LLU1: Panibagong Simula

14 4 1
                                    

"Angelo! Clarisse! Mga anak!" Masayang bungad sa amin ni mama pagkarating namin sa mansyon bandang alas seite ng Gabi.

"Kamusta kana anak?" tanong sa akin ni mama at niyakap ako na siyang ginantihan ko rin naman.

"Ok na po ako ma" saad ko sa kanya at nagsilay ng mapaklang ngiti.

"O siya, tara na sa loob at nakahanda na ang pagkain. Alam kong gutom na kayo. Manong sumabay na po kayo saamin." yaya ni mama at tinungo na namin ang dining room. Akala mo naman may piyesta sa dami ng nakahanda sa pagkahabahabang lamesa. Naka-upo narin sa lang iilang mga naka uniporme na kulay bughaw siguroy mga katulong.

"Magandang Gabi po" sabay na bati ng mga katulong na sinagot naman ni mama. Nagtungo narin kami sa mga bakanteng upuan samay unahan.

" Osiya kumain na tayo" Saad ni mama at nagsimula naring kumain ang lahat.

" Iha, ako nga pala si nanay Eli." Saad ng ginang sa aking tabi. "Ako ang mayordoma dito. Ako Rin ang unang nag-alaga diyan sa kuya mong pasaway." Patuloy niya at humalukipkip.

"Nanay naman eh. Siniraan niyo na naman po ang kasing gwapo ng mukha kong reputasyon." Maktol ni kuya. Masayahin talaga si kuya medyo  pasaway ngunit mabait naman.

"Tumahimik ka nga Angelo. Totoo naman ah. At tsaka gwapo? San banda makikita Yan?" Pangongontra ni mama Kay kuya habang tumatawa. Di maipagkakaila na malapit sila sa isat-isa.

"Mama eto po oh." Turo niya sa mukha niya. "Tong mukhang ito ang gwapo." Pangungumbinsi niya kay mama. Hindi ko mapigilang maalala si Papa. Papa's girl Kasi ako eh. Palagi kaming magaasaran at nagkakatuwaan ni Papa.  Kami lang kasi hindi naman masyadong maiimik Ang mga kapatid ko. Palagi nalng silang nakakulong sa kani-kanilang kwarto habang gumagamit ng gadgets o di kaya ay gumagagala kasama ang kani-kanilang mga barkada. Yung stepmother ko naman ay pumanaw na 3 years ago. Kaya kami nalang ni Papa Ang palaging magkasama.

"Clarisse, okay ka lang bah?" tanong ni mama na nakapagbalik sa akin sa katinuan.

"Ah, opo." Sagot ko at tinuloy Ang pagkain.

"Alam ba ng fiancee mo na dito kana timitira?" Tukoy ni mama kay CJ na inilingan ko naman.

"Alam mo Clarisse, hindi mo na kailangang ituloy iyon. Wala ka namang pananagutan sa Kompanya ng Papa mo. Sabihin mo lang nang magawan natin ng paraan." Noong nakaraang taon pa kami na engage ni Jino. Kababata-slash-bestfriend ko si Jino San Miguel anak nang business partner ni Papa. Nang magkaroon ng problema ang kompanya ni Papa dahil sa katangahang ginawa ni Kuya Stephen. Kaya't napilitang humiram si Papa ng malaking halaga kay Mr. San Miguel para maisalba ang shipping branch. Hindi pera ang nais na ipambayad ni Mr. San Miguel kundi Ang pagiisang dibdib namin ni Jino. Upang mas lumakas at lumago daw dahil sa pagmimerge ng dalawang kompanya. Wala pa kami sa hustong edad kaya't hindi pa kami kasado.

"Pag-iisipan ko ho." Naging malapit narin narin kami ni Jino at hindi maipagkakailang napamahal narin ito sa ka kanya. Si Jino ang naging tagapagtangol niya mula sa mga bully. Magkasama rin sila sa maraming bagay. Ilang taon narin akong nililigawan ni Jino kaya't hindi na masama kung maikasal sila.

"Oh sige. Bukas ng umaga sumama ka sa kuya mong magpaenroll sa paaralan sa bayan. Kung gusto mo magbonding na rin kayo ng kuya Angelo mo doon sa dalampasigan." Saad ni mama.

"Malalim na ang gabi na. Angelo dahil mo na si Clarisse sa kwarto niya at may aasikasuhin Lang ako." Saad ni mama at hinalikan ang noo ko ganun din kay kuya.

"Tara na." Yaya ni kuya. "Kanina kapa tahimik ah, eh sa pagkakaalam ko madaldal at masayahin ang kapatid kong dyosa mana sa kuya niyang Angel." Saad nito sabay hagikhik. Kinirot ko lang si kuya sa tagiliran at nagsimula nang umakyat nang hagdan. Wala lang talaga ako sa mood na mangulit ngayon. Namimis ko na kasi si Papa.

"Clar, dun ang kwarto mo pwede ba ikaw nalng ang pumunta doon at may tawag ako ng kalikasan." Saad niya na para bang namimilipit at hinalikan ako sa noo.

"O sige kuya Goodnight!" Pasigaw kong saad sa kanya at tinawanan siya.
Tinungo ko nalang ang silid sa bandang kaliwa. Bumungad sa akin ang pagkalaki-laking kwarto. Nude Ang kulay nito at may mga life size paintings at larawan na nakasabit sa dingding. Isa-isa kong sinuri ang mga larawan doon. Nasa unang larawan si Mama kasama ang isang sanggol, sa ibaba nitoy may nakasulat na Danica Bonifacio and her daughter Dianne Clarisse Bonifacio Gueverra. Sa pangalawa naman ay litrato ni kuya na naka amerikana at sa ilalim naman nakasulat na Denzel Angelo Bonifacio,  Son of Danica Bonifacio and Mark Lester Hidalgo. Aaminin ko may itsura si kuya. Matipuno, matangos na ilong, mga matang kulay kape kagaya kay Mama at katamtaman ang kulay. Ano kayang itsura ng tatay niya? Larawan ko naman ang makikita sa pangatlo. Kuha ito noong 16th birthday ko kung saan nakasout ako ng kulay pink na gown. May Dark blue na mata at features na hawig na hawig kay mama. Nakasulat sa ilalim na Dianne Clarisse Bonifacio Gueverra, Daughter of Danica Bonifacio and Samuel Gueverra.

Tinungo ko ang malaking salamin, one sided glass ito na katapat ng King size bed ko. At kitangkita dito garden ng mansyon. Umupo ako sa sahig at sinandal ang aking ulo sa salamin.
"Pa, kamusta kana po jan." Saad ko habang nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. "Bantayan niyo po ako palagi ha at gabayan niyo narin po. Sige ka pag di niyo ako binantayan baka anong mangyari sa Baby Princess niyo." Natatawa na talaga ako sa sarili kinakausap Ang mga bituin. Alam kong kahit hindi ko na siya nakikita ay mananatili parin siya sa puso't isip ko.

Tumayo na akot nagtungo sa Kama upang maidlip. Masyado nang malalim ang gabi't inaamtok na ako. Pabagsak akong humiga sa kama at hinayaan ang sariling malamon ng dilim.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Left Undone (Super Duper Ultra Megang Bagal Magupdate)Where stories live. Discover now