Sanjay POV
Ang ganda ng Katabi ko syet kaso ^_^v
Mataray e tapos Mejo mataba pati haha ang bad ko noh? Pero totoo ang taba nya siguro ung waistline nya mga nsa 39. Haha mejo nabara ako dun sa pagtataray nya ha. Ang engot ko din naman kasi wala naman nakaupo tas magtatanung pa ko haha.
Well Ako nga pala si Sanjay Lamirez, ewan ko kung kilala ako ng babaeng toh haha Captain Ball ako ng Basketball team ng school namen. =______=
Uunahan mo na kayo ha ayoko sa salitang relationship, love commitment or jowa thing.
Hindi ako magseseryoso hanggat hindi ko nararamdaman na kailangan ko ng magseryoso. Kasi nakita ko palang yung nangyari sa kuya ko natrauma na ko nakita ko kasi kung gano siya nasaktan sa babaeng wala namang pakealam sa kanya ginamit lang siya nung babaeng yun Caren that Girl!!
Mas matanda sakin ng 7 taon si Kuya Kenjie. Nakilala nya yung Caren naun nung 4thyear college na si kuya. Minahal ng sobra ng kuya ko yung babaeng yun pero nalaman namen na pineperahan lang pala nila si Kuya. Parehas namen nasaksihan ni Kuya kung saan dinadala nung Caren yung perang hinihingi nya kay Kuya syempre hindi naman kami magagalit kung sa tamang paraan nya ginamit ung perang yun e kaso ginamit nya yung perang yun para lokohin si kuya.
*FLASHBACK.
"Kuya tara panoorin natin yun Hunger Games Showing na sa Glorietta5" yaya ko sa kuya ko. Inaabangan na kasi namin yun dahil Trailer palang ang ganda na kaya napagdesisyunan namen na panuorin yun pag showing na.
"Tara isasama ko si Caren ha" Tinawagan na ni kuya yung Girlfriend nya.
"Babe nasan ka? Ah ganun ba. Isasama sana kita umalis e sige kami nalang ni Sanjay Cge I love you" Kinausap nya na hindi siguro sasama kaya nanlumo si kuya.
"Tara na hindi daw sasama kasi may gagawin daw
Thesis Proposal e nakalimutan ko nanghiram nga pala siya ng pera para dun." Tapos ayun pumunta na kaming Ayala.
Nakabili na kami ng Ticket tapos pumasok na kami sa sinehan. Wala pang 30Mins. may narinig na kaming lampungan sa likod namen nasa 2nd to the last row na kasi kami sa pinaka-taas.
"Darling Yung perang hinihingi ko sayo ha? Ubos na kasi ung pera ko e natalo ako sa pustahan kahapon. Mabuti naman at nakakadilehensya ka pa rin dun sa Boyfriend mong hilaw? Buti hindi ka pa nya nabubuko. Naku pag nangyari yun tigil na ang pagiging buhay Mayaman natin" Sabi nung lalaking nasa likod namen.
"Oo naman darling hindi ko kakalimutan yung perang hinihingi mo haha. Ako mahuhuli nung engot na yon? Halatang patay na patay yun sakin e siguro kahit mahuli nya ko papatawarin parin nya ko kasi sabi nya hindi daw nya kaya mabuhay ng wala ako sa kanya.
~Pause~
Sweety anu ba yan hihi wala pa nga sa kalagitnaan kung anu anu na ang hinahawakan mo hihi wag jan hon nakikiliti ako." Maarteng sabi nung babaeng nasa likod ko hindi ko na nga lang pinapansin kasi baka sabihin ay nakikiusyoso at binobosohan ko pero pagkasabi nung babaeng yun
bigla nalang tumayo si kuya at tinignan yung naglalampungan akala ko naman sasawayin lang nya pero mali pala.
"Ito ba yung Thesis Proposal na ginagawa mo Caren? Ang makipaglampungan sa ibang lalaki sa loob ng sinehan?!" Galit na Bulyaw ng Kuya Ken. Wala na syang Paki-alam kung magtinginan na ung ibang nanonood. Dumating na din ung mga guard.
"K-KENJIE! A-anung G-ginagawa mo d-dito?!
A-akala ko aalis kayo ni S-sanjay?!" sabay harap ko sa kanya.
"Damn you Caren! Damn YOU! Lalo ka ng G*ago Ka hindi mo ba alam na nirerespeto ko yang babaeng yan tapos ikaw kung paano mo lang ganyanin! nakakahiya kayo! hanggang sinehan ba naman?! walang patawad?! nakakadiri ka Caren akala ko matino ka. Sabi mo stick to one ka lang na hindi ka nagloloko. Sinungaling ka ginago mo lang ako! Manggagamit ka Caren. Sa tingin mo papatawarin kita sa ginawa mo? Napaka kapal na ng muka mo kung may lakas ka pa ng loob na humarap sakin pagkatapos ng mga ginawa mo!!" Sabay labas ng sinehan si Kuya.
"Miss dont you dare na magpakita pa sa kuya ko or else ipapakulong kita!" -___-+++ Sunod naman ako agad sa kuya ko sayang ung palabas haist! :3
*END of Flashback
Sheet! kaya pag may girl akong nagugustuhan hindi ko parin sineseryoso kasi natatakot ako na yung girl na yun e katulad lang din nung Caren na yun. Although i know na hind magkakaparehas ang mga tao.
*Poke*
Hindi ko pinapansin yung katabi ko. Nakatingin parin ako sa dinadaanan namen ang ganda kasi ng paligid.
*Poke* *Poke* *Poke*
Kanina pa toh. Hindi nalang sabihin kung ano ang kailangan Sa asar ko tinanggal ko ung headset ko at bigla akong tumingin sa kanya
"ANO?!" pagalit kong tanong sa kanya nakakabadtrip na kasi
"Tawag ka ni Sir Enriquez sa unahan" tas nagsmirk sya kanina pa pala ako tinatawag sa unahan. Mejo napahiya nanaman ako. Hindi ko kasi narinig kasi nga naka headset ako. Tae talga tong Ms.Piggy na toh. Always nalang akong pinapahiya. Tumayo na ko at pumunta sa unahan dahil kanina pa ko tinatawag ng Adviser namen.
Nabanggit ko kasi kay Sir na after ng Retreat and Team Building ay hindi na ko sasaby pabalik ng school dahil sa may rest house na namen sa Tagaytay nako magstay. Magsabi na din ako kila Mommy at Daddy, kaya may susundo sakin sa area ng Team Building. Kaya pala ako tinawag para i-confirm nga yung ganung set-up.
"Sanjay, nakausap ko na din ung Mommy mo and nag confirm sya na ganun nga ang mangyayari after Team Building. Just notify me pag paalis kana para alam ko ha." paalala ni Sir Enriquez, napakabait nitong adviser namen. Sobrang ayaw na ayaw nyang mapapahamak kameng mga estudyante nya. Kahit alam nyang mayayaman at popular ang nag aaral sa CTA, hindi sya nag aalangan na makipag usap dahil talagang huwarang guro ito. Napansin ko katabi nya si Ms. Lopez, ang matagal na nyang nililigawan na English Teacher namen. Nginitian lang ako ni Ms
Lopez. Pabalik na ko sa pwesto ko ng makita kong naglalaro ng tamagochi tong si Ms. Piggy.
"Naglalaro ka pa din nyan? Di pa kayo nagsasawa jan?" Pagkatapos nun ay pumwesto na ko sa may bintana.
"Paki-alam mo ba? Wag mo nga akong kausapin at nabbwisit ako sayo 🙄." Masungit na pahayag nya.
Aba at nabbwisit pala sya sakin? The feeling is mutual Ms. Piggy!!!
"Ano nga palang Pangalan mo?" Tanong ko dahil ayaw ko naman na tawagin syang Ms. Piggy no, mayayari ako kay Mom pag nalaman nyang mambubully ako.
"Valeen." Tipid na sagot nito dahil busy pa din ito sa kakalaro. "Ikaw?" Biglang tanong din nito.
"Sanjay." Sagot ko sabay lagay ng headset sa tenga ko. Hindi nya ba ko kilala? Saang lupalop ba tong babaeng to at hindi nya ko kilala? Napansin kong tinago nya na ung tamagochi nya at nilabas na din ung phone nya at naglagay ng headset.
Mahaba habang byahe to makaidlip nga muna.
