Ikalawang Pagbasa

73 3 1
                                    

Nahihirapan akong huminga, nakahiga sa sahig, at nawawalan na ako ng malay tao, papalapit na ang lalaki sakin. Nagdadasal na lang ako habang unti unti na akong nawalan ng malay.

Day 5

Nagising ako sa tawag ni mitch sa celfon, hinde ko raw kasi sinasagot ang mga text nya, nagaalala cya sakin. Nagising akong nakahiga sa sahig, may mga kalmot ang braso at kamay ko, nanlilimahid ako sa tila itim na langis na bumabalot sakin. Ang huling alaala ko lang sa pangyayari kagabi ay ang paglapit sakin ng imahe ng lalake habang hinahabol ko ang aking paghinga.

Pinilit tumayo at nilinis ang kung anu mang likodong bumabalot saking katawan, ginamot ko ang bawat sugat sa pagkakakalmot ng kung anu nilalang na umatake sakin kagabi, nagsuot na lang ako ng long sleeve para itago ang mga sugat na ito, ayokong may makaalam ng mga pangyayari bukod siguro kay Mitch.

Hinang-hina akong pumasok sa trabaho at pagkatapos ay nagusap kami ng girlfriend ko, kinuwento ang buong pangyayari pero hirap syang unawain ang bawat salita na sinasabi ko.

Bawat paliwanag ko sa kanya ay parang mas lumalabo ang pagintindi, pero hindi ko pinilit na paniwalaan nya ang lahat ng sinasabi ko pero kahit papanu ay may nakakaalam kung sakali man na may masamang mangyari sa akin.

Gusto sana ni Mitch na dun na muna ako sa kanila tumuloy, napaisip ako sa sinabi nya pero parang mas ayokong madamay sya at pamilya nya sa kung anu mang kababalaghan sa buhay ko. Kailangan ko munang lutasin ang gusot na ito at ayoko nang mandamay pa ng ibang tao.

Umuwi akong kabado, parang ayokong pumasok sa bahay at baka nandun na naman ang lalaki, Sa bawat lakad ko ay nagdadasal ako at sana ang lahat ng ito ay lilipas lang din.

Pagpasok ko sa kwarto ay wala namang nagpakita o nagparamdam. Naupo ako sa kama at nagnilay nilay kung anu ang susunod kong hakbang, inaalala ko ang tula.

Biglang nagtext ang kapatid ko sa probinsya na naayos na ang paglipat ng papeles na mamanahin namin kay lola, oo nga pala, uuwi nga pala ako bukas para sa huling lamay ng lola ko. Pati na rin ang paghaharap namin ng abogado para sa mga iniwang mana. Kahit papanu meron pa din mangyayaring maganda sa linggong ito.

Pagkatapos kong basahin ang text ng utol ko ay bigla akong pwersahang napahiga sa kama, na para bang may dumagan sakin at pilit akong idinidiin sa paghiga. Hindi ako makakilos at nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko.

Biglang may tila dugo na nagmamantsa sa kisame at bumubuo ito ng letra, hindi, hindi lang letra, mga pangugusap, hanggang sa makumpleto ito at tila binabasa ko na ang isang taludturan. Pinikit ko ang mata ko pero parang may nagmumulat nito at pilit pinapabasa sakin ang buong stanza.

"Ang lahat ng biyaya ay may kabayaran,

Sa paglipas ng ilang araw, ay iyo itong nakamtan.

Natutuwa ako at ako ay iyong pinagbigyan,

Pero kinalulungkot ko din na ikaw ay paglilipasan."

Pagkatapos ko mabasa ay bigla na akong nakabangon sa pagkakahiga, nagmadali akong lumabas ng kwarto at agad na tumungo sa simbahan, na para bang may humahabol sakin na kung sinu. Tinawagan ko si mitch para sana magpasama pero hindi nya sinsagot ang tawag ko. Naglalakad lang ako kung saan man pwede tumungo, pero hindi ako babalik ng bahay. Mabuti nang magpagala-gala kung saan basta hindi ako babalik sa lugar na yun. Nagdasal lang ako ng nagdasal, hindi ko alam ang kahahantungan nito. Natulog na lang ako sa simbahan.

Day 6

Nagising ako sa gilid ng simbahan, kailangan kong umuwi para magbihis at balak ko wag ng pumasok at uuwi na ako ng probinsya. Gusto ko makausap ang kapatid ko at lumayo muna sa mga bagay-bagay na gumugulo sakin.

Pagod na ako galing sa trabaho, puyat, takot at nag-iisa. Nagtext ako sa kapatid ko para sabihin na uuwi na ako ngayong araw, pero parang ayaw ko sabihin sa kanya ang kababalaghan, kasi alam kong abala sya sa pagasikaso sa libing ng lola. Sasabihin ko na lang siguro paguwi ko, pero bago yan kailangan ko munang harapin ang problema ko sa bahay.

Naisip ko na komprontahin ko ang kung anu mang nagdudulot sakin nito. Matapang naman akong tao pero hindi ko kasi alam kung papanu ito haharapin. Wala akong ibang maisip. Susunugin ko ang libro.

Pagdating doon ay dali dali kong hinanap ang libro na kataka-takang nasa ibabaw lang ng kama, sa puntong ito wala na akong pakialam basta susunugin ko ang libro. Kumuha ng lighter at kandila. nagtungo sa likod bahay at sinilaban ang libro.

Pero sa hindi maintindihan rason ay ang lahat ng pahina ng libro ay basa. Wala akong naalalang nalaglag ko ito sa cr o kung natapunan ng kung anung likido.

Bumalik ako sa bahay at sinimulang punitin ang bawat pahina, at pagkatpos ay planong i flush ito sa toilet, basta kailangang mawala ito sa paningin ko.

Pinunit ko ang lahat ng pahina, piniraso at hinulog sa inidoro at paulit ulit na binuhusan hanggang sa walang matirang kahit kaliit-liitang piraso ng papel. Sa wakas, wala na ang libro, ang cover naman ay tinapon ko sa basurahan sa kanto namin dahil hindi ko ito mapunit sa sobrang kapal.

Hindi ako sigurado sa ginawa ko pero wala na akong maisip na ibang gagawin kundi ang ialis ang libro at tula sa isip at pamamahay ko. Kahit papanu nakaramdam ako ng panandaliang kapayapaan. Umuwi ako agad para maghanda na sa pag-alis. Binuksan ang pinto at doon nakita ang libro sa ibabaw ng kama, buong buo na parang walang nangyari. Kumpleto ang pahina at cover.

Halos panawan ako ng katinuan sa nasaksihan ko, hnde ako makapaniwala. Papanu nangyari na nandito ang isang bagay na pinunit at tinapon ko na. Dinampot ko ang libro at planong punitin muli ang bawat pahina. Pero may pumigil sakin.

Nasa tabi ko na ang lalaki, ang lalaking sumunod sakin ng isang gabi at nakita ko sa kwarto ko. Hindi ako makapiglas, napaka higpit ng hawak nya, hindi din ako makakilos.

Bigla syang nagsalita.

"Hindi ba gusto mong makapiling ang iyong lola?"

Hindi ako makapagsalita sa takot, totoo ba itong nangyayari? anung gagawin ko?

"Pagbibigyan kita sa huli mong kahilingan" at nilagay ang mga kamay nito sa leeg ko at tuluyan akong sinakal. Nawawalan na ako ng hininga, mukhang ito na ang katapusan ko.

Day 7

"Sa huling araw ay wag kang malulungkot,

Di ba ginusto mo naman ang hiling mong baluktot.

Naging tapat ako sa mga habilin bago pa magsimula,

Na ang magbabasa ng tulang ito ay mapapasakin ang kaluluwa. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula ng DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon