang siyang nagagalit, porket may bakas lang ng lipstick ang damit nambabae agad?"
"Alam mo namang naglilihi ang asawa mo James kaya tiisin mo, palaging mainitin ang ulo ng mga nagbubuntis lambingin mo nalang"
"At nagugustuhan mo namang may humahalik sayo" dagdag nito."How?! Kahit nilalambing ko nagagalit!"
*beep* *beep*
"Hello? Sino to?"
"Hello po sir. Kayo po ba si Mr. Cordovero?"
"Oo bakit?"
"Si Mrs.Cordovero po ay sinugod ngayon sa hospital at dahil ikaw po ang huling katext nito kaya po kita tinawagan"
"Ha?! Why?! What Hospital?!"
"St. Luke Hospital po"
"Sige pupunta ako dyan paki bantayan ng asawa ko!"
*toot* *toot*
"Bert aalis muna ako emergency !!"
"Ingat pare lagi mong tandaan na mahal ka ng asawa mo"
"Geh"
Dali dali akong umalis at sumakay ng kotse papuntang St. Luke's Hospital.
Tinanong ko ang Nurse kung saan ang asawa ko.
At sinabe nitong nasa ICU.
Agad akong kinabahan. Lumabas ang doctor sa ICU. At kinausap ako.
"Kaano ano ka ng pasyente?"
"Asawa nya po ako doc, kamusta po siya ho? Anong nangyare sa kanya?"
"Base sa natamo niyang mga internal fractures at bleeding nasa kritikal ang buhay ng asawa mo at lalo ng anak na nasa sinapupunan niya" "nabangga ang sasakyan nito sa isang 10-wheeler truck at dahil matindi ang buhos ng ulan Hindi na niya nakita ang kalsada."
"Nagkaroon ng internal bleeding ang ulo nito at kumalat papunta sa veins ng puso. Dahil sa malakas na impact ng sasakyan sa pagkakabunggo at lalo na dahil Hindi ito nakasuot ng seatbelt. Ngayon dahil mahina ang katawan nito dahil sa pagbubuntis niya Hindi na natin Alam kung ano ang mangyayare"
"When is she going to wake up?"
"I don't know, WE don't know only God knows. Just have hope and faith to God"
"Doc please keep my wife alive and my baby please! I could pay you a bigger amount!! Just please save them"
"We will do our best Mr. Cordovero"
At umalis ang doctor pabalik ng ICU.
Binasa nito ang cellphone at may nakitang 7 messages.7:30 pm.
Chum chum ko asan kana? Gabi na may linuto akong sweet and sour na isda. Diba paborito mo ito? Kaya umuwi kana chumchum. Hindi na ako galit. :).