REIGN's POV
PABILLLLLLEEEEEEEEEEH PABILEEEEEEEEH PABILLLLEEEEEEEH sigaw ng isang isang batang customer sa aming tindahan
Di kagaya ng pampagising ng karamihan na alarm clock at tilaok ng manok
Maliban sa sipa ng aking mga kapatid, Pagkatok ni Mader earth sa pintuan at Mga Sigaw ng customer sa aming tindahan ang nagpapagising sa akin kung minsan sa umaga
PABILEEEEEH PABILEEEEEEEEH hindi parin tumitigil na tilaok ng isang bata
Magmumuni muni sana ako nang-
REIGGGGGGGGNAAAAAAAAAA sigaw ng aking mader earth na ata ay nasa banyo
REIGGGGGGN BIGYAN MO MUNA YUNG NABILI dagdag pa nya
Kaya naman kahit tinatamad pa akong bumangon e tumayo na ako sa aking kinahihimlayan ( parang patay lang ah )
Kaya naman kahit may muta muta pa sa aking mata ay dahan dahang bumaba sa Hagdanan at umikot ikot pa ako kada baba ko ng baytang upang mafeel ko naman ang pagpunta sa tindahan
PABILLLLLLEEEEEEH PABILLLLEEEEHHH
Binilisan ko na ang paglalakad dahil nainis narin ako
ANOOOOOOOOOOOOO ANOOOOOO ANOOOOOOO medyo mahina kong sigaw ko sa customer syempre di ko pwedeng sigawan ng malakas dahil baka marinig ako ni Mader Earth
Hindi ko alam pero parang natigilan yung batang sumisigaw kanina
Napangiti naman ako dahil paniguradong natakot to sakin
Isang it-log at No- odles lang - putol putol nyang sabi
Binigay na nya sakin ang bayad at binigay ko na ang binibili nya ngunit bago ko sya suklian sa bayad nya ay napansin kong medyo hindi sya humihinga kapag nagsasalita ako
Okay ka lang - Tanong ko
Tumango lang sya at umalis na
Grabe naman yun, Pumasok na ako sa kusina para magtoothbrush ng kauntian
Siguro kaya hindi masyado humihibga yung bata kanina nabahuan siguro sa hininga ko,
YEAH
maya maya ay lumabas na rin si Mader earth sa banyo
KUMAIN KA NA DYAN AT PAGKATAPOS AY MALIGO KA NA DAHIL BAKA MAWALAN PA NG TUBIG - utos ni Mader Earth
Pagbuklat ko ng ulam ay agad na bumungad sa akin ang paborito kong Pritong manok
Napakain ako ng Tatlong damak
Naisipan ko na masarap ang kape sa umaga
Tumayo na ako para magtimpla sana ng kape
Pero naalala ko baka pag nagtimpla ako ng Kape tanungin na naman ako ni Daniel Padilla kung para kanino ako bumabangon e tinatamad akong sabihin na bumabangon ako para pumasok sa Persday of Skul bilang Junior Hayskul student
Kaya naupo nalang ako at napagpasyahang tubig nalang ang aking iinomin
Pagkatapos kung kumain ay naligo na din ako kaya naman six palang ng umaga ay ready na akong pumasok
Dahil masyado lang maagap 30 minutes din akong nagpalakad lakad sa aming bahay,
Maya maya ay napagpasyahan ko nang maglakad para pumunta na sa school
Dali dali akong naglakad dahil na eexcite ako pero nung malapit na sa school kalmado at sobrang bagal ko na maglakad para hindi halatang eksayted
Pagpasok ko sa Gate ay nakita ko agad ang mgaNagkukumpulang mga istudyante nakita kong isang kumpol Siraulong siga na sina Joebilbilyn at ang kanyang mga kabarkadang mukang siraulo din syempre
Maya maya ay dumating na din sina Joybert at sumunod sina Imelinduh nagsidatingan na din ang ibang mga studyante yung iba ay nagkukumustahan yung iba ay solo lang
Habang inililibot ko ang aking mga mata ay nakita pumasok sa gate ang isang maputi, Gwapo at MAAATABANG LALAKI
Hindi ko alam pero lumabas ang kakirihan kong taglay
ANKYUUUTTT NYAAAA - napabulong nalang ako sa sarili ko
--------------
DI PA AKO MASYADO MAALAM MAGSULAT NG KWEEEENTO