ALL
━━━━━━━━━━ᴅɪᴄᴛɪᴏɴᴀʀʏ
╭─────────────────────────╮
| Search for a word ⌕ |
╰─────────────────────────╯CELAESTUS ZINDRO
( 🔊 )
ɴᴏᴜɴ
someone you can't have.
"I guess he's Celaestus Zindro."
sʏɴᴏɴʏᴍs : unattainable,
unachievable, undoable;
MoreNEWS
━━━━━━━━━━━Tagalog | English
Tagalog ang napiling wika.Ngayong ikatlong antas na ng laro, isang araw ay napagpasyahan ni Celaestus na mag-aya ng mga zodiac upang akyatin ang bundok na Sol Montibus.
Dahil sa pagkakaaway at pagkakabati na rin nila ng kanyang alagang si Celendro isang araw bago mangyari ang nasabing pag-akyat sa bundok, ginamit na niya lamang itong dahilan sa mga kaibigan upang sila'y sumama. Bonding with pets daw kahit na iba naman talaga ang kanyang ipinunta sa bundok na iyon.
Ngunit may isang hindi inaasahang pangyayaring naganap nang sila'y papalapit na sa pinakataas ng bundok. Nawalan ng malay ang kanilang mga alaga at nag-glitch ang buong paligid, kasama na dito ang kanilang mga katawan na tila ba nawawala't bumabalik sa bawat pagkurap ng kanilang mga mata.
Nang nahawakan ni Celaestus si Celendro ay biglang balik muli sa dati ang lahat. Ngunit bigla siyang nakadama ng matinding init na tila ba mga apoy ang dumadaloy sa kanyang katawan.
Dali-dali siyang napalayo sa kanyang alaga ngunit kaagarang natalisod sa isang bagay nang siya'y umatras. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Isang uri ng armas na may nakaukit na pangalan niya sa hawakan nito ang kanyang nasilayan.
Napatayo siyang muli at kinuha ang armas bago ito tinitigang maigi.
Habang pinagmamasdan kung gaano ito kaganda, nahagip niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagbangon ni Celendro kaya naituon niya dito ang kanyang atensyon. Ngunit sa sandaling nagtama ang kanilang mga tingin, napaawang ang kanyang bibig sa nakita.
Naging kulay apoy ang mga mata ni Celendro. Pero hindi lamang iyon, kita niya sa repleksyon nito na sa kanya ri'y nagbago. Ang dating mala-abong mga mata ay tila nagliliyab na.
Kinagabihan, napagpasyahang bumalik muli ng mag-amo sa Sol Montibus upang subukan ang nadiskubreng kapangyarihan ng isa't-isa.
Ang pagbuga ng apoy.