Simula

30 0 0
                                    

Kc POV:

"Bye-bye Ma!"

"Hayst eto nanaman ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko papunta sa room. Dahil tuwing dumadaan ako sa hallway ay palagi akong pinag titinginan ng mga tao mapa lalaki man o babae sila. Lahat sila in short. Hindi ko alam kung bakit at wala naman ako nagawang kasalanan sa kanila o kung ano man. Pero sabi ng ilan kaya daw sila ganiyan ay dahil maganda daw ako. Pero kung maganda ako bakit ganon? Hindi ako gusto ng taong gusto ko o baka mahal ko na pala kasi napakatagal ko na siyang gusto simula bata pa kami kasi palagi niya ako pinag-tatangol sa mga aking kaaway noon. Pero kung sabagay mukang malabo nga naman niya ako ako magustushan dahil....." Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil may gumulat sakin at ang taong iyon ay ang taong gusto ko.

"Bolaga! Hi bessy! Nagulat ka noh? Naku di kana nasanay palagi kanaman kita ginugulat." Sinasabi niya habang natatawa siya.

Haynako eto nanaman siya. Palagi nalang niya ako ginugulat tuwing papasok ako ng school.At oo isa siyang bading. Pero kahit ganon siya parin ang gusto ko este mahal ko nga pala. Siya nga pala si Giane Gonzalez ang taong mahal ko pero di ako kayang mahalin pabalik kasi isa siyang bakla.

"Uyy alam mo na ba yung balita." Sabi niya habang parang exited siya.

"Anong balita ang sinasabi mo diyan! Ano ba meron!" Medyo pagalit kong sabi kasi masama parin ang loob ko sa kaniya dahil sa panggugulat niya kanina saakin. #PakipotMode hehe≧∇≦.

"Ano kaba Kc,balita ko kasi magkakaroon daw ng field trip pero di ko lang alam kung saan ang pupuntahan at kelan pero basta exited na ako.↖(^ω^)↗" Habang iniimagine niya ang pupuntahan namin di ko lang alam kung anong klasing lugar ang iniimagine niya.

"Alam mo Giane,mas maganda siguro kung napasok na tayo sa room."Hindi kasi ako sanay na nahuhuli pumasok sa room. At medyo madami na den nakatingin sakin dito parang papatayin nila ako grabe.

Pag dating namin sa room wala pang ilang sandali ay dumating narin ang aming teacher na mukang good mood siya.

"Okay class meron akong good news sa inyo at dalawa iyon. Una wala tayong klase ngayong araw dahil inaasikaso ang pangalawang good news. Ang pangalawa naman ay mag kakaroon tayo ng field trip pero di pa alam ang kung kelan at hulaan niyo kung saan? Pupunta tayong Baguio!" Halos tumalon na si ma'am di lang siya makatalon kasi ang taas ng hills niya at sabay na den ng sigawan ng aking mga ka klase.

"Kc,tara punta tayong canteen. Wala den naman gagawin ihh." Sabi ng katabi kong si Giane. Kaya pumayag na ako kasi alam ko libre niya ito hehe.^_^

Pag dating namin sa canteen pina-upo
nalang niya ako sa lamesa namin siya na daw mag oorder ng pagkain namin. Hindi na ako umangal na bakit hindi na niya tinanong order ko. Libre na nga niya aangal pa ako di naman makapal muka ko ano!

"Bat ayan ang binili mo,Shawarma rice? Mas masarapa diyan ang Shawarma nalang kesa sa may kanin." Ang weird kasi tignan kaya ayaw ko subukan mamaya masuka pa ako. -_-#

"Hindi mo namn kasi sinabi kung ano gusto mo ihh.Kaya kung ano binili ko ayun nalang din binili ko sayo. Pati parang kanin lang yung pinalit ayaw mo na ang arte mo pinadamihan ko pa yan ng cheese. Pero kung ayaw mo edi sakin nalang favorite ko pa yan." Tangkang kukuhanin na niya ang pag kain ko pero iniwas ko agad ito. Aba sayang naman yung libre ihh.

"Ano kaba di mo sinabing pinadamihan mo pala ito ng cheese alam mo namn na mahilig ako sa keso ihh." Dahilan ko sa kaniya pero sa totoo lang di ko alam kung kakayanin ko ba lasa nito kasi di pa ako nakakain ng ganitong klasing Shawarma.

Nag aalangan pa ako na isubo ito at
(๑♡∀♡๑) "Ang sarap pala nito at di lang yun mas masarap pa ito kesa sa totoong Shawarma.

"Nga pala Kc may narinig akong bagong balita. Meron daw bagong transfer dito at imported daw siya,siguro ang pogi niya ganon namn kasi kapag imported diba?" Sabi niya habang iniimagine niya yunh lalake.

"Tumigil ka nga diyan na sa harapan ng pagkain pinag seselos mo ako!" Naiinis talaga ako sa kaniya sa tuwing may kinukuwento siya sa akin na mga nagugustuhan niya.

"Alam mo ba kung ano pakiramdam ng pinag seselos?" tanong ko sa kaniya habang siya ay tuloy-tuloy sa pagkain ng shawarma rice. -_-

"Oo naman mas lalo na pag nakita ko ang mga papsie ko na may kalandian na iba. Bakit mo natanong? Habang sarap na sarap sa pagkain ng shawarma rice niya.

"Alam mo naman pala ihh. Ginagawa mo pa sakin. Hampasin kita jan ih!" At umaakto ako na hahampasin siya habang siya naman at todo ilad kahit wala pa naman.

"Wait! Wait lang, anong meron at parang nag kukumpulan sa labas?" Napatingin ako sa kaniyang tinitignan at oo nga, nag kukumpulan sila!⊙_⊙

"Alam mo girl, pumunta na tayo doon. Alam ko naman na ayaw mo kaya sige mauuna na ako sayo bye.^_^" Dali dali siyang nag linis ng pinag kainan at umalis. Ang galing. -_-

Syempre eto naman ako susunod sakanya. Ganon talaga pag mahal mo ihh. Kaya dali dali den ako nag linis ng pinag kainan buti nalang at tapos na kami kumain kundi nanghinayang ako sa pagkain namin kung iiwan lang.

Pag dating ko sa kumpulan hinahanap ko si giane pero wala akong giane na nakikita.

Ano ba kasi itong kumpulan na ito. Baka siguro yung bagong transfer ganito naman kasi palagi kapag may bagong heartrob na lalaki. Hindi ko naman makita kasi angdaming tao. Bahala na makikipag siksikan nalang ako para makita ang pinag kukumpulan

"Aray!"
"Ouch!"
"Ano ba! "
"Wag ka makipag siksikan!"

At sawakas tapos na din na sa unahan na ako yun ngalang nakatalikod sila sakin.-_-+

"Jack Cruz ang pogi mo!" Sigaw ng katabi kong babae. Siguro ayun yung name ng pinag kukumpulan.

"Aray!" Natulak ako ng nasa likuran ko

"Ahhhh!" At ayun nawalan na ako ng balance at natumba kaya napapikit nalang ako pero bakit di ako gaano nasaktan. Nasambot ba ako ni Jack? Ibig sabihin mag kalapit ang mga face namin tapos mag kikiss kami?≧ω≦

"HOY! ANO BA BILISAN MO TUMAYO!" OMG!๏_๏.... Nadaganan ko pala siya. Kala ko pa naman ayun na. #WagFeeler

"Aray!" Tumayo siya ng hindi pa ako na tayo. Alam niyo naman pakiramdam ng ganon diba. #AngSamaNiya

Inabot ko sa kaniya ang kamay ko para itindig ako pero tinignan niya lang ang kamay ko. #PahiyaMuch

"NEX TIME NGA MAG IINGAT KA!" Tapos tinignan niya ako mula paa ko hangang ulo ko. "Maganda at sexy ka sana kaso t*nga ka lang." #HarshNiya

"Grabe naman itong lalaking ito ang harsh mag salita." pabulong kong sabi sabay pout.

"ANONG SABI MO!" Galit niyang sabi. Matindi den siya magalit ahh

"Wala pogi ka sana pero binge ka!" At bigla nalang siya ngumisi at inilapit ang kaniyang face sa face ko at isang maling galaw ko lang magkikiss na kami.

"Alam mo I'm starting to liking you katulad mo ang mga gusto ko sa babae." Sabi niya sa harap ng face ko. Dahil sagulat na tulak ko siya.⊙_⊙

"Oo gusto kita at mapapasakin karin balang araw" Tapos ngumisi siya. Pogi nga panget naman ugali. Pede na sana siya kaso masama nga lang.

"ARAY!" Napahawak siya sa pisngi niya na kung saan lumapad ang aking kamay. (๑و•̀ω•́)

"UMASA KA NALANG SA MAKAPAL MONG FACE!" Wala na akong pakelam kung ano sabihin niya at ng mga tao. Nag walk out na ako ng mabilis palayo sa kaniya at sa mga tao roon. Ang nasa isip ko lang ay makalayo sa kaniya.

Jack POV:

"Mapapa sakin karin. Mga babae talaga mga pakipot." Bulong kong sabi habang nakatitig sa pag layo niya at umalis na sa kumpulan nila saakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE TRIANGLE Where stories live. Discover now