2

198K 4.6K 1.4K
                                    

Riana POV

"So how's your day?" Tanong ni Skyler habang abala ako sa pagkain ng dala nyang ice cream. 

Ngumiti ako. "Okay naman. Lalo na ngayon, may ice cream na! Thank you Skyler."

"Tch. Spoiled brat."

Nag-pout ako. "Sa'yo lang naman ako spoiled eh."

"Tch. Stop pouting."

Why? Everytime na magpa-pout ako, naiinis si Skyler. Wag daw akong mag-pout. Nakaka-panget ba yun?

"Psh. Ang sungit mo talaga." Sabi ko. Sinasabi ko lang yan, pero sanay naman na ako. Seryosong tao kase si Skyler. 

Tumabi siya saken. Dito kase ako nakaupo sa couch sa kwarto ko. Then siya, sa single couch. Si Skyler pa nga lang ang lalaking nakakatambay dito sa kwarto ko maliban sa Daddy ko. Okay lang kina Mommy kase may tiwala naman sila kay Skyler. 

"Uubusin mo ba 'yang ice cream? One liter yan." Tanong nya. 

Tumango ako. "Oo! Kulang pa nga 'to eh." Sabi ko. I don't know. Sobrang adik talaga ako sa ice cream eh. 

"Tch. Addict."

Haha. Skyler is so cute kapag nagsusungit. Lalo ko tuloy syang nagiging crush. 

Napatingin ako sa mukha niya. Nasa tabi ko na kase siya. Diko alam pero napatitig ako. 

Yung mga mata niya. Almond shape na kulay brown. Yung matangos niyang ilong. Yung manipis niyang lips. Yung makinis at maputi nyang mukha.

Ang gwapo gwapo talga nitong si Skyler. Almost perfect sya pagdating sa physical appearance. Ang ganda din ng built ng katawan niya. Binatang-binata na. 

O_O

Hindi ko napansin na unti-unti ring lumalapit ang mukha ni Skyler sa'ken. Hala, hala! Napalunok ako. Hahalikan ba nya ako? Eh bakit parang pakiramdam ko okay lang saken kung halikan nya ako? Hindi ako makagalaw eh. Nakatingin lang ako sa kanya. 

Ayan na..

Okay lang ba talaga sa'ken? Hindi tumututol ang sarili ko. Sheez!pag nagkataon, siya ang first kiss ko. Shemay!

O___O

His lips..

Napakalambot ng labi ni Skyler na ngayo'y nakalapat sa labi ko. Nanlaki ang mata ko. The feeling..

Now, his lips is moving. I can't resist it. Para yung nag-aanyaya na hindi mo matatanggihan. I respond to his kiss. Wala akong alam sa paghalik. This is my first time. Sinasabayan ko lang ang way ng paggalaw ng labi niya. Napapikit ako na parang dinadama ko ang bawat galaw ng labi nya. 

Dream LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon