Chapter 10

39 3 4
                                    

~*~*~*~*~*~*

Nandito na ako sa bahay tumingin ako sa relo 6:45 pm na so 30 mins lang biyahe ko buti nalang hindi trapik kundi baka mamaya pa ako makakauwi! Nakita ko kaagad si mama nasa kusina nagluluto pumunta ako dun , nakita na niya ako nagmano na ako.

Oh , anak napapadalas na yang uwi mo ng gabe ah! - sabi ni mama , oh-oh pano na yan!

Ah-eh ano kase ma - ano ba yan, anong sasabihin ko?

Ano ba yun anak? Bat di mo sabihin sakin, bakit may boyfriend ka na ba? Ok lang yan , para naman hindi ka na nbsb. - sabi ni mama sabay ngiti. Enebeyen! Oo tama kayo ng nabasa nbsb ako , ayoko pa kaseng magka-boyfriend eh! Tsk >_< si mama talaga di naman yun yung sasabihin ko eh!. Pero di ko alam kung paano ko sasabihin.

Mama! Wala akong boyfriend ok? - sabi ko kay mama.

Eh, anong dahilan? - sabi ni mama

Eh, kase mama baka magalit ka eh?! - sabi ko

Hindi, ano ba kase yun? - tanong ni mama

Ahm ano kase eh , mama may trabaho po ako kaya gabi na ako nakakauwi! - sabi ko kay mama , waaaahhhhh nasabi ko! Huhuhuhuhu lagot na ako TT______TT

Huh? Bakit naman? Baka mapagod ka jan, anak! - sabi ni mama , diba? sabi ko sa inyo eh ayaw niya akong mapagod!.

Mama, mas lalo naman kayo ma, ayoko kayong mapagod atsaka 19 years old na po ako ma, kaya pwede na akong magtrabaho! - sabi ko kay mama pero mahinahon lang akong magsalita

Anak, syempre kelangan kong magtrabaho obligasyon ko yun bilang magulang mo. - sabi ni mama

Mama, gusto ko lang naman po makatulong eh! Cgeh na po please :( atsaka ayoko pong masyado mapagod kayo ma , - sabi ko kay mama , nag-puppy eyes pa ako bumuntong hininga nalang sya ,

Hayss, ako rin naman anak eh! Ayaw din kitang mapagod! - sabi ni mama

Pero ma, hindi naman po masyadong nakakapagod yung trabaho ko .please ma, - sabi ko kay mama na nagmamakaawa. Hayss please sana naman pumayag na si mama

Hays, ano ba yang trabaho mo? - sabi ni mama

P.A po ma, ano ma payag ka na po ba?- sabi ko kay mama

Ok cgeh, pero alam ba yan nila ayaka at mica? - tanong ni mama, yun oh! Hindi galit si mama

Opo ma, nung sinabi ko pa nga po kung sino yung amo gulat na gulat sila eh , parang gusto na nila akong palitan! - sabi ko kay mama habang tumatawa! Pero sya naman ay nakakunot ang noo.

Huh? Sino ba yung amo mo anak? - takang tanong ni mama

Hahahaha si luhan po ma yung sa EXO ba yun? Ay ewan! - sabi ko nalang, pero di ko kase matandaan kung anong grupo sya eh! Di naman ako updated sa mga ganyan eh!

Talaga anak? - gulat na gulat na tanong ni mama sakin habang hawak hawak niya ang braso ko at inaalog ako , oh-oh! nakalimutan kong sabihin na mahilig si mama sa mga ganun, di ko nga alam kung bakit eh >_< hindi pa naman matanda si mama pero maganda sya minsan pa nga pag magkasama kami ay napagkakamalan kaming magkapatid eh! 

Nandun ba ang exo? - tanong ni mama , di naman sya ganung kaadik sa mga exo nacu-cutan lang sya roon dahil mukha silang mga babae! Tsk >_< eh mukha nga silang mga bakla eh!

Hindi noh ma, ! Atsaka si luhan lang nandon sige na po ma aakyat na ako , magpapahinga na po ako! - sabi ko kay mama sabay akyat sa hagdan. Haysss~ nakakaloka ang nanay ko dinaig pa ako! Pumasok na lang ako sa kwarto ko tapos natulog na hindi ako kakain dahil di pa naman ako nagugutom!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate Guy and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon