My Girl Is A Gangster

244 5 0
                                    

Prologue:

Sabi nila, ang love daw, para lang sa mga taong walang magawa sa buhay.

Pampalipas oras kumbaga?

Yan din ang nagging opinion ni Kiel. Isa siyang gangster. Not just a gangster, but a leader.

Ine-enjoy niya ang buhay niya through fights na kinaharap ng Gang na pinamumunuan niya.

But what if the day came na nainlove na siya? Isusuko na ba niya ang pagiging gangster niya para makuha ang lalaking mahal niya?

We’ll find it out. ;)

******Authors Note:

Hahahahahaha! Ayos lang ba prologue ko? First time ko po kasi gumawa ng story e. Well, ayan siya. My Girl Is a Gangster. I don’t know why pero. Gustung-gusto ko magsulat o bumasa ng kwento basta in circles with the word “GANGSTER”

So , ayun! Hindi naman ako nag-e-expect na sumikat tong story o pati na rin ako. Ayos na sa akin ang ma-share ang story na nagawa ko at magkaroon ng book yung account ko dito sa watty. To all readers (kung meron man) pakiusap po. Basahin ang AUTHOR’S NOTE. Para wala masyadong tanong.

Pa-vote na din po. & Be A Fan. I’ll fan back! Ü

----- Gee_Gangsta

Chapter 1: Enrollment

First day of school. Yawn \*ü*/  Maaga akong nagising. 4:30 AM. Bumaba na ako ng bahay, dahil ang room ko ay nasa second floor.

“Oh, hija. Aga mo nagising ngayon”, masayang bati ni Lola habang naghahanda ng almusal. “Heto at kumain ka na muna”.

“Ah, sige po Lola. Salamat po! Hindi pa po ba uuwi sina Mommy at Daddy?”, tanong ko. Namimiss ko na kasi sila. Nasa France pa sila for business reasons.

“Matatagalan pa daw sila doon apo”, si Lola ulit habang inaayos ang mga ginamit niya sa pagluluto.

Hindi ko pa pala na-i-introduce ang self ko sainyo. Hi! Ako nga pala si Kiel Shin. Half Filipino & Half Korean. Well, isa akong gang leader. I’m 17 years old. Mag-e-enroll ako sa baging university ang St. Celestine. Na-kick-out kasi ako dahil sa mga away ng gang naming. Hahahahahaha! Oo, andami ko na ngang records sa guidance office e. Kaya, andito ako ngayon sa house ni Lola. This is where I will stay while I’m studying college. Sina Mommy naman, busy sa business. Ugh! @___@ Lagi naman e! Tss!

“La, enrol na po ako!”, paalam ko kay Lola Lourdes.

“Oh sige. Mag-iingat ka”, habilin ni Lola. Bait talaga nang lola ko. ^____^V

*FastForward*

Nandito na ako ngayon sa St. Celestine. Hindi ko alam kung saan ang guidance Bldg. Ah! Magtatanong ako kay Kuya! Tada! Tutal siya naman ang una kong nakita. Whahahahha. ;D

“Hi!”, ^___^ Panimula ko. Sabay upo sa tabi niya.

“Uhmmm?”, Wow! Gandang response nun ah?! Grabee. Waaaah!

“Tss. Saan po ba dito ang Guidance Bldg? Mag-e-enroll po kasi ako e”, tanong ko naman kay Mr. Pogi. Oo, pogi siya. May itsura.

Nagulat naman ako sa ginawa niya. Nagsalpak ng earphones at sinabing “Bakit ko naman sasabihin sayo?! Close ba tayo?”.

Aba! Sinusubukan ako nento ah! Naputol naman ang paghihimutok ko nang may dumating na babae sa harap naming dalawa. Nasa waiting shed kasi kami.

“Ui! Hi Red! Kanina ka pa ba?”, sabi nung babae. Well, Maganda siya... Sexy. MAS nga lang ako. Mouhahahahahaha

My Girl Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon