Ang Mahiwagang Toothbrush :)

101 4 1
                                    

"kung hindi siya madaan sa santong dasalan, daanin mo sa santong paspasan!" yan ang sinabi sa akin ng lolo ko.

Ako pala si Dominic Ramirez. Isang businessman. 27 years old. At may nililigawan akong isang babae. Kasing edad ko lang siya. Actually, 2 years ko na siyang nililigawan. Kilala na ako ng pamilya niya. Gusto nga nila ako para sa kanya. Eh ang kaso, ayaw ako ng babaeng mahal na mahal ko, si Lisa Domingo.

At sa palagay ko, ito na lang ang natatanging paraan. Hindi ko siya dadaanin sa santong paspasan. Dadaanin ko siya sa paraang itinuro sa akin ng lolo ko, na ginamit rin ng tatay ko. Sa paraan daw na ito, nakamit nila ang matamis na OO ng lola at nanay ko.

Ito na lang ang natatanging paraan ko.

Gagamitin ko na ito.

“Ang mahiwagang toothbrush.”

Paalis na ako sa bahay. Taga Baguio kasi ako at bibyahe ako papuntang Manila. Dala ko ang sasakyan ko. Nagdala rin ako ng mga gamit ko.

Okay na lahat.

Saktong-sakto sa panahon. May bagyo pa naman.

Gabi na.

Malapit na ako sa bahay nila. Kailangan ko ng gawin ang plano ko.

Tumigil ako sa harapan ng bahay nila. Kinuha ko na ang pantusok na gagamitin ko. Lumabas na ako ng sasakyan.

Ang lakas ng ulan. =_______=

At ginawa ko na ang plano ko.

Tinusok ko ang mga gulong ng sasakyan ko para magmukhang naflatan ako. Okay na. Ang kailangan ko na lang, hintayin lumabas ang nanay ni Lisa.

At ilang saglit lang lumabas na siya.

Inaayos ko ngayon ang gulong ng sasakyan ko.

“ano ba yan! Bakit ngayon pa! malas ko naman!” sigaw ko, sabay sipa sa sasakyan ko

At nakuha ko ang atensyon ni Nanay.

“oh iho! Anong ginagawa mo jan! halika nga dito, ang lakas ng ulan eh!”

“Nay! Nandyan po pala kayo. mano po? Naflatan po kasi ako Nay. Eh, pupunta po sana ako sa main office. Shortcut po kasi kapag dumaan ako dito. Nasakto pong naflatan ako sa tapat pa ng bahay nyo.”

Wala kasi akong maisip na palusot eh. ^____________^

“bakit ngayon pa? magkakasakit ka pa nyan eh. Halika na sa loob, pasok ka na. magpalit ka na rin ng damit. May dala ka ba jan?”

“nasa sasakyan po Nay. Kunin ko lang po.”

Syempre, always ready ako! Hahaha.

At pumasok na ako sa loob ng bahay nila.

Wala pa rin pagbabago.

“maligo ka na at magpalit ng damit. Igagawa lang kita ng tsaa. At tatawagin ko na si Lisa para asikasuhin ka. Dito ka na magpalipas ng gabi at delikado na sa daan. Ipaayos na lang natin ang sasakyan mo kapag tumila na ang ulan.”

“sige po Nay!” at dumiretso na ako sa banyo

Syempre, ang unang tinarget ko ang lalagyanan ng toothbrush nila.

Nakita ko na.

Alin kaya ang toothbrush ni Lisa dito?

Patay! Di ko alam. >______<

Kung itanong ko na lang kaya kay Nanay?

Lumabas ako ng banyo at hinanap ko si Nanay.

At sakto, nasa kusina siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Mahiwagang Toothbrush :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon