May Nagtatakbuhan-
Naglalakad
Nagpapadulas
Nagduduyan
Nagsisiso
Naghahabulan
Naglalaro
Nagkukwentuhan
Nagdi-date
Naglalampungan
Nagbabonding
Nag-aaway
Nakatambay
Kumakain
Ganyan lagi dito sa park tuwing hapon ang ingay ingay dahil sa dami ng tao at mas lalo tuwing gabi mas maraming tao dahil sa ganda ng mga pailaw na binubiksan nila tuwing gabi.
Nakaupo ako sa gilid ng damuhan habang nakatingin sa kanila. Mukhang nag e enjoy silang lahat habang ako ay boring na boring dito. Hindi ko alam kung bakit sila masaya sa lugar na'to na para sakin ay napaka boring.
Tumayo na ako dahil ang gugulo ng mga tao dito at ang iingay nakakairita. Nag lakad ako palabas ng park at habang nag lalakad ako nakasalubong ko ang dalawang babaeng nag lalakad, nag uusap sila kaya't hindi sila nakatingin sa dinadaanan, kung hindi ako iiwas sa kanila ay mabubungo nila ako at matatapon saakin ang hawak nilang inumin na kulay berde.
"What the fudge"
"Oh my gosh"
Sabi nilang dalawa ng mabungo ako at natapon saakin ang inumin nila at may konti ring natapon sa bayong nya.
"You beggar look at what you did to my bag"
"Oh gosh it's so malagkit"
Sabi nilang dalawa ngunit ang naintindihan ko lang ay ang 'malagkit' mukhang galit pa sila saakin. Ako nga dapat ang magalit sa kanila dahil tinapunan nila ang damit ko, kung tutuusin ay kasalanan nila dahil hindi sila tumitingin sa dinadaanan nila, alam ko naman na mabubungo ako pero hindi ako umiwas. Daldalan kasi sila ng daldalan kaya leksyon lang yan sakanila.
Hmp sino ba sila para iwasan ko.
"Hindi mo ba alam na mas mahal pa yang bag ng kaibigan ko kesa sa buhay mo" sabi ng katabi nyang maarte, mukha namang tanga kung makaarte akala mo kagandahan paa ko lang yan eh.
"Clean it with your tongue" hindi ko alam kung anong sinasabi nya kaya tinignan ko lang siya. Baliw ba tong babaeng to kung ano anong pinag sasabi.
"No gurl, That woman is a beggar, she didn't brush her teeth, maybe your bag will contain germs, so let's go na lang."
"No I'm not done with her" para silang tangang nag uusap sa harap ko hindi ko naman maintindihan kung anong pinagsasabi nila ni hindi ko nga alam kung anong salita yon
"You! Lick the one that was thrown away because you were the one who made us fall and it was thrown away so lick it." tinuro nya ako at kung ano ano na namang pinag sasabi.
Naiirita na ako pinagsasabi nila na hindi ko naman maintindihan mamaya minumura na pala nila ko, lumakad na lang at nilagpasan sila, bakit kaya hindi na lang silang dalawa mag usap tutal sila lang naman nag kakaintindihan
"Where the hell are you going I'm not done with you."haynako nakakairita lang, kausapin mona lang yang sarili mo
"Hep! Anong gagawin mo sa kanya"
"Tuturuan ko lang ng leksyon, kaya umalis ka dyang bulinggit ka kung ayaw mong madamay"
"No, hindi nyo po sya pwedeng saktan kasi po kayo naman po yung mali pumasok po kayo sa exit gate eh dapat po sa entrance po kayo papasok para wala kayong mabangga lalo na po hindi kayo tumitingin sa dinadaanan nyo po."
"Hoi ikaw bata ka"
"Let's go na gurl bata lang yan"
Narinig ko pang nag tatalo sila at may bata pa ata, pati bata talaga pinapatulan isip bata, hindi ko na sila nilingon diretso lang akong nag lakad.
"Wait lang po miss"
May humawak sa kamay ko kaya huminto ako mag lakad, nakita ko ang isang batang medyo mataba.
"Eto po oh panyo para po matuyo yung damit mo" inabot nya saakin ang pamanyo daw, parang ito yung nakita ginamit ni kuya kanina pamunas ng upuan, bakit naman kaya binigay sakin ng batang to, tumingin ako sa gilid at may nakita kong upuan. Kaya nya ba binigay ito para punasan ko yung upuan tapos uupo sya don?
Hindi na ako kumibo,Lumapit na lang ako sa upuan at pinunasan iyon, buti na lang maganda tong batang to kundi hindi ko talaga pupunasan to.
YOU ARE READING
I Finally Found You
Storie d'amoreThis story is just my imagination, it's about a girl who was left behind by her parents, she worked as a maid to finish her studies but one day her quiet life became a mess when she was accused of a crime she never committed. And the punishment is d...