Hanggang tingin na lang ba? (One-Shot)

225 11 0
                                    

Troy Mikko Mendoza.

First year college ako ng una ko siyang makita. Nakuha na niya agad ang atensiyon ko. First day of school kasi noon, at naglalakad ako sa hallway ng campus papunta sa HRM Department. Nakita ko siyang naglalakad lakad at patingin tingin sa paligid na para bang hindi niya alam kung saang way siya unang pupunta. Siguro hinahanap niya yung room ng subject niya. Nakatingin lang ako sakanya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Pagkatapos ng araw na yun, hindi na siya mawala sa isip ko. Yung ordinaryong estudyante, simpleng babae na naliligaw sa unang araw ng klase. Nanghinayang ako, sana pala nilapitan ko siya at nang alok ng tulong.

Lumipas ang isang linggo, hindi ko na ulit nakita yung babae na yun. Inisip ko na lang na baka nagtanong lang siya ng impormasyon tungkol sa mga kurso at hindi siya natuloy na dito mag'enroll. Pero isang araw, lunes, nakita ko siya ulit at hindi ko inaasahang makikita ko siya ulit at magkaklase pa kamki sa isa sa mga minor subject ko. Natuwa ako dahil unang pasok pa lang namin ngayon, kaya kailangan muna naming magpakilala sa harap ng klase, may pagkakataon akong makilala siya. Ng siya na ang nakatayo sa harapan, hindi ko maiwasang mapatitig lang sakanya, kasabay ng pagbabago ng nararamdaman ko. Tanging pangalan at kurso lang ang naiwan sa isip ko sa mga sinabi niya.

Cyrene Villacruz. Tourism student. Ang ganda ng pangalan niya, bagay na bagay sa napakasimple niyang mukha. Pareho lang din kami ng Department, dito kasi sa school, ang HRM at Tourism iisa lang ang department pero hindi lahat ng subject namin magkapareho tanging minor subject lang.

.

.

Natapos ang buong semester, nanatili lang akong hanggang tingin sakanya. Nagkakausap kami, madalang, at lagi lang tungkol sa subject namin.

Pangalawang semester, hindi ko siya naging kaklase kaya mas naging madalang ko na lang siyang makita dahil nalaman kong pang'hapon pala ang pasok niya at ako ay pang'umaga. Magkasalungat kami, pero bago ako umuwi inaabangan ko muna lagi ang pag pasok niya. Kapag nakita ko na siyang pumasok sa gate, hinahatid ko pa siya hanggang sa room niya ng hindu niya nalalaman o nahahalata manlang. Nakasunod lang ako sakanya sa malayo, hanggang tingin lang.

Natapos ang buong pangalawang semester ng ganoon lang ang routine ko. Hanggang tingin lang sakanya sa malayo, hindi ko naman kasi alam kung paano ko siyang lalapitan at kakausapin. Ano naman din ang maaari kong sabihin sakanya?

.

.

Isang linggo na lang at magpapasukan na para sa second year college, nagpunta ako sa campus para makapag'enroll at makuha na ang schrdule ko. Ng nakapila na ko sa mga enrollees, nakita ko na siya sa wakas. Nagdaan siya sa harap ko at kinausap ang secretary ng department namin, pagkatapos pinapili siya sa pila naming mag'eenroll. Kasabay ko siya, ibig sabihin malaki ang tyansang maging kaklase ko ulit siya sa ibang subjects ko.

Ng makatapos akong magbayad, nagpunta ako sa tapat ng office para kunin ang schedule ng mga subject ko. Habang nagsusulat ako, may lumapit sakin para magtanong.

"Kuya excuse me, dito ba yung schedule ng subject para sa Western Cuisine at Personal Hygeine?"

Ng tumingin ako sakanya, hindi ako makapaniwalang siya ang nasa harapan ko ngayon, nakangiti. Si Cyrene. Ang ganda niya talaga, ang simple ng mukha niya at ng ayos niya.

"Oo dito nga. Ayan yung mga oras na pagpipilian mo, kung saan hindi ka magiging komplikado sa ibang subjects mo."

Hanggang tingin na lang ba? (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon