Karaniwang nagaganap sa buong maghapon...
Gigising ng 6:00am pero babangon ng 7:00 dahil isang oras pang gugulong gulong sa higaan. Kung may magandang napanaginipan, pipiliting matulog ulit at baka sakaling mabalikan, tapos magmamadali kapag 7:30 na, call time kasi yun, dapat nasa opsina ka na kapag 7:30. Nasa memo yun. Malapit lang ang pinagtratrabahuhan kaya ayos lang kahit 10 minutes na lang bago mag 7:30 umalis sa bahay. Morning rituals - Mumog, toothbrush, jingle sa umaga pagkagising, kape/milo depende kung ano ang meron at minsan may kasamang noodles at tinapay, minsan wala dahil late na... tsk.
Pagdating sa office, log-in. Diretso sa harapan ng computer kapag may tinatype, kapag wala, naghahanap ng kasamang staff at makikipag kwentuhan. Mas madalas yung nakaharap sa computer dahil maraming mga files na dapat gawin. Boot ang computer, hintay sandali. Pag naka boot na, papaandarin ang MS word, notepad, saka itunes para may music na background. Ayos, sound trip habang nag-tratrabaho - cool.
Ang MS word para sa mga official documents, ang notepad, dyan ako nagtytype ng mga kung anu-anong kagaya nito.
Type, type, type, type, isip kung tama ang grammar, delete, delete, delete, type, type, type, titignan kung may typographical error, delete ang mga mali, revise, revise, type type, type, magsasawa ng konti, titignan ang playlist, mag-iiba ng mga kanta. Isip, alt+tab sa note pad. Type, type type, type, basa, basa, basa. Buburahin ang mga corny na jokes, buburahin lahat dahil pangit, isip, isip, isip. Magbabasa ng reader's digest, titigan ang monitor ng five minutes... Type, type, type, tawa. tapos makakaramdam ng gutom. tsk 10am na pala, merienda time.
Pupunta ng canteen, ang paborito kong merienda eh yung arroz caldo na may kasamang itlog, ska sapin-sapin. Minsan may kape, madalas juice. Dadalin ang pag-kain sa harap ng computer, titignan kung alin sa mga files ang urgent at dapat mai-print na sa araw na iyon. Kain habang nag-babasa ng mga documents, subo, basa, subo, basa, basa, basa. ubos ang pag-kain. Dadating yung ibang staff, mang-gugulo, jokes na walang katuturan, mga tanong kung papaano ipapasok sa ref ang elepante in three steps, tawanan. Kwentuhan ng embarassing moments, tawa, tawa, kwento, kwento, may maiisip na isulat dahil sa mga kwento ng kaibigan, alisan na sila sa office dahil tapos na ang break time. Balik ulit sa harap ng monitor. Type ng mga documents, proof read, print. Tapos na... Game na ulit sa notepad.
Mag-isisip, type, type, type, babasahin, hindi makukuntento, revise, revise, revise, parang may kulang... Mag-iisip ng idadagdag, isip, isip, isip. Type, type, type, isip, type, isip type. May darating na mag-dadagdag ng mga itatype. Tatanungin ko kung kelan ang deadline, pag urgent, alt+tab, pag hindi, patuloy sa pag-gawa ng mga wala.
Lunch na. Pupunta ulit ng cafeteria, mag-hahanap ng ulam, mag-iisip ng 5 minutes, oorder ng pag-kain, pili lang sa ulam - isang tamarind-based (sinigang, nilaga, basta maasim ang sabaw), isang tomato-based (afritada, menudo, kulay pula ang sabaw na malapot) or pinirito (alam mo na yan di ko na kailangang i-explain). Kain, lumilipad ang isip, kain, makikipag kwentuhan sa ibang staff habang kumakain, biruan, biruan, kain, kain, asaran, asaran, isip, isip, kain, subo, kain, nguya, isip. tapos na ang lunch break, haharap ulit sa computer.
Sa harap ng computer, type ulit ng documents, print, print, ilalagay sa brown envelope or sa folder, type, type, type, print, print, print, papapirmahan sa boss, papapirmahan sa kung sinu-sino. Tapos print ulit, haharap ulit sa notepad, merienda, kain, merienda, type, type,type. Maiisipang mag-facebook. Naka ban ang facebook, di ma open, bad trip. Maiisip na ako ang gumawa ng security system, konting adjustment sa settings, ayos, facebook na. hehehehehe.
Sa facebook, log-in, titignan kung may bumasa ng mga sinulat previously, wala, request sa mga games, di papansinin, titignan ang mga gustong mag-add. Uyy kilala, add, sino 'tong taong 'to, di kilala, ignore. Pupunta sa page ni *ehem* titignan kung ano ang bago sa kanya, wala naman, punta sa notes, post ang bagong katha, babasahin kung may typo. Ok na, log-out, ibabalik ang security settings, biglang may sisigaw sa likod na ibalik muna sandali ang facebook dahil mag-lolog-out din sila, tangal ang security setting, balik pag-naka log-out na lahat, ayos, di nahuli ng boss. hehehehehe.
Papatayin ang oras, darating ang 5:00pm, log-out sa may guard, babay sa mga co-staff, uuwi muna ng bahay, check attendance, mano, mano, kiss, kiss, kamustahan, isip, isip. Lalabas ng bahay, pupunta sa kaibigan, isip, isip, isip sa daan. PAg-may naisip, makikigamit ng computer ng kakilala. Type-type-type. Facebook, log-in post ng notes, bago mag log-out bibisita ulit sa page ni *ehem*. Tititigan ang profile ng 5 minutes. Log-out.
Uuwi ng bahay ng 12:00mn, tulog, bukas simula ulit sa umpisa.