Heart Arithmias bigla biglang hihinto yung heart beat mo, tapos hindi ka pwede maging sobrang saya at malungkot dahil ikakamatay mo ito.
"Hays! Ayokong isipin yan.. Please, kung mamamatay lang rin naman pala ako.. Let me be Happy.." bakit pakiramdam ko.. Ang sama sama ng mundo sakin? Bakit sa lahat ng tao, ako pa yung may ganto? Ang sakit.
Umiling iling muna ako ng ilang beses bago ako tumayo at dumiretso sa banyo ng kwarto ko sa hospital. Ilang araw? Buwan? na ba kong nandito? Magiisang buwan na ata.. Arrgh!
"Self! Be positive"
"Khalisse? Anak! Jusko namang batang to.. Anak? Ano ka ba naman, halika nga rito! Dali!" agad agad akong dumalo kay Nay Pileng ng makita ko siya
"Jusko po! Anak.. Tahan na anak, wag ng umiyak" pagpapatahan pa nito saken pero sadyang matigas ang ulo ko at ng mga luha ko, tuloy tuloy padin sila sa pagbagsak.
"Nay Pileng.. Mamamatay na ho ba ko?" humihikbing tanong ko kay nay pileng na siyang nagpatigil bigla sakanya, dahil dun mas lalo akong naiyak
"Nakong bata ka talaga, syempre hindi! Mahal ka ng diyos iha. Tandaan mo yan"
Mahal nga ba? Arrgh! Erase. Be Positive Khalisse!
"Nay.. Lalabas lang ho ako, magpapahangin" pagpapaalam ko kay Nay Pineng
"Iha, hindi ka pa pwedeng lumabas ng hospital diba?" halata sa mukha niya ang pagtutol pero mas nanaig padin ang kagustuhan kong mapagisa..
"Nay! Promise sa rooftop lang po ako" di ko na siya hinintay pang sumagot at dali dali na kong tumakbo palabas.
Hays. Lord, please.. save me. Sa totoo lang, hindi man ako yung tipong 'banal' pero naniniwala ako sa'kanya. Kase kung wala siya, wala rin tayo. I do believe in God and his words! At yan ang hinding hindi ko ikakahiya. Itong sakit kong to? Pag--
"Ouch!"
"Ano ba?!"
Sabay kaming nagkatinginan nung lalaking bumangga sa'akin. Wtf?! Wala man lang sorry?
"Ano na? Wala man lang sorry dyan? Wow ah"
"Kapal mo, ikaw tong hindi tumitingin sa dinadaanan mo ako pa magsosorry sayo? Manigas ka!" pagtapos niya kong sigawan aba't nag walkout pa! Bakla!
At dahil nawala na ko sa mood, bumalik nalang ako sa kwarto ko. Pero kung minamalas ka nga naman..
"Oh? Babae! Sinusundan mo ba ko? Alam ko namang gandang lalaki ako, pero masyado ka naman atang mabilis mahulog saken, babae" may pagkindat pang nalalaman yung lalaking bumangga sa'akin kanina. Yuck!
"Fyi lalaki! Ang pangit pangit mo! Ganda mong itapon! Grr" sigaw ko sakanya sabay walkout. Syempre ako din may pawalkout. Well?
"Wala kang originality! Gaya gaya!" sigaw niya pa saken kahit na nakalayo na ko. Aba't hinahamon talaga ko ng unggoy na to?!
Agad agad ako tumakbo palapit sakanya sabah sakay ko sa likuran niya with matching hila pa sa buhok niya. Asarin mo na lahat! Wag lang ako grr.
"Arrgh! Ang pangit pangit mong unggoy ka!!"
"Ahh! Ano ba babae! Bitawan mo nga ko!"
"Manigas ka!"
"Ahh! Sabing bitawan mo k---"
"Santa Maria, Santisima, Juskoday! Khalisse Zymon! Isaiah James! Itigil nyo yan!" bigla tuloy akong napahinto at napababa dahil sa sigaw ni Dr. Yap geez.. Lagot kami ne'to
--------
Plagiarism is a crime
Thank you for reading this!phoebiams
©Work by Imagination