enemies or lovers?

5.6K 61 8
                                    

\"nakakainis talaga yung elmo na yun kahit kelan" asar na asar na sambit ni julie kay maqui nung nasa canteen  sila.

"alam mo friend wala na kaming ibang narinig diyan sa bibig mo kundi yang galit mo kay elmo. sige ka baka mainlove ka diyan" sabi naman n maqui habang kumakain ng chocolate.

"yaaaak! kadiri! yon?! maiinlove ako? imposble.. simula nung makatabi ko yon wala na siyang ibang ginawa kung di asarin ako!"

"malay mo nagpapapansin! atsaka who knows diba someday.."  nagsmile siya kay julie na parang may ibig sabihin ito.

"tigilan mo nga ko maqs.. hinding hindi mangyayari yon noh! makakaganti din ako dun" kinuha niya ang kinakain  ni maqui

"oy ou pagkain ko yan ahh!" binawi niya ang chocolate.

"teka nga.. bakit parang halos araw araw nalang ehh may chocolate ka?" nagtataka si julie kasi lagi nalang may chocolate si maqui ehhh hindi pa naman umuuwi ang mama at papa nito mula ibang bansa at nagtitipid din si maqui kaya imposible na bumili ito.

"ehh kasi naman po sa tuwing bubuksan ko yung locker ko laging may chocolate ehh sayang naman kaya kinakain ko na din."

"ahh so wala ka talaga akong balak bigyan ganon?!" pagbibiro ni julie.

"hinid ahh eto nga oh para sayo" abot ng isang buong chocolate.

"salamat!" nagsmile ito at niyakap si maqui.

"ohh sige juls una na ko sa clssroom ko at may group project pa kami. ingat ka kay elmo ahh baka mainlove ka ahh este mahulog ka sa patibung niya" kinuha ang bag at umalis na. umiling nalang si julie sa sinabi ni maqui.

mag isa nalang si julie sa canteen at nagbabasa ng libro ng may tumabi sakanya. "wawa naman si bebe gurl magisa..." sabi ni elmo ay julie.

"hoy magalona! kelan mo ba ko balak tigilan ha!" asar na asar si julie at binaba ang librong binabasa.

"aba aba sino nagsabi sayo na tititgilan kita. ahahaha" sabi ni elmo at balak talaga nitong asarin si julie.

hindi nalang umimik si julie at akmang aalis na ng pigilan siya ni elmo. hinawakan siya nito sa braso at nagulat si julie. kumawala siya dito ngunit ang higpit ng pagkakahawak ni elmo sakanya.

"dito ka lang di na kita aasarin makikipag kaibigan na nga ko sayo ehh.." sabi ni elmo habang hawak hawak parin ang kamay ni julie.

"hindi ako naniniwala bitawan mo nga ko" pinilit uling kumawala sa pagkakahawak ni elmo.

"ayoko nga hangga't hindi ka nakikipag kaibigan sakin."

"sabi ko ayokong kaibigan ka!" malakas na sigaw ni julie at sa panahong iyon ay binitawan na siya ni elmo. at bago pa makapag salita si elmo ay tumakbo na paalis si julie. at hindi napansin ni julie na nalaglag niya ang keychain na binigay sakanya ng mama niya bago ito mamatay. susundan na sana siya ni elmo ng matapakan ni elmo ang keychain ni julie at kinuha ito.

......

pagkadating ni julie sa classroom nila ay eksakto namang kakadating lang din ni elmo.

"anu ba yan! bat naman kasi naging katabiko pa yong mokong nayon nakakainis naman!!!" bulong ni julie sa sarili. at pumunta na ito sa pwesto niya. di  niya nalang pinansin si elmo maski pinapakielaman nito ang gamit niya at kung anu anu pang panggugulo ang ginagawa ni elmo para mapansin lang siya ni julie. at hindi na rin nakatiis si julie.

"anu ba elmo!" galit na galit ito.

"relax ka lang gusto ko lang naman magsorry ehh.." pagpapakalma niya kay julie.

enemies or lovers?Where stories live. Discover now