mapeh book ni crush

352 3 2
                                    


bakit ganon, may crush ka pero di ka naman crush. pero ang mas masakit, crush ko sya at nakarating sa kanya yung balita, kaso.. hindi nya ako kilala (ToT) ang sakit diba?

sabi nila, masungit daw sya, minsan snob. pero matalino. tahimik, matino, at hindi nagpapaimpluwensya sa mga kalalakihan. simple. ilan sa mga characteristics na hanap ko sa lalaki.

kelan kaya nya ako makikilala?

kelan kami magkakaroon ng chance na magusap?

kelan nya kaya ako ngingitian man lang?

magmo-move on na ba ako?

o

ipapagpatuloy ko lang.

yun naman yung point na pagkaka crush diba, yung gustuhin mo sya kahit alam mong wala kang pag asa.

crush lang naman eh. normal. hindi mapipigilan.

-------KRIIIIIIIIIING!!------------

MY POV

maghahapit pa akooooo! (>y<)

kakatapos lang ng Ap namen at kahit lunch time na, hindi na naman ako makakakain.

pano ba naman kase, late na nga kami pinapauwi, sangkatutak ng assignments pa ibibigay.

sige nga, nasan ang hustisya?! hustisya ang kailangan ko, hustisyaaa!! (≧∇≦)/

uyy, nag aral na kayo sa mapeh?

ayan na naman mga kaklase ko, nagkakandarapa sa mga hahapitin.

wait lang.

.

.

.

.

.

.
may quiz tayo sa Mapeh?!

grabe, hindi ako aware.

oo, diba tapos na discussion? halaaaaa. omaygash.

Yella! review tayo sa mapeh. aya saken ni domeng.

Wait lang, manghihiram ako ng book sa ibang sections. habang hila ko si domeng.

psssst!

tawag ko kay kathy. paghihiraman ko ng libro.

habang naglalakad sya in slow motion, bigla nalang nagsalita si domeng.

kuya, kuya, may mapeh book po kayo? pwede makahiram?

omaygash. si crush yun. si crush yung hiniraman nya ng book.

ayan, yella. hiniram na kita ng libro. ang bait kong kaibigan noh, sa kanya talaga ako nanghiram. (^.^)

kung alam mo lang domeng, masyado akong kinikilig ngayon.

dahil book to ni crush, ayun. ginanahan akong magreview.

iba talaga pag si crush na pinagusapan.

at dahil nga inspired..

perfect ako sa quiz! ヽ(^。^)丿 wooot!

all things must come to an end. hindi forever, nasaken ang book ni crush. kailngan ko nang ibalik. kaya ko to.

yanna! tawag ko sa friend ko na ka section nya. patawag si @#£%, book nya to.

at dahil supportive sya..

@#£%! @#£%! may naghahanap sayo! anlaaa, isigaw daw ba, pinagtinginan tuloy kame.

ayan na. lalapit na sya. ngingiti ba ako? anong sasabihin ko? papahalata ba ako o act normal?

yaaaaan na.  

kuya, eto po. salamat. :)))))

whoooo. nakaraos.

you're welcome. :)

omaygash. omaygash. nag smile sya. nag smile syaaaa, sakeeeen!

dahil naiwan ko ang book ko sa mapeh, dahil may quiz kame at dahil kelangan ko talaga ng libro,

nagkaroon kame ng convo ni crush, nakita ako ni crush,

nginitian ako ni crush.

at..

nangyari yun lahat dahil sa,



Mapeh book ni crush.  <3

~~~~~~~~~~~~END~~~~~~~~~~~~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mapeh book ni crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon