Chapter 1

88 0 0
                                    

#UNTILTHEN Chapter 1

Mama

The doctor told me to rest, pero hindi parin ako mapanatag dahil gulong gulong parin yung utak ko hanggang ngayon. Wala akong maalala kahit ano, kahit sarili kong mukha hindi ko parin nakikita dahil hindi ako makatayo ng mag-isa.

Ang sabi sakin ay darating daw ang asawa ko pero tatlong araw na ang nakalipas hindi ko parin siya nakikita.

"Ate, baka pwede naman makahiram ng salamin?" pagtatanong ko sa isang nagbabantay sa akin na nurse.

"Ano po bang gagawin niyo Ma'am?"

"Gusto ko lang sana makita yung mukha ko." sagot ko sa tanong nito.

"Ay hala! Maganda parin po kayo." sabi nito sa akin sa pag-aakalang gusto kong malaman kung maganda ba o pangit ang itsura ko dahil sa benda na nasa ulo ko at konting galos na natamo ko sa aksidente.

"Gusto ko lang makita." sagot ko upang matapos na lamang ang aming pag-uusap at tipid na nginitian siya.

Nagpaalam itong aalis na at babalik agad dala yung salamin na hinihingi ko. Napatingin ako sa bintana at iniisip muli kung anong nangyari sa akin.

Ang sabi ng doctor nakatanggap daw sila ng tawag na emergency, may nangyaring aksidente, ako at yung mag kasamang lalake at babae sa kabilang kotse, mabuti na lamang at may nakakita agad sa kotse na ako ang nagmamaneho at nakatawag agad ng ambulansya. Yung mga nasa kabilang kotse naman ay wala na akong nabalitaan sakanila.

"Ma'am, eto na po iyong hinihingi niyo." at inabot sakin ang isang bilog na salamin.

Ang repleksyon na nakita ko ay isang estranghero. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nakita ko, oo maganda nga itong mukha na ito pero sa di mawaring dahilan ay parang may mali. Ang buhok ko ay kulay itim na hanggang sa leeg ang haba, mapupungay ang aking mga mata na akala mo'y laging inaantok, matangos at maliit ang ilong, manipis ang aking labi, at kapansin pansin rin ang hati sa aking baba.

"Ang ganda niyo po Ma'am. Ang swerte niyo po rin kaya kahit na naaksidente kayo ang kinis at puti parin ng balat niyo" nagulat ako dahil nandito pa pala ang nurse.

Ngumiti lamang ako tsaka inilagay sa lamesa ang salamin na binigay sa akin.

Pumikit ako at nagbabaka sakaling iiwan na ako ng nurse dahil gusto ko munang mapag-isa at mag-isip isip sa mga nangyayari. Naguguluhan talaga ako, sa aksidente, kung sino ang asawa ko, at marami pang bumabagabag sa isipan ko.

Narinig ko ang pinto sa pag aakalang umalis na ang nagbabantay sa akin na nurse, minulat ko ang aking mga mata.

Nagulat ako dahil isang maliit na mukha ang nakatingin sa akin.

"Mama." sambit nito, sobrang hina ng pagkakasabi nito na parang nahihiya o natatakot.

Hindi ko na pinahalata ang pagkabigla na may anak rin pala ako sa kadahilanan na baka madismaya ang bata. Kung titignan mga nasa edad na 5 years old ito, mahaba ang kanyang buhok na kulay mais, may pag ka kayumanggi rin ito.

"Hello, ang ganda mo naman." sabi ko "Halika dito tabihan mo ako." aya ko

Ngumiti lamang ang bata at tsaka tahimik sa sumunod.

"Anong pangalan mo? Pasensya kana ha may sakit kasi si Mama." paliwanag ko "May bad guy kasi na kumuha ng memories ko." pilit kong pinapaintindi sakanya ang mga nangyare na hindi siya mabibigla

"Mia po." sagot niya "Dada said you had an accident." basag niya sa sinabi ko "—and amnesia" ang cute niya kasi nahihirapan siyang bigkasin yung amnesia.

"Yes baby." sabi ko at tumawa. Hindi ko alam na sa bata nito ay sobrang advance na pala nito mag-isip.

Pinagmasdan ko siya ng maiigi, kung sa malayo hindi kami mapagkakamalan na mag ina kasi halos wala siyang nakuha sa akin kundi lamang yung mga mapupungay kong mata.

"Napaka tahimik mo naman baby." bati ko sa kanya.

"Ayokong magalit ka Mama." sambit nito

"At bakit naman ako magagalit?" tanong ko

"Kasi maingay ako or makulit." sagot niya sa tanong ko "Ang sabi mo dapat ang lady hindi sila magugulo"

"Sinabi ko ba yon?"

Tumango lamang ang bata sa tanong ko. Nalungkot ako sa aking narinig kasi ganun ba ang pagkakaturo ko sakanya noon?

Anong klase ba akong nanay? Maraming tanong na naman ang pumasok sa aking isipan.

"Matagal na yun baby. Ngayon maglalaro tayo ng maglalaro kasi namiss ka ni Mama." sabi ko tsaka ko siya niyakap.

Nagulat ako kasi bigla siyang umiyak sa leeg ko pero mas nagulat ako sa malakas na pagkakabukas ng pintuan ng kwarto ko.

"What are you doing?!" sigaw niya tsaka kinuha ang bata sakin. "Mia, why are you crying? Did she hurt you?" tanong nito sa bata.

"No, masaya lang ako kasi she hugged me and said maglalaro kami." sabi niya.

Tsaka palang kami nagkaharap ng maayos ng lalaki. Matangkad ito at moreno, matangos ang ilong, mapupula ang labi at nakadepina ang panga.

"Why would I hurt my child?" diin na tanong ko.

"I don't know Riva. You tell me." balik niyang tanong sa akin "Was this one of your shenanigans?"

"What are you talking about?" tanong ko. Mas lalo akong naguguluhan sa mga nangyari.

"You left us." sagot niya. "Then, one morning makakatanggap ako ng tawag na naaksidente ka and suffered trauma sa ulo mo kaya may amnesia ka."

"Why would I leave you? lalo na si Mia?" tanong ko at naiiyak dahil gulong gulo na talaga ako.

"Di ko alam, Riva." sabi niya "— but one thing's for sure, may amnesia ka man o wala hinding hindi ka makakabalik sa buhay namin ng anak ko."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until thenWhere stories live. Discover now