M A G D A L E N A
Author's note:
Ang kwento na ito ay hango mula sa Indi Film na aming ginawa bilang proyekto. Sa tulong ng ilan sa mga kasama kong gumawa ng Indi na ito nabuo ang ideya na kung saan mula sa kanilang mga mungkahi ako ay bumase.
Sa direksyon at panulat ni Marjorie Moran (@MarjieMerg).
Shout out to all the people behind this Indi Film special thanks to:
Roy Aregadas
Joshua Cortez
Mark Gerald dela Torre
Mark Joseph Caldit
Ian Neven Tayupon
Danielle Zorilla
Mary Angel Olaran
Rose Marie Paloguer
Queenie
Sophia Gonzales
Honneylyn Recarro
Jasmine Rotoni
Lyka Pagatpatan
AlyssaWhile I'm writing it in a different way naalala ko lahat ng challenges na pinagdaanan natin skl. I really miss you guys.
Anyways!
Hope you all enjoy reading this one!
----------------------------------------------
Simula
"Juancho! T-tulong! Hinahabol nila ako!" Puno nang pangamba na saad ni Kassandra nang aksidente niyang makasalubong sa kakahuyan ang matalik na kaibigang si Juancho.
"Bakit?! Sinong humahabol sayo?!!!" Nag aalalang tanong nito at agad na inalalayan siya ng mapansin nito ang panlalambot ng kanyang tuhod sa pinaghalong pangamba at pagod.
"Mga tauhan ni Senior Felipe! Juancho!" Pagluha niya. "Natatakot ako! Pinapapatay niya ako, a-ayaw niyang isumbong ko ang kawalang hiyaang ginawa niya sa-"
Agad na nagkubli sila sa isang matandang puno nang makarinig sila nang mga yabag nang mga tao papalit sa kanilang kinaroroonan.
"Makinig ka..." Halos walang boses nitong saad hawak ang magkabila niyang pisngi't pinupunasan ang mga umaagos na luha mula sa kanyang mga mata. "Tumakbo kana..." Buong loob nitong sabi. "Ako nang bahala, ililigaw ko sila..." at sa huling pagkakataon ay tinitigan niya ang babaeng lihim niyang minamahal." Mag iingat ka..." at walang kasing higpit niyang niyakap ang dalagang sinisinta.
Nag aalangan man ay tumakbo na si Kassandra hanggang sa hindi na niya matanaw ito.
Ilang kilometro ang kanyang tinakbo
mula sa hacienda ng malademonyo niyang amo. Eksklusibo ang lupang pagmamay ari nito at nasa gitna ito ng masukal na kagubatan kung kaya't bibihira lang ang mga tauhang lumuluwas patungong centro na maski siya'y iilang beses palang nagagawi sa syudad.
-----"Juancho!...-"
" Sandy! Gising! Gising! Nanaginip ka!" Nagising si Kassandra sa pag alog sa kanya nang kaibigan. Napanaginipan nanaman niya iyon.
"Okay ka lang?!" Tanong ni Ericka." Teka kukuha ako nang tubig." At umalis ito.Pang ilang beses narin niyang napapanaginipan ang pangyayaring iyon sa hindi niya malamang dahilan.
Ang babaeng animo ay may tinatakasan at tinataguan sa gitna ng mga nagtataasang puno. Ang mga sigaw nito nakakabingi at tila nagsusumamo sa tuwing papasok ito sa kanyang panaginip.
///
"Your Allowance is here. Remember the rules,-"
"When you need something just call my secretary." Pagtutuloy niya sa sinasabi nito. "I got it Tofer hindi ako bata para ulit-ulitin mo..." at kinuha niya ang hinagis nitong card sa side table ng kama.
"I'm just making sure, anyway I gotta go." At bumeso ito sa kanya ng matapos suotin ang kurbatang itim.
Sandali pa siyang naupo sa malaking kama habang nakasandal ang likod sa ulunan nito. Ilang minuto rin nang magpasya na siyang tumayo't pinulot ang mga damit mula sa lapag, pagkatapos magbihis ay agad niyang isinukbit ang bag sa balikat at ibinulsa ang black card na ibinigay sa kanya ni Tofer.
YOU ARE READING
Magdalena
General FictionYou'll never know who's true You'll never know who will kill you You'll never know who will stab a hundred or a few You'll never know... In this game dramas, lies, the truth and including your excuses will either work or kill you, Bit by bit Hit you...