Missing Piece

4 0 0
                                    

Missing Piece

"Kailan ka naman babalik?" Nag-angat ako ng tingin kay bianca habang nilalaro ko yun straw ng milktea ko.

I rolled my eyes on her, "Hindi pa nga ako nakakaalis pinapauwi nyo na ako."

Humalakhak si megan kaya bumaling kami sa kanya. Kung makatawa ito parang hindi kami pinaghintay ng dalawang oras ah.

"Bakit kasi kailangan mo pang mag soul searching sa ibang bansa? Pwede namang dito nalang. It's more fun in the Philippines kaya."

Ngumuso ako, "I've been in Palawan, bohol, cebu, ilocos, sagada..." pumalumbaba ako sa mesa habang iniisip kung saang sulok pa ako ng pilipinas nagpunta.

"Wala na akong maisip na puntahan dito," nakibit balikat ako at sumipsip sa milk tea ko.

"Edi ikaw na! Ikaw na ang nakaikot sa buong pilipinas!" Si megan na tumatawa.

"Ang tagal mo naman mag soul searching," ngumiti lang ako sa sinabi ni bianca.

"Feeling ko nga wala ka ng balak umuwi. Bigla-bigla kang nawawala. Yun Japan mo nakakarating ng Belgium eh," Ngumisi sya sa akin, "Kakauwi mo lang last week from bali. Gagala ka nanaman ulit."

"Bakit ba hindi ka nalang pumirmi dito? Hindi namin alam kung babalik ka pa ba o ano," Si bianca. "Palipat-lipat ka ng bansa. Tsaka hello may work ka. May mga fans kang naghihintay sayo."

I rolled my eyes. Heto nanaman kami. "Kung makapagsalita kayo parang hindi nyo na ako makikita. Babalik naman ako kapag may bagong project na ako."

"Paano ka magkakaproject? Ang dami mo kayang tinanggihang offer sayo at saan ka nanaman ba pupunta?" Hindi ko sinagot ang tanong nila. I just gave them my sweetest smile.

Gustuhin ko man makasama pa sila ng mas matagal kinailangan ko na talagang umuwi ng maaga para magimpake. Maaga pa ang flight ko bukas. Kahit anong pilit ni megan na magnight out kami at wala talaga syang nagawa.

Pagdating ko sa unit ko mabilis akong nagimpake. Pinili ko yun pinakamalaking maleta dahil mukhang magtatagal ako sa pupuntahan ko. Babalik akong Bali pagkatapos ay sa Malaysia naman ako. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta galing malaysia tsaka ko na iyan iisipin.

Natigilan ako at napatingin sa isang pader ng kwarto ko. Puno ito ng mga litrato ko sa iba't-ibang lugar.

It's been five years. Sobrang dami ko ng napuntahan. Mabigat ang trabaho ko at kinakain ang oras ko pero nagagawa ko paring magtravel.

Five years ko ng hinahanap yun sarili ko pero wala paring nanyari. I'm still lost.

Nung college ako ginawa ko lahat. Pinagsabay ko ang pag-aaral at pag-gawa ng pangalan sa industriyang gusto ko. Maaga ko naman itong naabot lahat. Libo-libong mga tao ang sumusuporta sa akin pero pakiramdam ko may kulang parin sa kabila ng mga naabot ko.

Kaya heto ako hinahanap ang sarili.

Naupo ako sa aking swivel chair at sinuri yun travel book ko kung saan nakasulat ang itinerary ko para sa pupuntahan kong bansa bukas. Maaga pa ang flight ko bukas kaya dapat handa ako. Kumunot ang noo ko nang may mapansin sa travel book ko.

Hala! May nakalimutan akong isulat!

Hinalughog ko yun study table ko. Nasaan ba yun ballpen ko? Bumaba ang mga mata ko sa ilalim ng table ko kung saan may nakakabit na dalawang drawer. Binuksan ko yun una at puro mga papel lang ang nakita ko. Walang ballpen.

Sunod kong binuksan yun pangalawa at bumungad sa akin yun ballpen na hinahanap ko pero kumunot ang noo ko dahil sa katabi nitong cellphone.

Kinuha ko yun cellphone. Ito yun cellphone ko nung high school. Kulay puti yun gilid ng screen nito habang ang likod naman ay rose gold. Madami na itong gasgas. Halatang luma na.

Missing Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon