Free Taste

2.2K 15 7
                                    

Preview:

They all, including Caylene, laughed when a loser Vanjo entered the store. Nagkakape sila sa isang 24-hour convenience store dahil kagagaling lang nila sa isang bar. It was already three in the morning. Pero hilo pa rin yata ang mga kasama niya 'cause they were having a 'bet for dare' game.

"Damn that woman," Vanjo hissed, clutching his crotch.

"Sabi ko sa inyo, eh! Di niya magagawa 'yun!" Said a laughing Anya.

"Nagawa ko naman, ah! Nalapitan ko siya at nahalikan. She even bite my lips, look!" Parang batang nagsusumbong si Vanjo at ipinakita ang kanyang namamaga nang labi. "Iyon nga lang, she kicked my buddy. I swear ha-hunting-in ko 'yung babaeng 'yun pag naapektuhan ang performance ko!"

Natawa siya kay Vanjo at napailing. She was really glad having these kind of friends. Kahit pa sabihin ng ibang masyado itong mga liberated, sa kanila niya nakita ang kabaitang hinahanap sa isang kaibigan.

Anya rolled her eyes. "Nagawa mo nga, di ka naman pinatulan! What a shame!"

"So..." kakamot-kamot na usal ni Vanjo. "I just lost my bike?"

Tumango si Anya nang pangisi-ngisi. "Aside from that, I have to dare you again."

"Again?"

"Oo! It takes two for a loser, remember?"

"Shit naman talaga, oh!" Vanjo sighed in frustration. "Ano na'ng dare ko?"

"Kiss me -"

Walang sabi-sabing hinalikan ni Vanjo si Anya. Ni hindi na nga nito pinatapos pang magsalita ang dalaga. And no, you're wrong. They don't have any romantic attachment.

Vanjo held Anya's nape to deepen the kiss.

Napaiwas siya ng tingin nang magsimulang tugunin ni Anya ang halik na iyon.

She heard Vanjo chuckled. Humiwalay na pala ito kay Anya. "You just kissed me back, An. Nasa usapan ba iyon?"

"Damn you, Vanj!" Anya started licking her lips. Wari bang sinisimot pa nito ang natirang bakas ng maikling sandaling iyon. "Ready for the second bet for dare? 500,000 pesos ang nakataya, ha."

Kinabahan siya. Its her turn. Hindi siya kinakabahan dahil sa maaaring ipagawa ng mga ito sa kanya. Sure, she can kiss Vanjo, Jared, Jef, or Chad. It would be an easy task for her. But... 500,000 pesos was no joke for her. She can't lose! Luging-lugi na ang kumpanya nila!

"O-Okay, I'm ready." Palihim siyang tumingin sa labas. Ano kaya ang ipapagawa ng mga ito sa kanya? Wala siyang nakikitang dumadaan dahil nga madaling araw na.

Anya wickedly smiled at her.

Napalunok siya.

"See that guy?" Tinuro nito ang lalake sa counter ng convenience store. "Make him your dominant for three months."

Fais Moi L'Amour (Make Love To Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon