03

1 0 0
                                    

03

Tahimik si Leuna na naglalakad patungo sa kaniyang kuwarto. Bilog na ang buwan at napakalakas ng ulan. Sigurado na rin siyang tulog na ang mga tao rito.

Bumagal ang paglalakad ng dalaga nang makaramdam ng hilo. Ilang hakbang na lamang ay sumalampak na talaga siya sa sahig. Nakakarinig na rin si Leuna ng mga mahihinang bulong na hindi niya alam kung saan nanggaling.

"Les démons vont conquérir votre âme."

"W-What?" Napapasabunot na ang dalaga sa kaniyang buhok dahil sumasakit na ang ulo niya.

"Les démons vont conquérir votre âme."

Dahan-dahan na tumingala si Leuna at nanlalaki ang mga mata niya sa nakita.

"Les démons vont conquérir votre âme!"

Nagniningning ang painting at unti-unti niya nang naaninag ang nakasulat dito.

Astaroth. A great duke of hell. Who makes people lazy. She' so dumb not to notice that it's Astaroth's seal! Fuck this!

And just like what she expected, dumilim na ang paningin ni Leuna. Nawala na ang nararamdaman niyang hilo at sakit ng ulo. 'Yon nga lang, nasa isa siyang kawalan. Madilim. Hindi alam ng dalaga kung saan siya tutungo.

"If this is a dream, fuckin' wake me up!" Wala siyang pakialam kung mapaos siya. Ang mahalaga ay magising siya mula sa isang pinakamalalang bangungot!

Napapikit si Leuna at hinarang ng kaniyang mga kamay ang kaniyang mata nang biglang lumitaw ang nakakasilaw na liwanag mula sa kung saan.

At nararamdaman niya nanaman iyon... Ang sakit ng ulo't hilo. Ngunit nadagdagan na ito, ang hapdi ng kaniyang balat na para ba itong nasusunog.

Nang iminulat ni Leuna ang kaniyang mga mata. Nakita ng dalagang papalubog siya sa isang dagat.

Dagat ng apoy.

Pero ang nakakapagtaka, wala siyang maramdamang tubig. Ni hindi nga basa ang buhok niya't kasuotan.

Teka? Dagat ng apoy? Hindi ba't sinasabi ng karamihan ay isa itong palatandaan ng impyerno?

Yumuko si Leuna upang tignan ang ilalim pero nanlaki lang ang mga mata niya sa nakita.

Isang lava!

Pinilit niyang lumangoy pataas kahit na may apoy pa doon. Kaysa naman sa lava na maaari siyang gawing ano anumang oras. Subalit kahit anong gawin ng dalaga ay parang mas lalo lang siyang ibinababa. At nang malapit nang lumapag ang mga paa niya sa lava ay napapikit na lang si Leuna ng mariin.

Ilang minuto. Ilang minuto siyang naghintay sa inaakala niyang kamatayan niya. Ngunit wala.

Nang iminulat niya ang mga mata ay nasa isang bato na siya at wala nang kahit isang saplot.

"Shit." Hinanap niya ang kasuotan dahil baka naroon lamang ito sa tabi-tabi. Ngunit wala siyang nakita. Kaya ang nagawa na lamang ni Leuna ay ang iharang ang kamay niya sa mga pribadong parte ng kaniyang katawan at alertong binabantayan kung may kung anong tao ang makakita sa kaniyang hubad na katawan.

Naghanap na lamang siya ng pupuwedeng ipantakip sa katawan pero wala siyang nakita. Kadiliman at mga bato lamang ang nakikita niya sa mga oras na ito.

"Bonne nuit, jeune fille. Vous êtes égaré. Ai-je raison?"

Napalundag siya sa gulat at agad na napaupo habang pinoprotektahan ang maselang parte ng kaniyang katawan.

"Hindi kita maintindihan! Atsaka, wala akong saplot!" Sigaw niya. Hindi nga siya makapaniwala na isang malaking uwak ay mag-aanyong tao. At hindi lang iyan, hantaran pa nitong ipinapakita sa kaniya ang kahubaran nito.

Nakarinig siya ng mahinang tawa mula dito. "Paumanhin, binibini. Ang aking ibig na ipahiwatig ay 'Magandang gabi, binibini. Ikaw yata'y naliligaw. Tama ba ako?'"

Huminga ng malalim ang dalaga at dahan-dahan siyang tumango sa binata na hindi pa rin siya tinitignan.

"Can you do something with my situation right now? Hubo't hubad ako." Namumula pa ang pisngi ni Leuna sa sinabi niya.

"Paumanhin pero walang tela o kung anuman dito," hinawakan ng lalaki ang baba niya na para bang nag-iisip. "Ganito. Mag-aanyong uwak ako. Sumakay ka sa likod ko at pupuntahan natin si ina."

Kapag sumakay si Leuna sa likod niya, mararamdaman niya ang maselang parte ng katawan ng dalaga! Pero kaysa naman may dumating pang tao at pagpiyestahan na siya rito.

Tumango ang dalaga dahil doon ay nag-anyong uwak na ang binata. Huminga ng malalim si Leuna at dahan-dahang sumakay sa likod ng lalaki.

"Paano kapag nahulog ako?"

"Sasaluhin kita." And after that, lumipad na ang uwak patungo sa kung saan.

Hindi ma-enjoy ni Leuna ang view dahil bato lang naman ang nakikita niya. Tapos kapit na kapit pa siya sa lalaking ito ngayon dahil baka ay mahulog siya anumang oras ngayon.

Nanlaki ang mata ni Leuna nang makitang patungo sila sa isang lava. Binalot siya ng kaba at napalo niya sa ulo ang uwak.

"Balak mo ba akong gawing abo?!" Ngunit wala siyang nakuhang sagot. Kaya pinagpapalo niya ang ulo nito para tumigil ang mangmang na uwak.

"Tumigil ka, binibini! Ito ay nagsisilbing harang papunta sa aming mundo! Hindi ka masusunog dito."

Pumikit si Leuna at mas lalo na lang idinikit ang katawan sa uwak dahil sa takot. At nang dadaan na sila sa lava ay napakapit siya sa uwak.

Ngunit tumagos lamang sila at hindi man lang sila nasunog.

"Imulat mo ang iyong mga mata, binibini." Hindi nakinig si Leuna.

"Imumulat mo ang mga mata mo o ibabagsak kita?" Dahil doon ay kaagad na dumilat si Leuna. Pero nakatingala siya sa madilim na kalangitan.

Isang iglap na lamang ay naramdaman niyang inihulog siya ng uwak.

"Oh shit! You, hoe! Oo na, titignan ko na!" Sigaw ni Leuna. Kaya naramdaman niya ang uwak sa kaniyang likuran.

Doon, tinignan niya ang nasa ibaba. Ang mundo ng kakaibang uwak.

At bumagsak ang balikat niya dahil sa nakita. "Astaroth's world."

"My world."

Dear mapanghusgang readers,

Ang mga impormasyon na aking inilagay ay pawang o parang katotohanan lamang (huh, tama ba?).

Galit na galit, gustong manakit,
paurette

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Way to HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon