ONE SHOT:
Naglalakad ako paikot ng park para libangin ang sarili ko habang naghihintay sa girlfriend ko.
Palagi naman syang late eh. Pero okay lang, mahal ko naman eh.
Hindi na ako magugulat kung magdadahilan sya na marami pa syang ginawang trabaho. Totoo naman dahil nakapunta na ako sa office nila.
Napaka-busy doon at puro trabaho. Plus, their work is a big share to the world kaya napaka-importante non sa kanya.
Habang lumi-linga sa paligid ay nahagip sya ng mga mata ko.
"Babe!" Sigaw ko at tumakbo papalapit sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit.
It's been weeks mula nang huli ko syang makita. Ganon kasikip ang schedule nila sa trabaho to the point na wala nang pahinga.
"Kain tayo?" Tanong ko sa kanya. Lunch break nila at inaya ko syang kumain sa labas.
Tumango sya at naglakad na kami.
Natutuwa ako dahil ang babaeng pinaka-mamahal ko ay naka-yakap sa akin habang naglalakad kami.
Bakit ko sya minahal?
Kasi binago nya ako. She made me better.
Nang makarating kami sa restaurant ay pumasok agad kami para kumuha ng table.
Nang maka-upo kami ay tumawag agad ako ng waiter.
"Gusto ko ng--- lasagna." Sabi ko.
"I'll have the same, please."
Umalis na rin ang waiter.
"Babe, kamusta ka na?" Tanong nya habang magka-hawak ang kamay namin sa ibabaw ng table.
"Okay naman, babe. Ikaw, pagod ka parin ba sa work?" Nag-aalalang tanong ko.
"As usual." Sagot nya naman. Nginitian ko na lang sya and gave her hand a little squeeze.
She gave me her smile.
Iyon ang unang naging dahilan ng pagka-hulog ko sa kanya bukod sa kung paano nya ako tinulungan sa gawaing bahay, cheezy, right?
Pero dahil sa kanya natuto akong mag-laba at magluto.
She made my life easier.
And she made me fall harder.
"Bakit nakatingin sakin ng ganyan, babe? Parang ngayon mo lang ako nakita." Tawa nya.
"Nothing. I just remembered the reasons why I love you." Ngiti ko.
"Aww." I saw her blush. I raised her hand and I kissed the back of it.
"I love you so much." I said. It was too meaningful. Ang so sweet.
"I love you too." Ngiti nya.
With that, dumating na ang pagkain namin.
______________________________
After namin kumain ay bumalik na sya sa trabaho habang ako naman ay umuwi.
Even though napaka-simple ng ginawa namin, she still makes it so special.
Nang maka-rating ako sa tapat ng pinto ay may nakita akong papel.
Kinuha ko iyon at pumasok sa loob ng bahay.
Nang makita ko nang mas maigi ay nalaman kong isa itong liham.
Binukas ko iyon at nakitang adress ko nga ang nakasulat doon. Hindi nakasulat sa labas kung kanino galing ito.
Binasa ko na lamang ito:
Mahal kong Danilo,
Siguro sa oras na mabasa mo ito ay wala na ako. Isa lamang ang gusto kong sabihin kaya't ako'y sumulat ng liham para sayo. Hindi kita mamadaliin kaya't sana'y may oras ka para basahin ito.
Minahal mo ako, Danilo, at ganon din ako. Nanatili ka sa tabi ko hanggang sa pag-usbong ko. Ikaw ang naging saksi sa pamumukadkad ko. Dahil sa iyo, lalo ako nag-pursige na tumubo dahil itinulak mo ako, mula sa comfort zone ko. Masaya tayo, nagmamahalan, at higit sa lahat, kuntento tayo. Ibinigay ko sayo ang lahat ng meron ako. Ngunit kailangan mong mabuhay, kaya't ako'y tinalikuran at ipinagpalit mo sa iba.
Mas maganda, mas matalino, mas maraming syang alam. Mas matagumpay sya. Hindi lang sa mundo, sa puso mo narin. Simula palang ay alam kong wala na akong laban sa kanya, dahil alam kong ang puso mo ay nasa kanya na. Ipaglaban man kita'y wala nang saysay dahil hindi naman pareho ang nararamdaman natin.Ganon nalang ba kadali na talikuran na lang ako? Para lang sa taong mas nagpagaan ng buhay mo? Ang nag-angat sayo? Ang taong nangako ng mas magandang buhay?
Hindi man maganda ang buhay na ipinangako ko sayo pero kumpleto naman, sadyang nabulag ka lang. Inisip mo na mas gaganda ang buhay mo dahil sa kanya. Pero ang hindi mo alam, pinapatay nya ako.
Unti-unti akong nasasakal nang dahil sa kanya. Lalo mo kong nalilimutan, lalo mo akong naibabaon sa nakaraan.
Nabulag ka lang, naging ganid ka. Naghangad ka ng mas higit pa sa kailangan mo. Ng mas higit pa sa akin.
Isang beses, tinanong mo ko. 'Sino ako?' At iyon ang tuluyang nagpaguho sa akin. Nakalimutan mo na nga, nakalimutan mo na nga ako.
Pero alam mo ba? Mahal parin kita. Kahit na anong mangyari, mamahalin parin kita. Sana matanggal na ang sagabal sa iyong mata nang makita mo ang katotohanan. Katotohanan na GUSTO mo lang yan. Hindi KAILANGAN.
Kahit na nais akong patayin ng nobya mo, gusto ko syang makilala. Gusto kong makilala si Teknolohiya. Ngunit alam kong hindi ko na kaya, dahil oras ko na.
Mahal kita at paalam na.
Nagmamahal,
Kalikasan____________THE END____________
Thank you for reading guys!
#let'sbeenlightened❤️
Sa pagdating ng bagong henerasyon at sa mga susunod pa, sa pagdating ng teknolohiya, sana'y hindi natin makalimutan ang pinagsimulan nating lahat. Ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay ngayon.