3: Circus

10 0 0
                                        

“Guys, nasaan naba tayo?! ” I asked them hysterically, pero parang hindi nila ako naririnig dahil sa malakas na tugtog dito sa loob ng kotse.

When the season is summer, palagi kaming nag-roroadtrip mula umaga hanggang gabi. Buti nalang nahiram ko kay papa itong kotse, and i heard that Maki is already have his lincense kaya naman s'ya ang pinagdrive namin.

Napalingon ako sa right side ko dahil sa sobrang lakas ng hangin na humahampas sa mukha at buhok ko, ngayon ko lang din napansin na hindi na pala pamilyar ang daan na tinatahak namin ngayon.

“Hydro! ” Pilit kong niyuyugyog si Hydro na mahimbing na natutulog dito sa tabi ko.

“Damn, Bea! can't you see i'm sleeping?! ” He said annoyingly, pero agad kong tinanggal ang headphone na nasa tenga n'ya.

“Alam mo ba kung nasaan na tayo? ” Matabang na tanong ko, pero halos tumilapon ako sa kinauupuan ko dahil sa biglaang pagpreno ni Maki.

“Maki! ” Inis na sigaw Patricia.

“Guys, look meron atang perya don! ” Masayang saad ni Heysel sinundan ko kung saan yung tinuturo n'ya.

Naningkit ang mata ko, unang nakita ko ang mga matataas na damo at madilim na paligid, wala ring mga poste ng ilaw. Maya maya pa ay napaawang ang bibig ko ng makakita ako ng iba't-ibang tent sa dulo ng mga damong matataas.

“It's not ordinary perya, circus 'yan. ” Usal ko, unang lumabas ng kotse si Maki na tila manghang mangha sa nakita n'ya.

Kaya naman sumunod na kami sakanya, kanya kanya kaming kuha sa mga bag namin.

Tila sa isang kadiliman may parang lumitaw na maliit na liwanag, ganon ko mailalarawan ang circus na'yon. Hindi ko maipaliwanag pero parang may kakaiba sa pakiramdam ko, parang may mali.

“Tara! mukhang masaya don! ” Halos kaladkarin ako ni Heysel, ganon din ang ginawa ni Patricia kay Hydro.

“Wohooooo! ” Hiyaw ni Maki, kasalukuyan nanaming tinatahak ang matataas na damo papunta sa Circus na'yon.

Bale si Maki ang nauuna samin habang hawak n'ya ang flashlight, mabuti nalang may mga suot kaming jacket dahil sa tingin ko sobrang kati ng mga damo na'to sa katawan.

Habang papalapit kami ng papalapit, lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Shit, what's wrong with me?

“Bakit, Bea? ” Nagtatakhang tanong ni Heysel, napansin n'ya siguro na huminto ako sa paglalakad.

“Wag na tayong tumuloy. ” Mahinang usal ko, Napatigil din sila Patricia sa paglalakad atsaka napalingon sakin.

“Inatake ka nanaman ng kaartehan mo, Bea. ” Asik ni Patricia sakin, pero hindi ko s'ya pinansin.

Dahil may biglang umalingawngaw na ingay sa paligid, tingin ko galing 'yon sa Circus. Parang tunog ng pagtatanghal, kaya mas lalo silang naengganyo na pumunta.

“Damn, let's go. ” Bored na sabat ni Hydro, wala na akong ibang nagawa kundi ang magpatangay sakanila.

Isang oras na ang lumipas pero hindi parin sila napapagod sa pagsasaya dito, iba't-ibang klase ng mga pagtatanghal ang makikita mo dito sa loob. There are also acrobats, trained animals, and of course those freakin weird clowns.

Kung sila nagagawa nilang magsaya pwes ako hindi, nakakapagtaka kase noong unang pasok namin dito may malaki at mataas na gate na nagsisilbing entrance at exit nila tapos may big old man clown na nagbabantay ang weird lang kase he's holding an ax. So, what is the purpose of that ax?

“Bea? ”

Those freakin weird clowns keeps on bugging me, para ang nanlilisik yung mga mata nila. Or it is just my hallucination?

Book Of Thrillers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon