Laro

10 0 0
                                    

Unang Pagkikita

Hello po! Ako po si Trina at naglalaro kami nila Trixie ang bestfriend ko nagtatagu taguan kami at kasalukuyan kaming tumatakbo ngayon at lilipat kami dahil baka makita kami.

"Trina! Trina! Dali lumipat tayo baka makita na nila tayo dalian mong tumakbo."Sabi ni Trixie.

"Eto na! Saglit lang baka madapa ako." Sabi ko.

"Ano ba yan bata hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo nadungisan na tuloy ako." Sabi nung batang nakabangga ko.

"Hala sorry bata hindi ko sinasadya pasensya na talaga." Sabi ko.

"Mapapalitan ba yang sorry mo yung dungis sa akin ha lagot na tuloy ako sa mommy ko nito ikaw kase madungis na kaya okay lang na madumihan ka." Sabi nung batang nakabangga ko.

"Grabe ka naman kung magsalita nagsorry na nga ako eh kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko edi wag bahala ka na diyan." Sabi ko at tumakbo nalang.

Umuwi nalang ako sa bahay namin at napagalitan ako ni Mama dahil madungis nanaman akong umuwi.

"Ano ka ba namang bata ka ang dungis dungis mo nanaman! Diba ang sabi ko sayo ay wag kang nagdudungis baka dapuan ka ng sakit." Sabi ni Mama.

"Mama sorry po hindi na po mauulit may nabangga po kasi akong bata kanina parehas po kaming nahulog sa putik nadungisan po tuloy ako." Sabi ko.

"Nagsorry ka ba sa batang nabangga mo ha?" Sabi ni Mama.

"Opo naman po Mama kaso masama po ang ugali nung batang iyon nagsorry na nga po ako galit pa din siya." Sabi ko.

"Hayaan mo na anak may nagawa ka kasing mali ang importante ay nagsorry ka sa kanya." Sabi ni Mama.

"Sige po Ma punta na po ako sa kwarto ko." Sabi ko.

"O sya sige maligo ka na anak." Sabi ni Mama.

Pagkatapos kong maligo ay natulog ako.

"Trina, anak gising kakain tayong hapunan." Sigaw ni Mama.

"Opo Mama lalabas na po ako." Sigaw ko.

Habang naghahapunan ay masaya kaming kumakain ni Mama.

"Oh anak uuwi na ang Lola Let mo dito bukas." Sabi ni Mama.

"Talaga po? Excited na po ako sobrang miss ko na po si Lola." Sabi ko.

"O sya sige anak matulog ka na at ako na ang magliligpit dito." Sabi ni Mama.

"Sige po Mama salamat po." Sabi ko.

Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon