Unang Pagbasa

158 5 1
                                    

Tungahayan natin ang kwento ni Albert, 29 years old.

Isang ordinaryong araw para sa isang ordinaryong tao, ako si Albert, BPO employee, may regular na sahod, regular na buhay, pero may mataas na pangarap.

Pauwi na ako noon galing sa night shift sa trabaho. Madaling araw na noon at sumakay ako ng bus pauwi, sa sobrang sanay ko na umuwi ng alanganing oras ay nakatulog agad ako pagkatapos kong magbayad sa kunduktor, nagising ako sa pagkakaalog ng bus at buti na lang kasi malapit na pala ako bumaba, iilan na lang kaming pasahero noon, pero bago ako bumaba meron akong nakitang libro malapit sa inuupuan ko mismo. Malayo ang agwat ng bawat pasahero kaya hindi ko alam kung kanino ang naiwang libro.

Kinuha ko na lang ito at dali-daling bumaba, naglakad pa ng konti mula sa kanto ay nakauwi na ako sa bahay namin. Nakaligo at nakakain na ako ng dumeresto na ako sa higaan para matulog, naalala ko bigla ang libro na nilagay ko sa cabinet ko pagdating ko kanina. Hawak ko ito habang nakahiga. Luma na ang libro, may kabigatan at walang title sa cover ng libro. Binuklat ko ang unang 5 pahina, pero wala namang nakasulat. Binuklat ko ito sa bandang gitna at nakita ko ang isang pahina na naglalaman ng Tula. Ang Pamagat ay "Regalo mula sa Kailaliman"

Nakasaad sa bandang itaas na "Basahin ang isang taludturan kada araw para makatanggap ka ng swerte sa buhay mo"

Hindi ako naniniwala sa mga ganito, pero wala naman mawawala kung susubukan ko.

At sinimulan ko nang basahin ang unang stanza.

" Pagkatapos ng liwanag ay ang dilim,

Paghupa ng mundong walang kasing sakim.

Pagkagat ng dilim ay ang pagpikit ng mata,

Tinapos ang araw, halina at magpahinga."

Ayun, magpahinga. yan nga ang kailangan ko at sinarado ang libro, nilagay sa ilalim ng kama at natulog. Bukas ko na ulit babasahin ang susunod.

Day 1 - Monday, 8pm

Gumising ako para mag ready na sa pagpasok, Ordinaryong araw na naman, lunes pa naman kaya medyo aagahan ko para hindi masyadong matrapik sa pang alas diyes na pasok. Nakarating ako ng Opisina ng 9:45. Nag log in at tumungo muna sa pantry namin para mag ready ng kape, may mga kaibigan ako na nandun na at nagbatian kami.

"Oy Albert, congrats ha, maganda performance evaluation mo this month, mukhang hindi matatapos ang buwan may bagong mapopromote ah"

"Naku sana magdilang anghel ka, hehe, salamat"

May iba pang nag congratulate sa akin in advance, nakakataba ng puso at tuwang tuwa ako, sa wakas, napapansin nila ang kagalingan ko after 3 years ng pagtatrabaho dito.

Natapos ang shift ko at umuwi ng bahay, nakahiga na ako at naalala ko ang tula, magbabasa ako ulit ng isa pang stanza.

"Sa pag-usbong ng umaga ay darating din ang gabi,

Gabi na kailangang pumanaw ang iyong ngiti.

Sa Paglubog ng isang araw na puno ng tagumpay,

Malalaglag ang isang katawan at doon mahihimlay."

Day 2, Tuesday, 6pm

Ginising ako ng isang tawag mula sa kapatid ko na nasa probinsya, isang malungkot na balita.. Patay na daw si lola ko, ginigising daw nila pero hindi na ito magising. Sobrang nalungkot ako kasi close ako kay lola. Hindi na ako nakatulog pagkatapos at nagdesisyun na mag ready na sa pagpasok.

Pagdating sa opisina ay dumeresto ako sa TL namin para sana magpa schedule ng leave. Uuwi ako ng probinsya para sa lamay ng lola ko, kaso pinigil nya ako. Sabi nya darating daw ang mga co-owners ng company na galing Singapore at isa ako sa napili para sa meeting na mangyayari sa huwebes. Sasabihin nya daw ang detalye kinabukasan pati ang major announcement. Anu kayang announcement yun, biglang nabaling ang isip ko kung anung developments yun at nawala atensyon ko sa lamay ng lola ko. Matagal ko na kasing pangarap ang ma promote kaya naexcite ako sa balita. Tinext ko ang kapatid ko at sinabing hindi ako nabigyan ng leave, pero pipilitin kong umuwi sa day off ko ng sunday.

Tula ng DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon