casithediyosa: My gosh kinilig ako grabe, nakita kita kanina! Grabe ang pogi-pogi mo talaga, kainis ka lalo tuloy akong nahuhulog sa'yo. Mag Hi ka kasi, ikaw naman kasi My love. Ba't ayaw mo ba kasing mag hi?
Pagkatapos kong mapanood si Jhackier sa T.V ay agad kong kinuha ang Cellphone ko at dali dali akong nagtype para mai-message ang lalaking pinakamamahal ko. Oo! Siya ang lalaking pinakamamahal ko bukod kay Papa. E sa baliw na baliw ako sa kaniya e.
Sa sobrang baliw ko nga sa kaniya ay hindi puwedeng matapos ang araw na hindi ako nag-iiwan ng mensahe sa instagram niya. Sa Tuwing gigising ako sa umaga ay agad na mensahe ang ibinibigay ko sa kaniya. Ganoon ako kabaliw sa kaniya.
casithediyosa: Susuko na ba ako? Ayaw mo kasi akong pansinin e, naiiyak tuloy ako. Pero syempre joke lang, hindi ako susuko! Kahit kailan hindi ako susuko. Love kasi kita e.
Sa apat na taon kong ginagawa 'to ngayon pa ba ako mapapagod? Nah! Never!
Kahit pumuti pa ang buhok ko ay hinding-hindi ako mapapagod mag-iwan ng message sa kaniya, wala akong pake kahit hindi siya magreply ang mahalaga ay mahal ko siya.
casithediyosa: My love naman, may' galit ka ba sa akin? Kung meron please 'wag ka nang magalit My love. Ilang taon na ako naghihintay ng reply sa napakarami kong message sa'yo, pero okay lang, handa akong maghintay kasi love kita.
Naloloka rin ako sa kaartehan ko sa tuwing nagbibigay ako ng mensahe sa kaniya, syempre kailangan lubos lubusin ko na dahil hindi naman niya binabasa kaya mag-iinarte ako na para bang ako ang girlfriend niya na hindi niya nire-replyan.
Hindi ko alam pero sa tuwing nagbibigay ako ng message sa kaniya sa instagram ay sobrang kinikilig ako. Paano pa kaya kung nagreply talaga siya? Baka himatayin siguro ako kapag nangyari 'yon, ay baka nga mamatay ako sa kilig
Lumipas pa ang mga araw kahit kailan hindi nabago ang araw-araw kong gawain ang pag message sa kaniya kada minuto. Kahit pa hindi ako napili sa masuwerteng big fan niya.
casithediyosa: My loves? Bakit hindi ako nakuha sa tatlong masuwerteng big fan mo? Bakit hindi ako napili? bakit ganoon naman Jhackier My Love? Alam kong malabo na mapili nga ako dahil sa napakarami mong tagahanga pero kasi nakakainggit. Umiiyak ako ngayon, pakiramdam ko para akong na heart broken.
casithediyosa: Sobrang nakakapanlumo gumising araw-araw, limang araw na lang mame-meet ka na nila, paniguradong mas lalo akong maiiyak kapag nakita kitang kasama ang mga tatlo sa fans mo. Oo para akong tanga dahil tatlong araw na akong umiiyak . Bakit kasi di ako napili?
Bawat message ko sa kaniya ay totoo, ilang araw na akong umiiyak kasi gustong-gusto ko na siyang makita sa personal, bawat message ko rin sa kaniya ay kahit papaano nakakagaan sa loob kasi may' napapagsabihan ako ng nararamdaman ko, hindi ko naman kasi masabi sa best friend kong si Daira kung gaano ako kalungkot kasi hindi niya ako maiintindihan lalo na't hindi naman siya fan girl tulad ko.
Final na ba talaga? Wala na ba talaga akong pag-asa masama sa isa sa Big fan niya? Hindi naman kasi ako basta big fan e, super duper ultra mega Fan ako ni Jhackier My Love. Bakit naman kasi ganoon? Hindi ba halatang fan ako ni Jhackier My love? Oo nga naman mukha kasi akong GirlFriend ng isang Jhackier Krozt.
casithediyosa: Jhackier My love, ano na? Wala ba talaga akong pag-asa makita ka sa personal? Sa 4 years ko bilang fan girl mo ay hindi pa rin kita nakikita kahit isang beses. Sila Mama at Papa kasi noon hindi nila ako pinapayagan pumunta sa mga mall show mo, kainis porket maganda ako masiyado nila akong iniingatan. Nakakaiyak 'di ba? Pero ngayon 21 na ako, pinapayagan na nila ako kaya lang ikaw naman 'tong hindi na nag kakaroon ng Mall tour. Nakakainis lang, tapos ngayong nagka special fan day ka hindi mo manlang ako napili sa isa sa big fan mo. Grabe ang buhay ko, pakiramdam ko tuloy ang malas-malas ko. Maghihintay na lang 'uli ako sa iba pang pagkakataon, sana makita kita sa personal kahit isang minuto lang, Jhackier. Lagi kong pinagdadasal 'yan at sana matupad.
Napanguso na lamang ako na parang isang bata matapos kong masabi lahat ng hinanakit na nararamdaman ko. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko napakahaba tuloy ng naisabi ko sa kaniya. As if naman na mapapansin niya? Wala rin. Sobrang nasasaktan lang talaga ako.
"Casi! Ano ka bang bata ka? Sabi ko ibaba mo ang dustpan."
Isa pa 'to si Mama, nakikigulo sa pagluluksa ko.
Napagsiyahan ko na lamang na sundin ang utos ni Mama, baka sakali rin na makalimutan ko kahit saglit ang sakit na nararamdaman ko.
Makalipas ang dalawang oras ay bigla akong nakareceive ako ng message sa isang tao, akala ko kung sino lamang na hampaslupa ang nag message sa akin, pero mali ako. Hindi siya hampaslupa dahil isa siyang anghel na itinadhana para sa akin. Hindi naman siguro ako na nanaginip? Bigla na lamang akong napasigaw
"KILL ME GOD! KILL ME!"
jhackkrozt: I'm sorry for my late response. Your wish is my command.
![](https://img.wattpad.com/cover/181591113-288-k994413.jpg)
YOU ARE READING
Im just a Fan
RandomAng lalaking sikat sa industriya ay maari bang magkagusto sa sa isang normal na babaeng tagahanga niya? Maari bang magkatotoo na ang akala ng lahat ay hanggang pangarap na lamang ? Maari bang matupad ang isang storya na akala ng lahat ay sa mga tel...