Start of the Brew

20 0 0
                                    

Uunahan ko na po kayo, sorry sa mga errors sa spelling, use of grammar, at ibang typographical errors. I wanted to write a light, short story na kapag badtrip ako, babalik-balikan ko lang. So ayan, I hope to lighten up the mood kung sino man makababasa nito and just enjoy!

---


JUNE 2020


MINSAN, sa kalagitnaan ng pangkaraniwan na tagpo sa buhay, maiisipan kang padalhan ng tadhana ng isang taong magbibigay ng saya sa buhay mo. Yung magpapa-experience sa'yo ng mga bagay na akala mo, sa libro lang nangyayari.

~

KANINA pa ako nakakarinig ng reklamo mula sa mga kaklase ko. 'Di ko nga alam kung saan sila nakakakuha ng energy para mag-reklamo. Nakakadagdag pati sila sa init.

Hindi pa nga siguro kami sanay na April na, may klase pa kami. Hirap mag-adjust, lalo na't freshman ka at sanay sa high school na June to April ang klase niyo.

Nagtuloy ako sa pagbabasa ng libro. Humanda ako bukas kapag 'di ako nakasagot sa recit. Terror pa naman yung prof namin. Nagtuloy tuloy ako sa pagbabasa hanggang sa makarating na ko sa part na ayaw ko. Lintek na computations. Kung tutuisin, dapat mahal ko yung ganitong gawain dahil sa course ko pero ewan ko ba.

Punong puno ng bulungan at pag-uusap ang room. Gagaling. Kala mo walang nag-aaral.

"Starbucks tayo. Gusto ko kape."

Napapikit ako nung marinig ko yun. Kasunod nun ang pagpayag ng kung sinomang inaya na yun, at ang pagkalansing ng mga gamit nila.

Kape.

'Wag ngayon. Kailangan kong magfocus. Pumikit ako. Kailangan kong kalmahin ang puso ko.

For pete's sake, Jiana, may recit ka bukas!

"Jiana, tulog ka ng tulog. Sabay ka ba pauwi?" Dumilat ako at bumungad sa harap ko si Anna.

"Mauna na kayo. Dadaan pa sana ako lib. Kasabay mo ba sila Ranne?"

"Hindi. Sabay sila ni Den."

"Sige. Sorry ah. Una ka na. Bukas sabay ako."


~

RAMDAM ko ang pagtagaktak ng pawis ko. Tirik na tirik ang araw, tapos nakalimutan ko pa yung payong. Kapag swerte ka nga naman, nasa dulo pa ng campus ang CBA Building. Ugh.

"Argh!" Isa isa kong pinulot ang mga nalaglag na index card. Tanga naman kasi takbo ng takbo bukas pala yung bag.

"Kape tayo mga pre. Daming pinapapasa ni sir na plates!" Shit. Kamalasmalasan sa tapat talaga ng engineering building, Jiana?

Kakapulot ko lang nung huling index card na nalaglag nung may naramdaman akong palo sa braso ko.

"Tae ka." Sinamaan ko ng tingin yung taong pumalo sakin. Ako pa tae ngayon?

"Puwet ka!"

"Eh, tae ka!"

"Tao ako!"

"Kape tayo. Libre mo ko."

"Kapal mo ah?"

"Dali na."

"La ako pera. Libre mo ko."

"KKB."

"Tsk."

Sa mga ganitong pagkakataon talaga, hindi ko malaman kung bakit kusang nagtatraydor ang mga paa ko. Huli na nang mapagtanto ko na kasabay ko na siyang lumalakad, may ngiti na sa labi ko, habang ang ilan sa mga makakapal kong libro ay bitbit na niya.

Heto na naman po tayo.


~

"NAAWA na ako sa calculator mo." Tumigil ako sa pagtipa sa calcu ko at inangat ko ang tingin ko, kung saan nakita ko si Dustin na nakatingin sakin habang umiinom ng kape.

"EH SA DI KO MABALANSE EH!" Desperado kong sabi. "'Di ko alam kung san ako mali. Bakit ba kasi may halong pa-algebra 'to? 'Di na lang sabihin nang deretso yung amount! Grr!" Sinubukan ko ulit magtipa sa calculator pero kulang talaga ng 1,800 yung balanse.

"Patingin nga ako."

"Teka--!" Bastos na bata. Hablutin talaga? Psh.

"Kung pa-algebra kamo, o edi, mag-aadd ka sa both sides, tapos, solve mo. Add dito, tapos minus naman dito sa kabila." Sunod-sunod niyang paliwanag habang nagsosolve siya sa scratch paper. "Ayan. Try mo ito gamitin na value. 'Di ko alam kung tama 'to since baka ibang method or principle ang gamit sa subjects niyo." Dere-deretsong paliwanag niya. Natulala na lang ako sa kanya.

Kinuha ko yung sinolve niya at yun ang ginamit ko. Tinry ko ulit i-add yung debit side at---

"SHET, BALANSE NAAAA!!"

"Galing ko talaga!" Tinaasan ko siya ng kilay na ikinatawa lang niya.

"Bakit pala 'di ka nag-aaral?" Tanong ko sa kanya. Pansin ko kasi kanina pa siya kape ng kape. Yung chill-chill lang.

"Wala naman kaming quiz bukas." Sabi niya na cool na cool pa. Paano ba maging kasing chill ng tao na to?

Nagbuntong hininga ako. He's still the same Dustin Dean Pelaez that I knew since high school. Yung makulit, yung mapang-asar, yung easy-go-lucky, yung matalino sa math, yung laging andiyan, yung taong minahal, minamahal, at mamahalin ko.

"O, edi ikaw na magaling, Eng. Dustin Pelaez!" Pambubuska ko sa kanya.

"Bilis ano? Patapos na yung unang taon natin sa college. Parang last month lang kakagraduate lang natin sa high school." Napangiti naman ako. Kahit loko loko 'tong tao na 'to, kapag nagsimula na siyang magsalita sa ganitong paraan, nakakamangha din yung mga sinasabi niya. He has a wonderful mind and I'm so lucky to hear some of his thoughts.

"Yep. Undecided ka pa noon kung dito ka mag-aaral or itutuloy mo na yung Manila mo." Sagot ko sa kanya.

"Parang dito rin tayo nag-usap noon ah?" Napangiti ako. That was the summer of 2019. Same place, same spot, same month, kung 'di ako nagkakamali. The day after our graduation.

Tumingin ako kay Dustin na busy sa pagkain na inorder niya. He hasn't changed much. Still the same round glasses na parang kay Harry Potter, same old hair style. Nag mature lang ng slight yung itsura niya pero it's still the same old Dean. And the same old feeling everytime I stare at him. Damn butterflies.


~

ALAS SIYETE na ng gabi pero hinahanap ko pa rin yung lecture ko nung grade 12 sa Accounting. Kainis. Kung naging masinop lang sana ko. Hinila ko yung storage box ko na puno ng gamit ko noong high school. Imbis na lecture ang nakita ko, isang pamilyar na folder ang nahugot ko mula sa tambak ng mga papel. It was the very first picture of us, during the last day of our last year in Junior High School.

We've gone a long way, aren't we? Who would've thought na aabot tayo sa point na to? Napangiti na lang ako while looking at the picture of us, smiling.

Napatitig na lang ako sa mga mata niya sa litrato at unti-unting bumalik sa akin ang lahat ng ala-ala. Kung paano at bakit nga nagsimula ang lahat.

Traydor na puso. Napangiti na lang ako at napailing. 


--

Light, short story lang sana ito and sana matapos ko HAHAHA.


Meet Me at the Coffee ShopWhere stories live. Discover now