Si Ynah

5 0 0
                                    

Simpleng babae lang si Ynah, nag-aaral sa kolehiyo at nasa 2nd year na sya. Ang mga magulang nya ay may mga negosyong real state at sasakyan. Magandang bulas, makinis na balat, mahabang buhok at maamong mukha. May mga matang malamlam at labi na sadya namang kaaya ayang pagmasdan. Ung mukha nyang hawig kay Joyce Jimenez. Kinaiingitan ng kanyang mga kaedaran dahil sa sadyang mapapalingon ka kapag syang iyong nakita. Madami din syang manliligaw at mga nagpapansin.
"Hi Ynah" bati ng isang lalaking nagpapansin kay Ynah sa canteen ng kanyang eskwelahan.
Sweet na ngiti lamang ang itinugon ni Ynah na sadya namang ikinakilig ng lalaki.
"Hay naku Ynah, lahat na lang ata ng lalaki dito sa campus ikaw ang bukambibig at laman ng slum book sa "who is your crush"." Tukso ng bestfriend ni Ynah na si Lara
"D naman Lara. Kahit naman ikaw ah. Dami ngang nagpapadala sayo ng mga messages"
"Bat d kaya sumali Ynah sa Ms. Intramural, sa susunod na buwan na un ah" wika ng isang kaklase nila.
"Naku kayo talaga, kulang pa nga ung oras natin sa pag aaral. Sa susunod na buwan finals na din natin" ani Ynah
Lingid sa kaalaman ni Ynah isinulat nila ang pangalan neto sa mga sasali sa Ms Intramurals. Talga naman kasing pang beauty queen ang tindig at ganda ng dalaga.
Pero d nya eto binigyan ng pansin kasi likas na mahiyain ang dalaga. Mas gugustuhin pa nya na sa pagaaral itutok ang kanyang atensyon.

Nang Ikaw ay Maging AkinWhere stories live. Discover now