Huwaw naman! talaga namang love and kilig is in the air na kahit hindi valentines. pero oops! may nakakalimutan ata tayo. take note! Everyday is also "Independence Day" rin para sa mga single people out there, kung maraming super Got2Believe-ish inlove ngayon, eh, marami-rami narin ang dreaming parin dahil sa masaklap at zero balance na lovelife. Pero huwag ng mag alala! akin rin namang nakikini-kinita na nag PBB-teens na kilig ay mapapasakamay mo na. Post ng 'Single' status sa FB? Self advertising yan teh. nag pafacial ka na ba? Huwag na! Aspaltohin ang dapat diyan. Nagbasa ka na rin ba ng mga tips sa teen magazine? naku, sinasabi ko sayo. May quiz ka pa bukas, libro sa school ang basahin mo. Pero, seriously, kung na try mo na ang lahat ng yan pero "NGA-NGA" parin ang status mo. baka its da tym para sa aggresibong pamamaraan. alam kong pamilyar ka sa GAYUMA (uuuuyyy! Magfofocus siya sa pagbabasa) dahil nung elementary ka, natry mo rin namang ipainom kay crush ang juice na nilagyan mo ng toenails. Pero my Gollyhuwaw!! pakain mo narin kaya paa mo? Oh ito, magbasa muna dahil sure ako na sa mga love potion na ito, mapapa Joaquin Chichay love team ka na!
Potion #1 - Aphrodisiac ala Fatale
Sangkap (sa mga jejemon jan, ingridients meaning nyan teh):
1 bote ng acetone, 1 cup rose petals, cup melted chocolate, cup of water.
Paghahanda (i explain ko pa ba ang meaning?):
1. I-blender lahat ng ingridients hanggang maging pino. kung walang blender, well sorry. better luck neks taym.
2. Pagkasyahin ang mikstyur sa maliit na vial (problema mo na kung paano pag kakasyahin lahat.)
3.Dasalan ng kung ano ano basta may pagmamahal.
4. I-Freezer ng isang magdamag.
5. Siyempre kukunin mo sa freezer atsaka dalawang beses patakan ang pagkaing ibibigay o pwersahang ipapalamon kay crush.
Ilusyonadang analysis (dipendi sa may sayad):
Napanood mo sa TV na nag eepek ang mga ganitong tactics kaya confident ka na tatalab.
Surebol-na-mangyayari analysis (yung true to life):
Its either ma food poison at maospital si crush o di kaya ma dead-on-the-spot. Take note ha, may acetone na ingridients teh! may rose petals lang epektib agad? the fact na naglagay ka ng acetone ay malalason naman talaga siya. magbalut-balkut ka na teh. may outing daw kayo sa city jail.
Potion #2 - Breath of Love
Sangkap:
1 bote ng Whiskey, 3 slices ng citrus (basta alam ko prutas yan), any DNA sample ni crush, (well, goodluck sayo preferrably white hair)
Paghahanda:
1. I blender lahat ng sangkap sa isang pitsel (blender uli kailangan mo teh! invest din sa mga ganito pag may taym)
2. Dasalan uli ng kung ano ano basta bahala ka. tamad na kong mag type.
3. Inumin at ubusin lahat ng mixture hanggang sa huling patak.
4. Huwag amtulog sa buong magdamag. ( challenge to teh. whiskey kaya ininom mo.)
5. Pagdating ng umaga, maligo at magbihis papuntang school pero ang importante, huwag mag almusal at mag toothbrush (dahil baka mawala ang effect)
Ilusyonadang analysis: Magwawala sa sarili si crush. pero for awhile lang naman. I snap lang ang finger (yun ay kung marunong ka) at siguradong mapapasayo na siya.
Surebol-na-mangyayari Analysis: Hindi ko gustong mangyari to pero dahil sa hindi ka kumain at amoy alak ka pa, huwag ng magtaka kung mahimatay man si crush. Huwag ilusyonada. Di yan dahil sa killer smile mo. Smell your breath rin pag may taym. Hmmmmmmmmhhhh . Fresh air from the dumpsite.
Potion #3 - Concoction of HOT Desire
Sangkap:
1 basket ng siling labuyo, 1 bote ng tabasco sauce (Manbg tomas pwede na rin para masarsa), 1 tsp. sugar (ikaw bahala kung ano meaning ng tsp), 1tsp of water, 1 strand of your hair (bahala ka kung saan banda mo kukunin. huwag amging yucky.)
Paghahanda:
1, I blender lahat ng sangkap (problema mo na kungh wala ka parin nito)
2. Magdala ng tall glass sa school. (TALL GLASS ang sinabe. hindi yung pandak at lalong hindi tasa ang dalhin mo.)
3. Of course, dasalan ng kung ano-ano pero try mo kantahan ng Poker Face ni Lady Gaga para maiba.
4. Pag nasa skul na, lagyan ng ice, ibigay kay crush at sabihing healthy red berry juice yan para di maghinala. ipainom ng boluntaryo o sapilitan.
Ilusyonadang Analysis:
Mag-iinit si crush at makakadama ng nag aalab na pag-ibig para sayo. promise ko, panghabang buhay ang effect nyan. syempre naman, hahaba ang hair mo dahil agad-agad naman siyang magkokonfess ng pag-ibig for you infront of everybody! naks naman. kilig sya oh! Yan tuloy, pustiso mo nalaglag.
Surebol-na-mangyayari Analysis:
Mag-iinit... ang BUNGANGA at ULO ni crush dahil sa nainom niya. Ikaw ba naman ang makainom ng sangkatutak na sili, tingnan ko lang kung hindi mag nuclear explosion sa bunganga mo. at eto pa. Sinasabi ko sayo, Vhong Navarro ang peg mo dahil HINDI damdamin ang sasabog kundi MUKHA mo. Dont worry, punta kami sa condo mo after, dala kami ng foods.
Therefore Gayuma Concludes
Reality Check sa lahat. wala naman talagang tatalab na gayuma sa lahat na binanggit dahil wala rin namang kahit anumang bagay na makakapilit sa isang taong hindi ka pa mahal. Tanong lang naman. Bakit? Kilala ka ba niya? Close ba kayo? Huwag malungkot dahil single ka. I-enjoy ang buhay at ang iyong kalayaan. Tanungin ang sarili kung bakit ka pa nga ba nag aaral? Para ba sa paghahanap ng pang status na lovelife o para sa kinabukasan mo at ng iyong pamilya?
Huwag magpa-apekto kung medyo "Independence Day" ka muna. Maybe it's the time para kilalanin ng husto ang sarili; kung ano ang mga gusto mong marating at pagkakataong abutin ang mga pangarap. Tandaan lamang na lahat ng bagay ay hindi minamadali. Malay mo, sa iyong paghihintay ay may napaibig ka na pala dahil sa iyong pagiging totoo sa sarili. Marahil yan na nga ang iyong natural at pinaka mabisang gayuma.
END