Mga sulat na di mo na mababasa

3 0 0
                                    

Natapos na yung inuman niyo at bigla kang humiga sa tabi ko. Patay na ang mga ilaw at ang tanging liwanag na lang mula sa labas ang naging dahilan para makita kita. Nakahiga ka lang at nakatitig sa kawalan.

"Iiwan mo rin ba ako?" Tanong mo at pagbasag mo sa katahimikan.

Tinitigan muna kitang mabuti at saka ko tumingin sa direksyong tinititigan mo.

"Hindi kita iiwan." Sagot ko sa katanungan mo.

Hindi ko na maalala ang mga sumunod na pangyayare nung mga oras na yon pero buo pa rin sa alaala ko yung seryosong pagtatanong mo sa akin ng tanong na yon. Na para bang nananalangin ka na sana wag akong agawin sayo ng pagkakataon at tadhana.

Malayong malayo sa gabing yon at sa dalawang tao na nag uusap na yon ang nangyare. Hinayaan natin na mawala tayo sa ating mga sarili at habang tumatagal ay di na natin kilala ang isa't isa.

Oo, hindi kita iiwan pero malayo ka na at malaya na ako.

ABOUT YOU AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon