1.1

35 1 0
                                    

Naging normal ulit ang buhay ni mica mula nung lumipat siya ng school,

Nagkaroon na siya ng bagong mga kakilala, bagong mga kaibigan, at bagong barkada...

Its almost 2 months na mula ng tumuntong siya ng CRISTAL HIGH UNIVERSITY, speaking of her new university, wala naman siyang nagiging problema, maganda ang pamamalakad ng school, at ang numero unong nagustuhan niya ay nasa university mismo ang dorm ng mga students.. Katabi lang ng building ng school.

Karamihan kasi sa mga estudyante ay nasa ibang bansa ang parents.

The dorm is composed of 16 bedrooms. Tig aapat sa bawat sections. Bali yung sa section nila ang nasa bandang hulihan, ang 4th year-A, dalawa para sa mga girls, and dalawa para sa mga boys,, the door of the boys are facing to the girls bedrooms.. Yun ang position, for the porpuse of emergency daw, makakalapit agad ang boys when there is trouble especialy for girls,. Oh diba, extra knight in shining armor ang drama ng boys? Hahah →_→

PLAK!

'ouch! Sakit naman. '

Liningon niya sa kung sino mang walang kwentang sumapak sa kanya, iisang tao lang naman ang kilala niyang nakakagawa sa kanya ng ganon.

'Tahimik mo kasi... Ano na naman bang iniisip ng isang anna mica velez? '

Sabi na nga ba, si seph lang pala.. Nakatingin sa kanya habang nakaakbay. Sanay na siya dito, ito nga ang masasabi niyang pinakaclose niya sa barkada...

'wala yun.. Dka pa talaga masanay sakin.. Tahimik naman talaga ako eh... Tsaka bakit Ba? Anong meron at ginagambala Mo na naman ang pananahimik ko?'

Tanong niya, habang nakatungo parin, hinde niya kayang makipagtitigan dito eh.. Nakakatunaw ang tingen kasi.. Hulog na nga siya,, baka mahulog pa siya ulit...

'aist.. Lika na.. May lakad ang barkada, birthday ngayon ni marco kaya nagyayang lumabas.... '

Yes, sa tatlong buwan niyang pananatili sa bagong university ay nagkaroonna rin siya ng bagong mga barkada... Bali 16 sila lahat..

11 ang classmates niya din at 5 sa kabilang section.. Ang 4th yr.-B..

'celebrate ng birthday sa labas? Seph naman, gabi na kaya.... Tsaka, hinde na tayo papayagan ng quard no... '

Sabi niya habang nakakunot noo,

'masaya kapag May thrill (sabay kindat) basta magiging maaction ang gabing ito para sa ating lahat.

.'

Sabi niya habang naka evil grin..

,bigla tuloy siyang kinilabutan.. Piro yong smile niyang yon, makalaglag panty parin kahit ganun ≥﹏≤ (LANDI)

---------------------------

---------------------------------------------

Nasa kwarto si mica habang nakaharap sa salamin at nagsusuklay... Nang biglang nagdilim ang paningen niya,

Sa isang iglap ay nakita niya ang sarili niya na nasa isang maingay na lugar.. May nag iinuman, nagsasayawan, at nag tatawanan.

Sa isang sulok medyo malayo sa karamihan ay nakita niya ang isang taong pamilyar sa kanya.. May dala itong isang basag na bote ng alak at deritsong lumapit sa isang lalaking nakatalikod sa kanya, kasabay ng pagpihit paharap ng lalaki ay siya namang unday ng saksak ng salarin dito,, deritsong tumusok ang basag na bote sa leeg ng lalaki na naging dahilan ng pagsirit palabas ng dugo sa mismong bibig nito...

Maya maya'y nakarinig siya ng ibat ibang boses,, tinatawag siya.

'mica...'

'mica?'

'mica!'

Kasabay ng malakas na sigaw at yugyug ay biglang natauhan si mica.. Nakaupo parin siya at nakaharap sa salamin, nakita Niya ang sariling repleksiyon na pawis na pawis at takot na takot, habang ang mga kaibigan niya na kasama niya sa kwarto ay nakapalibot sa kanya..

Sina andrea,jaira,necole,chloe,hanna,at moira sila ang ka share niya sa kwarto.. Bali 7 sila lahat. Sila pala yung mga boses na naririnig niya kanina.

'mica okey ka lang? Bat parang takot na takot ka ata?'--si chloe, ang campus queen.

'g-guys... W-wag nalang kaya tayong tumoluy, p-palagay ko kasi, may mangyayaring hinde maganda eh... Ay mali! Sigurado akong may mangyayaring masama kaya mabuti pa, wag na tayong tumuloy.' tuloy tuloy niyang sabi habang hinde parin natatanggal ang takot sa mukha.

'oh comm'on, anu bang nangyayari sayo mica?anong masamang mangyayari ang sinasabi mo diyan?' si necole, ang pinakamayaman sa gropu ,

'm-may nakita ako... M'may papatayin. Please naman guys, pwede naman nating e-celebrate ang birthday ni marco dito lang sa dorm diba?'

Pagpipilt parin niya,,

"At sino namang papatayin.. Aber?! "

Tanong naman ni moira. Ang pinaka maangas sa grupo.

"a-ano kasi, si m-marco.. Siya ang... "

"ang papatayin, ganun?! Ano kaba naman mica.. Nakadrugs kaba? Anu ka ngayon, extra manghuhula ganun? Ayaw mo lang atang sumama kaya kung ano ano alibi mo diyan eh.. Ay naku, umiiral na naman ang pagiging anti-social mo eh.. "

Sabi naman ni hanna, ang pinaka close niya sa girls, prangka ito masyado piro nagkakasundo parin sila..

"But... "

"no buts mica,, sa ayaw at sa gusto mo... Tutuloy parin tayo at sasama ka.. And thats final! "

Pinal na wika ni jaira na sinang ayunan naman ng lahat.

Kaya wala na siyang nagawa kunde ang ipagpatuloy nalang ang pag aayos.

--------

_________________

Ano kayang mangyayari sa pupuntahan nila?

Magkatotoo kaya ang sinasabi ni mica na may mamatay??

Hmmmm..... ABANGAN!

...may nagbabasa ba nito o kaya may nagagandahan ba?? :'( wala manlng nagcocomment eh...

Naiiyak tuloy ako.. Huhuhu..

Leave some comment guys.. At paki vote narin kung magustuhan niyo.. ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE MURDERER (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon