Ngayon ang araw ng general physical examination ko. Requirement sa pagtatrabaho ko sa Japan bilang electronics assembler. Maaga ako nagpunta sa St. Dominique Health Care Services. At dahil nga maaga ako No.1 ako sa pila. 7am pa lang pero 8am pa ang open nito. Hindi ko na alam kung ano nararamdaman ko. Naiihi, natatakot, halu-halong emosyon dahil first time ko pa lang yun gagawin.
Ate Chen: Uy Joanne ang aga mo ah.
Ako: Ate Chen natatakot ako :'(
Ate Chen: Haha ano ka bang bata ka hindi ka naman kakatayin.
Sampu kaming nakapasa sa interview, isa ako sa mas bata kaya tinuturing nila ako na parang younger sister.
Heto na. Bukas na ang laboratory.
Dug dug dug dug. Ayan na ung puso ko parang nakikipaghabulan. Nagfill up muna kami ng form pagkatapos ay pinaakyat na sa second floor para simulan ang tests. Una ang pagkuha ng dugo.Ako: Ate Cheeeeeen ayan na. Bakit ako pa una. Ayoko na. Pwede ba magback out?
Ate Chen: Ading, Kaya mo yan. Wag mo na lang tingnan para hindi ka matakot.
Staff1: Akin na mga forms nyo para makapagstart na tayo. Tatawagin ko na lang pangalan kung sino papasok sa loob.
Kami: (binigay mga forms)
Staff1: Joanne Lea .
Ako: (lumapit) Kuya, wag masakit ah.
Staff1: Mamili ka kung sino gusto mo kumuha ng dugo sayo. (Nakangiti pa sya)
Ako: Kuya kahit sino basta wag lang masakit.
Staff2: Upo ka na dito. Hindi naman to masakit. (Nagsasalita habang hinahanda ang syringe, nililinis ang part ng braso ko na kukuhanan ng dugo)
Ako: (Tinakpan ko ng isang kamay ko ang mga mata ko para hindi ko makita) Kuyaaaaa! Kuyaaaa! Kuyaaa! Huhuhu ( Naiiyak na ko)
Staff2: Wag ka malikot. Baka mamali ako ng turok. Mas masakit yon .
Ako: (Patuloy pa din sa pag iyak) Kuyaaaaa! Huhuhu Kuyaaaaa!
Staff2: Wag ka ngang maingay jan baka isipin nila kung ano ginagawa ko sayo. Sabihin nire-rape kita. (Sabi nya habang tumatawa pa)
Ako: Kuyaaaa! Hindi pa ba tapos? Kuyaaaaa! (Nanginginig ako na umiiyak)
Staff2: Hindi pa. Konti pa. Ang likot mo kasi kelangan mapuno mo muna to. Ibukas mo palad mo.
Ako: (Dahan dahan binuksan palad ko) Kuyaaaaa! Huhu kuyaaaa!
Staff2: Yan okay na. Tapos na.
Ako: (Titingnan si Kuya tawa pa din ng tawa habang ako nakasimangot)
Paglabas ko tawa ng tawa mga kasama ko nakabukas lang kasi ung pinto habang kinukuhanan ako ng dugo.
Ate Cath: Dapat pala kinuhanan kita ng video para makita mo itsura mo. Ahaha.
Ako: Grabe ka naman te. Wag ganun.
Sumunod na kinuhanan ng dugo ang iba. Nagpunta na kami sa iba pang mga test pero nanlalambot pa din ako.
Tuwing mapapadaan ako sa laboratory nakatingin sila sakin with matching tawa. Grabe tuwang tuwa pa sila. Tsk!
Pagkatapos lahat ng test naghintayan din kami. 1 week bago malaman ang result kaya kelangan bumalik next week.
1 week later...
Ako: goodmorning po. May result na po ba yung sa amin?
Records Section: Ano po name mo?