ELAY'S POV
"Jane sure ka na ba d'yan sa pina-plano mo? Nag bibiro lang naman ako"
"Oo sure na sure ako wala ng atrasan"
Jane is really into it, she's creating dummy account may plano s'yang mag paka poser para lang maka-usap si Mark jusko hindi ko naman ine-expect na maiisipan ng kaibigan ko 'to. Ang galing ko din kasing mang-asar ayan tuloy.
Akala ko kung anong bright idea ang sasabihin n'ya, akala ko kakausapin n'ya na ng personal si Mark pero mas malala pa pala sa inaakala ko.
"Teka lang pag-isipan mo muna yang gagawin mo baka may ibang way pa, Jane I'm telling you this is not right"
Maling-mali naman kasi talaga mag pi-pretend s'ya and she will be using other person's identity panloloko yung gagawin n'ya. Pano kapag na huli s'ya hindi lang ni Mark pati na rin nung girl na kukunan n'ya ng identity? Ano na bang gagawin ko? Mukhang di papipigil ang isang 'to.
"I already think about it several times and knowing Mark sa tingin mo mag-re-reply s'ya sa messages ko eh iniiwasan n'ya nga ako"
"But..."
"Elay... I know mali itong gagawin ko pero ito na lang kasi yung na iisip kong way para maging close ulit kami ni Mark kahit ano pa ang maging consequence nito tatanggapin ko"
"Haaay... Ano pa nga bang magagawa ko? Pero Jane I'm warning you"
"Don't worry Elay I can handle this"
Ang tapang talaga ng besfriend ko for the sake of love gagawin n'ya ang lahat, I admire her for that pero mag tira naman s'ya para sa sarili n'ya. Nakakainis hindi talaga maganda ang na fe-feel ko sa gagawin n'ya. Ayokong masaktan ang kaibigan ko pero bahala na I'll support her na lang.
*****
JANE'S POV
Naglalakad kami ni Elay sa hallway ng school papuntang studio gusto n'ya daw manood ng practice namin. If I know binabantayan n'ya lang ako anytime kasi mag-cha-chat na ako kay Mark gamit yung ginawa kong account. Kinakabahan din naman ako pero andito na 'to papanindigan ko na. Kilala ko naman yung pinag kunan ko ng identity and pictures from other university s'ya medyo malayo naman s'ya sa 'min kaya malabong magkita sila ni Mark and yung nickname n'ya ang ginamit kong name ng account ko. Blinock ko na rin yung mga possible friends n'ya na makakakilala sa kanya para safe ako. I hope maging successful itong gagawin ko.
Nasa tapat na kami ng studio, hawak ko na ang door knob ng pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa nito ang napaka gwapong si Mark. Ngiting ngiti akong tumingin sa kanya, babatiin ko sana s'ya ng nilampasan n'ya lang ako at dirediretsong nag lakad pero nung nakita n'ya si Elay binati n'ya ito at nakipag shake hands nag-usap sila sandali habang ako pumasok na lang sa studio.
OK lang yan Jane di ka pa ba na sanay? Don't worry darating din yung time magiging close ulit kayo ni Mark cheer up. Pag papalakas ko ng loob.
Ganito naman kasi kami lagi parang hindi na ako nag e-exist sa mundo n'ya lagi na lang akong iniiwasan at hindi pinapansin parang wala man lang kaming pinagsamahan noon. Sa tuwing na iisip ko kung gaano kami ka-close dati na papangiti na lang ako at biglang malulungkot kapag na aalala ko kung paano n'ya ako iwasan ngayon, s'ya pa naman yung boy bestfriend ko. Nakakainis hindi ko alam kung bakit umabot kami sa point na parang di na magkakilala.
"Are you OK?"
Nandito na pala si Elay tapos na ata silang mag-usap.
"Ahh... I'm OK"
Kunwaring masiglang sagot ko sa kanya.
"Are you sure? Nakita ko yung ginawa ni Mark kanina"
"Sus sanay na ako lagi naman yun ganun"
Nag fake smile na lang ako at tumayo.
"Pano punta na ako dun para makapag warm-up maiwan muna kita d'yan"
"Go galingan mo, wag mo munang isipin si Mark"
Iniwan ko si Elay na nakaupo at nag simula ng mag warm-up. Bigla akong napatingin sa gawi ni Mark habang nakikipag-usap s'ya sa dance instructor namin. Napa isip ako, lagi naman ginawa sa 'kin yun ni Mark pero bakit kahit sanay na ako hindi ko parin maiwasang masaktan. Di bale after nitong practice i-me-message ko na s'ya itutuloy ko na ang plano.
*****
Itutuloy...

YOU ARE READING
CHATBOX (One Shot)
Historia CortaWhat if umamin ka sa taong gusto mo at hindi mo ineexpect yung naging sagot n'ya. Anong gagawin mo?