"Nahihiyang pusooo" napatingin ako sa likod ng marinig ko mala-microphone na boses ng kaibigan ko.
"Zaynie... Congrats I'm so proud of you" nakangiting sabi ko at niyakap sya
"Che... Congratulations for the both of us I'm so happy finally naka graduate na tayo" nakangiting sabi nya "But at same time nakakalungkot din after how many years na mag kaklase tayo huhu ngayon lang tayo mag kakahiwalay"
"Ganun talaga ang buhay, walang forever"
"Hoy! Mag hihiwalay lang tayo hindi ibig sabihin nun eh kakalimutan na natin ang isa't isa ok?"
"Oo naman sino bang nag sabi na mag kakalimutan na? " tanong ko sa kanya
"Wala naman hehe pinapaalala ko lang" natatawa pang sabi nya "Anyway punta ka sa bahay ah! May kaunting salo-salo samin pinapunta ka ni Mom" Gustuhin ko mang pumunta hindi naman papayag si mama. So I decided na wag na lang pumunta at may pag uusapan daw kami ni mama
"Next time na lang Nie my salo-salo din kami sa bahay eh... " Sagot ko na lang kahit hindi ko alam kung meron ba talaga.
"Auh ganun ba, sige basta next time sa bahay ka matutulog huh!" excited na sabi nya.
"Oo na HAHA" nag paalam na kami sa isa't isa bago umalis.
Btw ako nga pala si Shai. Shai Hart, hindi nahihiyang puso duh, si Zaynie lang ang nag pauso nyan. Anyway I'm 17 years old ako ang pinakabata sa mga kaklase ko maaga daw akong nag aral sabi ni mama eh. Ako rin ang bunso sa pamilya I have my sister pero hindi ko pa sya nakikita since birth kahit picture,sabi ni mama nasa ibang bansa daw, I don't know hindi naman sila masyadong nag ke-kwento about sa kanya and when I ask lagi silang nagagalit.
Sa ibang pamilya ang bunso ang pinaka spoiled, ang pinaka favorite, pabor sa kanya lahat, minsan ang bunso pa pinaka mahal nila, pero saamin walang bunso bunso kahit bunso ka pa wala silang pakiaalam, saamin ang bunso ang pinakawawa, ang laging nauutusan like katulong, minsan dumarating pa sa point na pakiramdam mo ayaw nila sayo pakiramdam mo ampon ka lang, ganyan lagi ang pinaparamdam nila saakin pero syempre sino ba naman ako para mag reklamo?
Buti na lang andyan si Zaynie, Her full name is Zaynie Quinn Villamor pangalan pa lang mukhang mayaman na well mayaman naman talaga sila isa ang mga Villamor sa mga pinakamayaman dito sa lungsod. Si Zaynie ang nag iisang kaibigan ko dito parehas kaming bunso but unlike me she is spoiled brat lahat ng gusto nya nakukuha nya kahit pa ang puso ng mga lalaki sa dami ng ex nya halos hindi na ata mahabilang sa mga daliri tsk! Tsk! Tsk! Haynako tignan na lang natin pag dumating na yung right boy para sa kanya.
Anyway it's our special day, dahil ngayong araw na ito kami nag tapos ng high school, this day is verry special to me but sad to say my parents is not here they busy for work masyado silang busy mag payaman so hinayaan kona lang.
"Manong bayad po. " Nag bigay lang ako bente sa tricycle driver at bumaba na. It's already 6pm, tumingin ako sa diploma ko at nakangiting pumasok.
"HAHAHAHAHA Rafael stop that nakikiliti ako"rinig kong sigaw ni mama sa kusina jusq lande charot HAHAH baka kalbuhin ako ng mama ko pag narinig ako
"Ma, Pa, I'm home"nakangiting sigaw ko habang papunta sa kusina
"Shai is here na"pinanlakihan ng mata ni mama sa papa mukhang sinasabing tumigil na
"Hi, Shai how's your graduation" nakangiting sabi ni mama at yumakap saakin
"Ok naman ma, masaya, ang sarap pala sa pakiramdam ang makaakyat sa stage" pero mas masaya kung nandun kayo
"Congratulations anak pasensya kana wala kami kanina para samahan ka" sincere na sabi ni papa, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko ngayon ko lang sila nakitang ganito
"Ok lang po papa naiintindihan ko naman, ang mahalaga buo tayo ngayon, si ate na lang kulang."
"We're so proud of you anak, pag igihan mo lang hanggang sa maka graduate ka para makatulong kana saamin"
"Opo ma."nakangiting sabi ko
"O sya tara na at kumain baka lumamig pa yung niluto ko hindi na masarap to"natawa naman kami ni papa at umupo na sa mesa. Sana ganito na lang lagi kasaya.
"Ma, Pa, ano nga pala yung sasabihin nyo sakin"tanong ko sa kalagitnaan ng pag subo nila, napahinto sila at tumingin sakin, sabi kasi nila kagabi maaga daw akong umuwi dahil may sasabihin sila.
"Ahm... Ano kasi anak" nakatingin ako kay papa at hinihintay ang sasabihin nya.
"May malaki kasi kaming utang sa tita Iyah mo at hindi namin alam kung saan kami kukuha ng pera" nakayukong dugtong ni mama at halatang problemado, nasasaktan din ako sa nakikita ko ito ang pinaka ayaw ko sa lahat kahit mahigpit sila minsan they still my parents at ang sakit makita na malungkot at problemado sila.
"Kailangan namin ng tulong mo anak, hindi na talaga namin alam kung saan kami kukuha ng pangbayad sa kanila alam mo naman kung gaano na kalaki ang naitulong nila saatin, medyo lumalaki na ang utang natin sa kanila, alam mo namang nag sisimula pa lang tayong mag negosyo" Tita Iyah is my Mom friends at nung nakaraang buwan lang sinabi ni mama na umutang sila kila tita Iyah ng pangpuhunan sa negosyo, isang bwan lang ang usapan nila at ibabalik na ang pera ngunit sa kasamaang palad hindi pa ata ganun sa lago ang negosyo nila mama.
"Ano po ba ang maitutulong ko mama?" I asked I want to help them, tutal bakasyon pa naman baka sakaling may maitulong ako.
"You know your tita's Son is in the America right?" Tanong ni mama at tinutukoy yung anak ni tita Iyah na nasa ibang bansa, may tatlong anak si tita pero ang alam ko ay ang dalawa ay nandito sa Pilipinas ngunit hindi ko pa sila nakikita.
"Yes po."
"Babalik na siya rito sa susunod na linggo at nag hahanap ang Tita Iyah mo ng personal maid para sa anak nya." Hindi ako nakapagreact nakatingin lang ako kay mama dahil mukhang alam ko na kung anong pinupunto nya.
"Kaya sinabi namin sa tita mo na ikaw na lang ang kuhain habang hindi pa kami nakakabayad ng utang and besides wala kapa namang pasok" nakatulala lang ako kay mama hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Alam ko naman na yan yung sasabihin nya pero ang sakit pa din nag desisyon sila ng hindi ko alam.
"At yung sasahurin mo ay hindi mo rin makukuha dahil ayun ang pang babayad ng utak" naibaba kona lang ang kutsarang hawak ko. Wala rin pala kong sasahurin jusq nung una pa lang alam kong ayaw nila saakin pero hindi ko inaakalang darating sa punto na halos ipambayad na nila ko sa utang eh halos lahat naman ng problema nagagawa nila ng paraan, eh bakit parang ngayon wala silang ginawa?
"Tuwing Sunday ang day off mo, at tuwing sunday ka lang pwedeng umuwi dito" dagdag pa ni papa! Gusto kong umatras gustong kong sabihin na baka may ibang paraan pa, pero kahit sabihin ko pa yan wala akong magagawa yan ang mga HART kahit anong gawin mo sila pa rin ang masusunod"Ano pa po?" tanong ko dahil baka may dapat pakong malaman.
"That is our decision and you can do nothing about it!" they favorite line.once na sinabi nila yan wala ka nang magagawa haysss... Wish me luck na lang
Ugh wait for me kung sino ka mang anak ni tita Iyah...
YOU ARE READING
I Finally Found You
RomanceThis story is just my imagination, it's about a girl who was left behind by her parents, she worked as a maid to finish her studies but one day her quiet life became a mess when she was accused of a crime she never committed. And the punishment is d...