Napatigil sa paglalaro ang tatlong bata nang marinig nila ang tunog ng kampana — hudyat na may paparating na mga kalaban.
"Ang sabi ni ina sa akin kapag daw tumunog ang kampana ay pumasok daw tayo sa loob." Sambit ng pinaka-batang babae na nakatingin sa dalawang kalaro na ngayon ay nakatayo na.
Agad na nagtungo ang tatlo sa pasilyo patungo sa kani-kanilang silid upang doon sana tapusin ang kanilang larong bahay-bahayan ngunit hindi pa nila nararating ang kanilang paroroonan ay agad na may bumungad sa kanilang mga tagapaglingkod at ilang mga kawal.
"Ipinag-uutos po ng mahal na reyna ang inyong pagpunta sa kaniyang silid" nakayuko na sabi ng isang tagapaglingkod.
Nagkatinginan ang dalawang bata na nasa harapan habang ang isa ay nakasunod lamang. Batay sa kanilang obserbasyon ay batid nilang hindi maganda ang nangyayari sa labas dahil sa pagpapatawag ng inang reyna sa kanila. Tiningnan ng nakakatandang babae ang kanilang kalaro na parang walang alam sa nangyayari.
"Leia, pumunta ka nalang muna sa iyong silid. Pupuntahan naman din namin ang inang reyna. Magkita nalang tayo mamaya."
"Opo mahal na prinsesa" tugon ng batang babae at yumuko sa magkapatid na nasa harap.
"Halika Leia sasamahan na kita" alok ng isang tagapaglingkod sa bata. Lumingon muna ang bata sa dalawa bago tuluyang sumama sa tagapaglingkod.
"Mauna na po kami kamahalan" yumuko ito at sila'y umalis na.
"Halika na?" saad naman ng kaniyang kapatid sa batang babae at tinungo na nila ang kahabaan ng pasilyo upang marating ang silid ng reyna.
****
"Mahal na hari nasira na po ng mga kalaban ang depensa sa dako ng bulwagan. Hindi po magtatagal ay mapapasok na nila ang loob ng palasyo." Mahinahon ngunit natatatarantang sambit ng kakarating lamang na kawal galing sa labas ng silid sa lalaking nakatingin ngayon sa nangyayari sa ibaba ng balkonahe. Makikita sa kaniyang ekspresyon ang galit at pagkadismaya na tila ba alam niya na ito ay mangyayari ngunit ayaw niyang tanggapin.
"Sabihan ang lahat na maghanda! Magiging mahaba ang gabing ito."
"Opo, kamahalan" Hindi na nagdalawang-isip pa ang kawal at umalis na upang ipagsabi ang balita.
Hindi nagtagal ay dumating na naman ang isang kawal na humihingal pa galing sa pagtakbo.
"Kamahalan, masamang balita po" bungad nito sa hari na nagpalingon sa kaniyang kinaroroonan.
"At ano pa ang mas isasama maliban sa mga nangyayari ngayon?" galit ngunit kalmado niyang sabi.
"Natukoy na po namin kung sino ang pinuno sa kabilang panig at, hindi po namin inaakalang...." nakayukong wika ng kawal sa kanya.
"Sabihin mo, siya ba?"
Wala siyang natanggap na sagot mula sa kaniyang kausap kaya'y napabuntong hininga na lamang siya.
Umalis na ang hari sa balkonahe at binunot ang kaniyang espada mula sa kaniyang kalupkupan. Lumabas na sila ng silid at nagtungo sa baba upang sumali sa nagaganap na kaguluhan. Nakasalubong niya ang ilang kawal na nagbabantay sa loob ng palasyo, agad naman silang yumuko upang magbigay-galang sa papa-baba ng hagdan.
"KAYONG LAHAT, MAGHANDA! Magiging madugo ang ating labanan ngayong gabi."
****
"Bakit niyo po kami ipinatawag ina?" bungad ng batang babae pagpasok sa silid ng kanilang ina, at nang makita niya itong naka dungaw ngayon sa bintana. Nilingon ng reyna ang mga dumating at ipinag-utos ang mga bantay na iwan muna silang tatlo sa loob.
BINABASA MO ANG
Luna's Legacy: The Chronicles Of Fire And Sorcery Book I
FantasyEight years ago, a traitor of Saith declared war against the kingdom. The king was killed and the prince was kidnapped. Since that day, everything has changed. Without a proper ruler, chaos reign over the borders and crimes are evident. Next day wo...