Halos isang oras na akong nakatulala sa ceiling dito sa kwarto ko, habang nakahiga sa kama. Ilang araw narin akong walang kain, i've lost my appetite because i'm really sad. Nagkakaganito lang naman ako dahil sakanya, tinabunan kong muli ng unan ang mukha ko ayokong marinig ako nila Mama na umiiyak.
"Erica, please open this door. " I heard my mom's voice, laking pasasalamat ko at wala si papa dahil nasa business trip s'ya. Kase kung hindi sisirain n'ya ang pinto ng kwarto ko, but i swear i really missed my dad.
"Mom! i'm okay! " Sigaw ko, pinarinig ko pa ang tawa ko sakanya. Para akong tanga, tumatawa habang umiiyak.
"I know you're not baby, i can listen to you if you are ready to tell me everything. Okay? i love you baby. " Lalo akong naiyak sa sinabi ni Mom, sa kabila ng sakit na dinulot sakin ni sean masasabi kong swerte parin ako because of my mom. Hindi ko nga alam kung anong nagawa kong maganda, kung bakit binigay sakin ni God si mom and dad.
"Anyways, Erica. Nasa baba pala si Ashley nag-aalala din s'ya sayo. " I smiled, i know she's coming.
Sinabi ko kay mom na paakyatin si Ashley, nakatanggap din kase ako ng mensahe kay Ashley kanina na may mahalaga daw s'yang imumungkahi sakin just to ease my pain. I trust her that much, simply because she is my bestfriend mula sa pagkabata until now.
When the moment she entered my room, niyakap n'ya ako ng mahigpit. Ashley doesn't know how to comfort a broken-hearted girl, but a sincere hug from her is more than enough.
"Ano ba talagang nangyari, Erica? " Nag-aalala n'yang tanong sakin, hinila n'ya ako sa kama atsaka kami umupo.
"Bigla nalang s'yang hindi nagparamdam, hinanap ko s'ya Ash. But hell! i can't find him. Wala man lang kaming official break-up, i rea-lly don't know.. he left me hanging. " I stated and i smiled weakly.
Her face drops i could tell that she's not really happy to hear that. Maya maya pa ay rumehistro na ang galit sa mga mata ni Ashley, pumikit na ako ng mariin handa na'ko sa sermon ni Ash.
"Sinabihan na kita noon pa, wala talaga akong tiwala sa lalaki na'yon! kapag nakita na'tin s'ya?! remind me to kill him! " Gigil na sabi n'ya, I chuckled my bestfriend never failed me to smile and laugh.
"I want to ease your pain, is it okay Erica? eto lang kaya kong gawin. " She said in a low tone, ngumiti ako tumango.
"I know that you really like ghosts! " She exclaimed in excitement, kunot noo akong tumango sakanya.
"Wait, Ash. Don't tell me mag paparanormal activity tayo ng ganito kaaga?! " I said hysterically, umiling naman s'ya at humagalpak ng tawa.
"Hay nako bugok ka talaga minsan, Erica. Syempre mamaya pa hihi. " Humagikgik pa ang gaga, napailing nalang ako pero magandang idea rin yon. I really love horror movies kahit brutal pa, i love doing paranormal activities or ghost hunting.
"I'm in, saan ba yan? " I asked, ginawaran muna ako ng ngiti ni Ashley bago sinagot ang tanong ko.
"We'll go to, Antediluvian street! " My heart beats faster as i hear the name of the street, parang narinig ko na'yan somewhere but argh! i'm not sure. Nakaramdam ako ng konting kaba, pero bumalot parin ang excitement sa buong katawan ko.
"Pack up your things, Erica Zafe! " She added, ngumisi ako at tumango. This is would be exciting paranormal activity ever!
**
Napagdesisyunan namin ni Ashely na yung kotse ko nalang ang gamitin dahil sira din yung makina ng kotse n'ya, nakapagpaalam narin ako kay mom she said yes.
Ala sais pa lang bumyahe na kami, ang sabi ni Ashley medyo malayo daw ang Antediluvian Street. Medyo malinawag pa nga, siguro mamayang 7:00 pm pa magdidilim ang kalangitan. Ashley insisted to drive the car, hindi rin kase ako makakita ng maayos dahil sa pamamaga ng mata ko. Ewan ko nalang kung may maiiyak pako mamaya, siguro panandalian kong makakalimutan si Sean.