Shut Eye (One Shot Story)

10 4 0
                                    

Jen's POV

"MISS RAMOS!!!"
Sigaw ng teacher namin at nagmadaling iniangat ang aking ulo sabay punas ng laway sa bibig dahil sa pagkagulat.

"Tinutulugan mo ang klase ko? Anong klase kang estudyante?!"
Kinakabahan na ako ng sobra pero wala akong pake kung anong woke up like this look ko dahil nakatulog ako sa mesa.

"Hindi ka sasagot? Hindi ka talaga sasagot?!"
Tanong ni Ms. Guevero sakin. Pinamaywangan niya ako sabay hampas ng sobrang lakas sa desk gamit lang ang isang kamay niya. Ang lakas niya!

"Okay, get your bag. Sumunod ka sakin sa Guidance office. Hindi ako papayag na palagi kang ganyan sa klase ko!"
Wika niya habang nakapameywang sakin. Ang hahaba ng kuko niya. Kaya bagay lang sa kanyang tawaging bruha. Baklang to.

Ano pa nga ba? Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at sumunod sa kanya. Pinunasan ko muna ang laway sa gilid ng bibig ko at sabay sabay inirapan ang mga sipsip kong mga kaklase. Kulang na lang magbitbit ako ng isang tarpaulin at nakasulat ang pangalan ko sa kasalanang natutulog sa room, wag tularan!

As usual, mukha akong bruha pagdating sa Guidance Office hanggang sa bahay. Sandamakmak na panenermon nanaman ang narecieve ko ngayong araw. Wala na bang dadagdag? Wala na bang hahabol? Pagkatapos nun, tumawa na lang ako ng pagak. Hindi pa ba ako sanay?

Nakita kong nagsasaya ang mga kainuman ni papa sa labas ng mansyon namin. Este ng bahay namin. Dati kase para sakin, kahit gaano kaliit 'to, mansyon ang turing ko dito dahil parang prinsesa kung ituring ako ni papa. Pero simula nung dumating ang mangkukulam na umahas sa tatay ko, nagkanda leche leche na lahat. Leche flan!

Huminga ako ng malalim at tumingin sa langit.

"Hindi pa ba ako masasanay ma? Hindi pa ba?"
Bulong ko sa langit kung saan nakatira na ngayon si mama. Pinunasan ko ang pisngi kong dinadaluyan ng maiinit kong luha at binuksan na ang sira naming gate.

Kung hindi namatay si mama, Hindi sana ganito ang dinadanas ko sa mundong 'to. Hindi ko kailangang masukahan ni papa habang binubuhat siya paakyat sa kwarto niya gabi gabi. Hindi ko na sana kailangang magtrabaho sa madaling araw at maliligo sa cr ng karinderya tapos diretso pasok sa school. Grade10 palang ako sa High school pero ganito na. Once again, hindi pa ba ako sanay?

Pagod na ako. Paulit ulit na lang akong napapagod. Pero diba 'pag paulit ulit, masasanay ka na sa lagay na yon? Pero bakit habang paulit ulit yung salitang pagod... Hindi pa rin ako nasasanay at mas lalong lumalalim pa yung sakit? Ang unfair naman.

Hindi ko rin masisisi si papa kung bakit siya nagkaganyan, sobra siyang nagsisisi sa mga ginawa niya kay mama nung nabubuhay pa siya. Nagpapakalunod siya sa alak para mawala lahat ng sakit na dala niya. At sana ako rin, Alak lang ang pampatanggal sa lahat ng pagod na nararamdaman ko.

"Oh ayan na ba ang anak mo pare? Ang ganda na ha! Kamukhang kamukha ng mama niya."
Wika ng kainuman ni papa. Hinarap ko muna siya bago pumasok sa bahay.

"Manong? Wag nga kayong plastik. Araw araw kayong nakikiinom dito sa'min. Magtigil ka nga."
Wika ko sa kapitbahay namin at inirapan siya. Lasing na yon, at pumapatol ako sa mga buraot na lasing.

Umakyat na ako sa kwarto at hindi ko namalayang nakatulog ako dahil sa pagod galing trabaho. Andito nanaman ako sa panaginip na kaya kong makontrol, andito nanaman ako sa panaginip ko. Naglulucid dream nanaman ako.

Sa mundong ito, masaya ako. Kase buhay si mama at namumuhay sila ni papa ng masaya. Sa mundong ito, kahit alam kong hindi ito ang reyalidad... Gusto kong manatili. Kung pwede lang sana.

Nakaupo ako sa malaki at malambot kong kama habang inuunat ko ang aking mga kamay. Sa pagpikit ko sa totoong mundo ay siyang pagmulat ko sa paraisong 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shut EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon